Sharon Cuneta: "I want to get back on my feet, take care of my career, and when that’s set again, I can make a decent comeback in the movies."

Aminado si Sharon Cuneta na “napabayaan” niya ang kanyang showbiz career. At sakaling magdesisyon siyang talikuran ang pagiging artista: “I want to manage a new talent.” Kasama ng Megastar sa larawang ito ang ampon na anak na si Miguel.


Masaya si Megastar Sharon Cuneta dahil pormal na nilang naipakilala ang adopted son nila ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan— si Miguel Samuel Mateo Pangilinan.

Naganap ito noong Oktubre 27, sa Blue Leaf Events Pavilion, Park Avenue, McKinley Hill sa Taguig, kung saan inimbitahan ng Megastar ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa birthday party at Christian dedication ni Miguel.

“He’s legally adopted now,” masayang balita ni Sharon.

“The adoption finally came through last year.

“Pero, uhm, parang sabi ko, one big party, isinabay na namin sa dedication.”



A BLESSING. "Macutelit" o pinagsamang mga salita na "cute" at "makulit" ang tawag ni Kiko sa kanilang adopted child ni Sharon.

Hindi na raw bago sa Megastar ang mag-alaga ng batang lalaki, dahil “co-raised” niya ang mga pamangkin sa kanyang half-brother na si Butch Cuneta.

At dahil sa tuwa, muling binalikang-tanaw ni Sharon kung paano dumating si Miguel sa buhay ng kanyang pamilya.

BACKSTORY OF ADOPTION. “Actually, it was medyo weird in a good way weird. Kasi I was shooting Mano Po [6], and then yung anak-anakan, yung kunwari na anak ko na maliit na maliit pa.

“Sinasabi ko na sa mama niya, hindi ko naman alam yung story, yun pala happily married naman pala siya.

"Sabi ko, ‘Sige na, Mama, puwede mo naman dalawin. Ampunin ko na.’

“So I really wanted to adopt.”

At kasunod na ng pangyayaring ito’y ang tawag na natanggap ni Sharon mula sa isang kaibigan, na sinabing mayroong mga magulang na naghahanap ng maaaring umampon sa kanilang anak na lalaki.

“... That boy is mine!” ang naging mabilis na tugon ni Sharon.

Agad daw niyang tinawagan ang panganay na anak na si KC, ang anak niya kay Gabby Concepcion, upang sabihin ang kanyang plano na ampunin ang batang lalaki.

Sumunod naman ay tinawagan daw niya ang kanyang malapit na kaibigan at itinuturing na kapatid, si Judy Ann Santos, at ang asawa nitong si Ryan Agoncillo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang meron ding adopted child sina Juday at Ryan, si Yohan.

Sa kanila siya humingi ng tulong para kausapin ang mister na si Kiko.

“Si Ryan ang kumausap kay Kiko,” natatawa-tawang simula ng Megastar.

“Nagkukuwentuhan sila, na siya daw nagmamadaling umuwi pag ganyan.

“Si Kiko, sabi niya, ‘Sweetheart, baka you think it’s really hard to raise a ganyan…’”

Pero nang pumayag na si Kiko sa pag-aampon kay Miguel at dumating na ito sa kanilang tahanan, hindi naging mahirap para sa senador na mapalapit sa batang lalaki.

“Sabi nila, mas magiging close sa mommy, hinihintay ko nga, e!” sabay tawa nang malakas ni Sharon.

Kuwento pa nito tungkol kay Kiko, “He even once texted me, I was abroad yata, sabi niya lang sa akin—he [Miguel] was a couple of months old, two months ata— sabi niya, ‘Sweetheart, thank you for making this possible. Kasi I’m having fun,’ na parang he couldn’t believe it.

“Ang ganda-ganda ng message na yun, na lalo silang na-bond kasi wala kami ng mga bata, so sila ang naiwan at home.

“Sobra siyang na-attach na uma-umaga, sumisilip na siya. Tapos Miguel was so chochong-chocho over him, na kapag nakikita siya, bigla siyang sasama. He doesn’t do certain things to me, ha, up to this day.

“Sometimes, talagang he’s sleeping in his dad’s chest. Kapag ako, ‘Mama, can you sleep in my room?’ ganyan siya, tapos‘paghiga kong ganyan, yayakap siya sandali. Tapos kaming dalawa ng nana niya, parang naghahati sa atensiyon niya.

“Pero with his dad, hindi, kasi alam niya, sila lang boys dito, e.”

Kung mayroong istorya ang pagdating ni Miguel sa kanilang buhay, mayroon ding istorya ang mahabang pangalan nito.

Miguel Samuel Mateo ang pinili nilang pangalan dahil, “Saint Michael the archangel, and then Frankie told us Samuel, she loves that name so we put it, then Mateo, I always loved..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRANKIE AND MIEL. Samantala, hindi naman daw siya nahirapan na ipaliwanag sa dalawa pa niyang anak na sina Simone Francesca Emmanuelle (Frankie) at Mariel Daniella Sophia (Miel) ang gagawin niyang pag-aampon kay Miguel.

Bago pa man daw kasi dumating ang pagkakataong ito’y alam na ng kanyang mga anak ang salitang “adoption” at ang kahulugan nito.

“Kasi they know from kids who are also adopted,” paliwanag niya.

“So we would explain to them, that’s not the real ano, I mean the baby didn’t really come out the tummy. But you know, because of the real mom, ganyan-ganyan, now there’s a mommy and daddy.

“Lumalaki sila no’n, alam na nila yung stories na… So I said, ‘can we adopt this baby?’ And they understood exactly what I meant.”


JEALOUSY AMONG THE KIDS. Hindi naman gaano nagkakalayo ang mga edad nina Frankie (12), Miel (8) at Miguel (3).

Pero kung mayroon man daw namumuong selos, kadalasan ay sa pagitan ito nina Miel at Miguel, na parehong mahilig sa sasakyan.

“Mielly, when she was small, gusto niya rin kotse. So sabi ni Kiko, ‘my only daughter who loves cars.’

“So now, when Miguel has cars, she’s [Miel] still girly-girl but when it comes to cars, nakikipag-agawan siya at nalilimot niyang eight na siya.”

ON HER CAREER. Samantala, dumako ang usapan sa kanyang showbiz career.

Kinamusta ng entertainment press ang kanyang show na Sharon: Kasama Mo Kapatid, na isang afternoon talkshow sa TV5.

Ang masayang ibinalita ng Megastar, “My show is getting better, thank God!”

“Sabi ko nga, I hope they’d stand by on our show because the staff works so hard from the beginning of the first episode, then dahan-dahan.”

Nanghihinayang nga lang daw siya sa mga TV viewership na nawawala sa kanila. Karamihan daw kasi ng kanyang tagasubaybay ay sa Internet nanonood dahil hindi abot ng TV5 satellite ang kanilang lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, nagiging mas “exciting” daw ang takbo ng kanyang show dahil unti-unti ay nakukuha na nila ang “interest” ng mga manonood kahit hindi pa kasing-laki ng TV5 ang ibang istasyon.

SAYING GOODBYE TO SHOWBIZ. Naging seryoso naman ang Megastar nang tanungin siya kung nakikita na ba niya ang sarili na tatalikod na sa ang mundo ng showbiz.

Sandaling napaisip si Sharon at saka sinabi, “Mga 50, latest na yung 55, retired na ’ko.” Siya ay 46 taong gulang.

Kasabay nito’y inamin din niya na “napabayaan” niya ang kanyang showbiz career.

“Kasi siguro, masyado akong kuntento,” pagninilay ng Megastar.

“So I don’t have that, yung hunger, like before… Basta feeling ko, parang hindi na ‘ko nakikipagkarera. I’ve been there and done that.

“Parang kaya lang, I feel bad, parang I let my fans down.”

Pero kahit ganoon ang nangyari, mayroon na raw bagong plano si Sharon para sa sarili.

“I want to manage a new talent.

“Kasi producing now... I mean, I want to get back on my feet, take care of my career, and when that’s set again, I can make a decent comeback in the movies, and after that concentrate on other things.

“Di ba that’s the best way to go?

“I don’t want to concentrate on other things after God gave me so much in my career.”

At press time, may nag-aantay nang proyekto para sa kanya. Hiniling niyang huwag muna itong isulat.

Pero nang banggitin niya ito sa apat na writers na kaharap niya, napatili ang mga ito.

"I like! That’s the reaction... I like!" ang excited na sabi ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN