Lovi Poe prefers not to have a loveteam: "Gusto ko talaga yun... I want to be paired with anybody."

Lovi Poe’s next project with Jake Cuenca under Regal Films is titled Lihis.
But at present, she’s finishing The Bride and The Lover, which also stars Paulo Avelino and Jennylyn Mercado.

Lovi had the chance to work with the former in Aswang, while the latter became her co-star in GMA-7’s defunct series Little Star.<


Marami-rami na ring proyektong ginawa si Lovi Poe sa telebisyon at pelikula, kung saan nakasama niya ang iba’t ibang actor.

Pero hindi siya nagkaroon ng pirming ka-loveteam.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, okay daw siya sa ganitong set-up.

Aniya, “Gusto ko talaga yun. It’s something naman talaga that I want to be paired with anybody, and work on it.

“And hopefully, [it] does well.

“Kasi wala, I’m enjoying working with a lot of people. Ang dami ko rin natutunan sa iba’t-ibang tao.”

Sa upcoming movie niyang The Bride and The Lover, nakarami na sila ng mga na-shoot na eksena, pero marami pa rin daw silang kailangan na tapusin. Dito’y makakasama niya sina Paulo Avelino at Jennylyn Mercado.

Musta ang kanyang Regal movie?

“Okay naman. It’s good, as in great…

“Ang sarap katrabaho ng lahat, ‘tapos si direk Joel [Lamangan] pa!

“Parang nakaka-excite. Gusto ko na ngang matapos para mapanood na.”

Ngayong taon nakatakdang ipalabas ang pelikula pero, ayon kay Lovi, mukhang “next year na.”

Kumusta naman ang character niya rito?

Ang sabi ng dalaga, mas daring daw ito sa My Neighbor’s Wife, kung saan nakasama niya sina Dennis Trillo, Jake Cuenca, at Carla Abellana. Ang term nga na ginamit ni Lovi, ito na raw ang “pinaka.”

Dugtong ng Kapuso actress, “Actually, I don’t want to say it kasi, I keep saying it every project. But I think, this is the last.

“Ito na ang… I just couldn’t say no to Direk.

“So, yun...medyo naiyak nga ako,” pag-amin niya.

Ano ba ang ginawa niyang kakaiba rito?

“People should see it.

“Although, kailangan naman talaga siya that’s why I agreed to do it.

“And I trust Direk Joel [Lamangan]. I can’t say no to him and he’s someone I trust naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanilang dalawa ni Jennylyn, siya ba ang lover?

“It’s not that kind of movie na parang may lover na naman. May Bride...it’s not that kind of movie. Hindi siya yung may other girl kaya hirap siyang i-explain.”

Hiningan din namin si Lovi ng opinyon tungkol sa tema ng mga pelikulang naglalabasan ngayon. Kadasan kasi, tungkol ito sa kabit o mistress.

Ilang report ang nagbanggit na napukaw na raw ang atensiyon ng Catholic Church dahil tila napu-promote ang immorality.

Sabad ni Lovi, “Well, for me, it’s just a movie. People, I guess, are smart to know naman and wala, I guess, nagkakataon lang din.

“Although The Bride and The Lover is not that kind of movie. Sounds like lang but it’s not.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga nagkukundena sa mga artista na gumaganap sa mga ganung pelikula?

“Ah, really? I’m not aware of that. But you know, we are told to act and we’re given the script.”

Hinuli namin ang usapin tungkol sa pag-ibig.

Natawa ito, sabay sabing, “Wala, wala talaga. Enjoy, enjoy muna. Enjoy life muna while working.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN