Barbie Forteza on supposed rivalry with Bea Binene: "Hindi rin ako mapapagod na sabihin na wala po talagang kumpetisyon. Paulit-ulit, sige na, copy paste na lang..."

Malaki raw ang utang na loob niya sa GMA-7 kaya hindi sumasagi sa isip niyang lumipat sa ibang network. Aniya, “Kasi yung GMA na talaga yung nagsilang, nag-build up, lahat- lahat. Sila na yung naghirap para makarating ako dito so bakit ko babalewalain yun, di ba?”


Isang prinsesa ng mga taong paru-paro ang karakter ni Barbie Forteza sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Kaya naman, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tween star kung nahirapan ba siya sa prosthetics na inilagay sa mukha niya?

“Makati lang po pero madali siyang tanggalin, madali din siyang ilagay."

Kapag nagkapakpak na siya sa serye, may mga eksena kung saan iha-harness si Barbie. Hindi na bago ito sa young actress dahil gumamit na rin siya ng harness sa Pilyang Kerubin, kung saan gumanap siya bilang anghel.

Halos sunud-sunod ang project niya. Katatapos lamang ng Luna Blanca nang sabihan siya tungkol sa bago niyang proyekto.

Sabi ni Barbie, “Nakakatuwa po. Kaya pag may nagtatanong kung lilipat ako, ‘Bakit ako lilipat, di ba?’

"’Tsaka dito talaga nagsimula ang lahat-lahat at sila [GMA-7] ang nag-risk na i-push ang mga ganitong awkward stage o age. Kaya ngayon talagang umaariba ang mga tweens, na pati kabila, talagang na-pressure.

“Kaya nakakatuwa kasi pinagkatiwalaan ako ng GMA kahit dati pa. Kaya hangga’t kaya ko, binibigay ko talaga yung best ko kasi sobrang laking tiwala at suporta ang ibinibigay nila sa akin.”

Kahit ano raw ang mangyari ay gugustuhin niyang manatili bilang isang Kapuso.

“Kasi yung GMA na talaga yung nagsilang, nag-build up, lahat- lahat. Sila na yung naghirap para makarating ako dito so bakit ko babalewalain yun, di ba?”


SCREEN PARTNERS. Nadako ang usapan sa mga naka-loveteam niya. Ang dati niyang mkatambal ay si Joshua Dionisio, kumusta naman ang tandem nila ni Derrick Monasterio?

“Sa personal? Okay naman kami ni Derrick kasi nga naging close na kami dahil sa Tween Hearts.

"Dito lang talaga kami nagkaroon ng mga one-on-one talks, dahil sa Tween Hearts ang dami naming magkakausap, di ba?

“So dito sa Paroa, kapag kaming dalawa lang yung nasa eksena mas nakakapag-usap kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa project kumbaga, ang DerBie [tawag sa loveteam nila ng bago niyang partner], ano siya parang, walang kaso ang itsura dito sa Paroa. Kumbaga kahit siya yung sikat na heartthrob sa school, kakaibiganin niya yung mukhang higad na loser, ganun.”

Bukod kina Barbie, na gaganap bilang Mariposa, at Derrick, na gaganap bilang Iñigo, nasa Paroa rin sina Miguel Tanfelix as Joko, Bianca Umali as Leah, Joyce Ching as Becca, Ren Escaño as Betty, Gino dela Peña as Roman, Marc Acueza as Desmond, Rita Iringan as Lizzy, Tanya Garcia as Aurora, Alicia Mayer as Rosanna, Maritoni Fernandez as Belen, at Agot Isidro as Amalia.

Ito ay sa direkyon ni Mark Reyes at mapapanood simula November 5 bago mag-24 Oras.

Sinabi ni Derrick na magkaibigan sila ni Barbie at hindi pa nagkakaligawan dahil bata pa sila. Pero willing daw maghintay ng binata.

Tanong namin kay Barbie: May pag-asa ba ang kanyang kapareha? Ilang taon niyang paghihintayin si Derrick kung sakali?

“Naku, e, kapatid na kapatid po talaga ang tingin ko kay Derrick, sa totoo lang. Bunsong kapatid!

"Kasi minsan, may mga times na mas bata pa siyang mag-isip sa akin."

Tinanong naman namin si Barbie kung totoong textmates sila ni Alden Richards.

“Ha? Hindi, kasi nung time lang na yun... a few weeks ago kaya kami magka-text kasi siya yung team leader ng Team Tweens sa Party Pilipinas.

“So siya yung punong abala, siya text nang text ng mga details, ng rehearsals, ganyan pero hindi naman…”

What if one day sila ni Alden ang magiging magka-partner?

“Why not, di ba?"

Hirit namin: Walang girlfriend si Alden...

“Oo nga, Diyos ko, napaka-workaholic!”

Pero hindi raw ito nanliligaw sa kanya, ang tili niya, "Hindi, hindi, nakakaloka!

CONTROVERSY INVOLVING BEA BINENE. Paano niya sinusportahan si Bea Binene na kasalukuyang dumadaan sa mga issues?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko kasi parang ngayon, okay naman siya, e. Parang yung show niya? Okay naman yung feedback ng mga tao sa show niya so parang ako, okay lang.

"Ang alam ko, okay naman siya. Na since maayos ang show niya, okay siya...

"Feeling ko kasi di ba, yun dapat makaapekto sa kanya pero parang okay naman siya."

Hindi rin daw sila nakakapag-usap ng kapareho niyang tween star.

“Wala rin po kaming communication.”

Kahit text?

“Diyusko, ako nga, hindi ako makapag-Twitter na lagi kong ginagawa dati dcahil sa taping.

"Hindi na nga ako nakakapunta sa standby area, e, sa set na ako nagbibihis, doon na lahat bilang tuluy-tuloy, puro ako yung eksena.”

Pero may mensahe ba siya para kay Bea?

“Kaya niya yun! Basta huwag na lang siyang magpapadala sa isyu dahil part ng showbiz ’yan.”

Parehung-pareho ang sagot nila ni Derrick, parang iisa na ang takbo ng isip nila ngayon.

“Ganun?! Hindi, kasi parang, kilala namin si Bea, e. Ano naman, tough naman siya, e, so kaya niya yun.”

Mula kay Bea, ang isa pang tween actress na si Joyce Ching ang sumunod na topic. Pangalawang beses na niyang kontrabida si Joyce, pero magkaibigan daw sila sa totoong buhay.

“Una sa Ikaw Lang Ang Mamahalin...

“Kami, kami talaga, mag-bestfriends talaga kami ni Joyce.”

Inamin ni Barbie na mas close siya kay Joyce kaysa kay Bea.

“Opo mas close ako talaga si Joyce. Kaya confident ako na siya yung kontrabida ko kasi hindi personal yung pananakit, kumbaga work lang talaga.

“Minsan nga sinasabi ko pa sa kanya, ‘Lakasan mo ang sampal!’

“Kasi mas nakakadala sa eksena kapag totoo, e, kaya lang, ayaw niya talaga. Kaya nakakatuwa.”

Ibig sabihin pag hindi niya ka-close ang artista, baka personalin ang pananakit sa kanya sa eksena?

“Hindi po, hindi lang ako sigurado, pero si Joyce, sigurado akong walang kahit ano... Pero gusto ko nga po totohanin niya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, ano na ang mangyayari sa rivalry sa pagitan nila ni Bea?

Ang natatawang sagot ni Barbie, “Eto na naman tayo sa kumpetisyon, e. Yung totoo, kailan matatapos ito,” ang natatawang sinabi ni Barbie.

Si Barbie raw kasi ang Tween Queen at si Bea naman ang Tween Princess.

“Ganun? O siya, hindi rin ako mapapagod na sabihin na wala po talagang kumpetisyon. Paulit-ulit, sige na, copy paste na lang, copy paste na lang tayo, sige.”

May mga bagong pasok na tween stars tulad nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na mga dating child stars. Hindi ba siya threatened?

“Mas masaya nga mas marami, kasi dito na lang ako nagkakaroon ng kaibigan, so mas marami, mas masaya. Mas na-e-excite nga akong mag-taping pag lahat ng mga tweens na artista kasama.”

At sa katatapos lamang na Protégé ng GMA, nadagdagan na naman ang mga baguhan sa Kapuso Network dahil sa mga winners ng show na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino, na parehong taga-Laguna tulad ni Barbie.

“Oo, korek! Alam mo na, mga taga-Laguna talaga.

“Masaya kasi ang dami, kahit si Alden taga-Laguna, di ba? Ang daming tinatago ng Laguna!”

Pero ang makakasama raw niya sa Mariposa ay si Ruru Madrid, na produkto ng Protégé.

MISSING ATE MARIAN. Nami-miss na raw ni Barbie si Marian Rivera na nakasama niya sa Tweets For My Sweet.

“Oo! Pero nung isang Sunday, nagkita kami kasi parehas po kaming nasa Party Pilipinas.

“Tapos magka-text kami minsan.”

Ang gusto raw niya sa primetime queen ng GMA-7 ay "yung pagiging totoo niya."

Dugtong ni Barbie, "Kasi bihira na sa artista yung hindi plastik. Si ate Marian talaga, kung sino siya, iyon siya.

“Iyon lang, huwag magpaka-plastik. Kasi ako, nagustuhan ko siya kung ano siya talaga, hindi yung kung ano yung, alam n’yo yun, yung walang pagpapanggap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN