Yam Concepcion on the return of sexy films in Philippine Cinema: “Matagal na raw request ng maraming guys ang ganitong movies. Ibigay lang natin ang hilig nila.”

Yam Concepcion on indecent proposals after Rigodon is shown: “I don’t want to fool around and make money out of it. Pangmatagalan na relasyon ang hanap ko. Like what I said, yung mga pangaral sa akin ng mother ko, intact iyon. Hindi ako papayag na magpagamit for money.”


Kahit galing sa isang konserbatibong pamilya, hindi na nagpaawat sa sa mga maiinit na eksena nila ni John James Uy ang bagong sexy star ng Viva Films na si Yam Concepcion.

Dapat daw abangan kung ano ang makikita kay Yam sa Rigodon na ipapalabas na sa November 21.

“Pinapauso kasi ulit ng Viva ang mga sexy films,” sabi ni Yam nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva Films office sa Tektite Pasig kamakailan.

“They were known for making Scorpio Nights 2 with Joyce Jimenez. Then they did Gamitan with Maui Taylor, Sukdulan with Katya Santos, Lupe with Andrea del Rosario, at marami pa.

“All of them were big hits at the box office, di ba? So, it’s time na raw na ibalik ulit ang mga ganito.

“Matagal na raw request ng maraming guys ang ganitong movies. Ibigay lang natin ang hilig nila,” nakangiting sabi pa ni Yam.


BACKGROUND ON YAM. Nakatapos ng elementary at high school si Lorraine May Concepcion—ang tunay na pangalan ni Yam—sa Assumption College-San Lorenzo, Makati. Tapos naman siya ng Multimedia Arts course sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Drummer din siya ng bandang Ursa Minor at napasali sa music video ng bandang Mayonnaise.

Dito siya nakita ng singer-manager na si Claire dela Fuente, na nagdala naman sa kanya sa Viva Entertainment office.

Napasali si Yam sexy reality show ng Viva Channel na Pantaxa kunsaan isa siya sa mga nakipagkumpitensiya para maging isa sa bagong batch ng Viva Hot Babes.

Si Yam ang nag-standout sa mga nagsisali rito na siyang nagtulak sa Viva para papirmahin siya ng movie contract.

Pero bago siya sumabak sa mga seksing eksena ng una niyang pelikula, sumailalim muna si Yam sa acting at sensual workshop, kasama ang leading man niyang si John James.

“Para mawala ang anumang inhibitions naming dalawa when we do the love scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I do come from a conservative family. Maraming bawal.

“I grew up with my mom but I have a stepdad. But it was my mom who raised me and my brother. Kaya lumaki akong matino at alam ang mali sa tama.

“Trabaho lang naman itong ginagawa ko. Hindi naman nawala ang mga pangaral sa akin ng mother ko.

“I told her naman na huwag siyang mag-alala dahil hindi naman ako lumaking bad girl, e. Lahat naman sinunod ko. This time, I want to try to make something different sa buhay ko,” diin ni Yam.


NERVOUS CO-STAR. Kuwento pa ni Yam, marami silang “hot scenes” ni John James sa Rigodon. Pero lahat, aniya ay “done in good taste” ng kanilang direktor na si Erik Matti.

“Okey katrabaho si Direk Erik. Very cool at palakuwento sa set.

“I just saw his movie, yung Tiktik: The Aswang Chronicles. Maganda siya at lalo niya akong napabilib sa pagiging director niya.

“When he was directing me and John James, hinahaluan niya ng pagbibiro. Kaya very relaxed kami sa set.”

Pero sa mga intimate scene sa Rigodon, mas dama raw niya ang kaba ni John James.

“Feeling ko nga na si John James pa ang nahiya sa akin. Kasi ako, todo-bigay agad!” natatawang kuwento niya.

“Ikaw na rin lang ang bida, might as well itodo mo na, di ba?

“Sabi ko naman kay John James na we are just working as actors. Binabayaran kami kaya we have to do what we were paid to do.

“Pero noong magtagal na kaming magkasama ni John James sa mga scenes, nare-relax na siya. Hindi na siya as tensed as he was noong magsimula kami.”


RELATIONSHIP BETWEEN HER AND JOHN JAMES. Samantala, parehong loveless sina Yam at John James.

Ani Yam, apat na taon na ang nakararaan mula nang huli siyang magka-boyfriend. Matagal na ring break si John James sa dating girlfriend na si Regine Angeles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May na-develop kaya kina Yam at John James nang gawin nila ang mga maiinit na eksena sa Rigodon?

“It’s too early to tell. Nagkakasama lang naman kaming dalawa kapag may shooting.

“But we get to talk naman a lot. Marami kaming napagkakasunduan na mga bagay-bagay ni John James. There are common things that we like.

“Well, he hasn’t asked me out pa naman. So, I guess, professional lang ang relationship namin.”


INDECENT PROPOSALS. Dahil bilang sexy star ang packaging sa kanya ng Viva, hindi malayong maraming indecent proposals ang kanyang matatanggap.

“Hindi naman ako puwede sa gano’n,” sagot agad ni Yam.

“I don’t want to fool around and make money out of it.

“Pangmatagalan na relasyon ang hanap ko.

“Like what I said, yung mga pangaral sa akin ng mother ko, intact iyon. Hindi ako papayag na magpagamit for money,” pagtatapos na ni Yam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN