Zsa Zsa Padilla’s plan this Christmas: “Imbes na magdadrama ako sa bahay ko, first Christmas, pupunta kami sa Korea!”

“Kasi kung ano yung pinagdaanan namin ng pamilya ko, forever na ‘yan sa isip mo ‘tsaka sa puso mo, e. But when you create new ones, you look forward to tomorrow, di ba?” pahayag ni Zsa Zsa Padilla. Kaya nga raw sa darating na Disyembre, pupunta sila ng mga anak niyang sina Zia at Nicole sa Korea.


Sa kabila ng kanyang edad na 48 years old, nanatiling maganda at mukhang sariwa ang tinaguriang “Divine Diva” na si Zsa Zsa Padilla.

Kaya tuloy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya kamakailan, hinigan namin siya ng maaari niyang ma-advise sa mga babaeng kaedad niya pagdating sa pag-aalaga ng kutis.

“I think a good skin care regimen is really a must. I’m not saying this because of ZO but because through the years, I have put myself in a very strict regimen. I’ve been very careful about skin care,” ani Zsa Zsa.

Si Zsa Zsa ang endorser ng ZO Skin Health and Medical Systems, ang pinakabagong product line ng skin care mula kay Dr. Zein Obagi.

Patuloy ni Zsa Zsa, “Totoo yun, mabusisi talaga ako since 18 years old yata ako.

“So, you have to...of course, number one, kalaban ngayon is the sun, sun exposure.”

Sa sobrang ingat nga raw niya sa kanyang kutis, ngayon lang siya nakaranas na magpa-skin peeling sa iniendorsong skin care company.


THE MOST BEAUTIFUL WOMEN. Tinanong din ng PEP si Zsa Zsa kung sino para sa kanya ang tatlong pinakamagagandang female celebrities sa local showbiz.

“I really look at the female and admire their beauty and skin care regimen, and yung mga ginagawa nila sa katawan nila.

“Yung very admirable ang kanilang mga...the lives that they lead also.

“I find the most beautiful for me, with bias...” sabay-tawa nito, “si Kris Aquino. Kasi she really takes good care of her skin.

“I like Lucy Torres-Gomez, I admire her beauty and her character and her strength and her position now in government.

“And I like Dawn Zulueta, kasi she’s just ravishingly beautiful and classic yung kanyang beauty.”

Sa mga lalaki naman, sino sa kanya ang kapansin-pansin ang pagkamakisig?

“Sa male? I don’t know, I’m not there,” at tumawa muli ang Divine Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang may ganyan, ‘no? Kasi yung personality ko kasi sobrang ano, e, sobrang masyado akong naging conservative. Sumobrang conservative ako ngayon, oo.”

Nabanggit na rin naman niya si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, hindi ba pumasok sa isipan ni Zsa Zsa na pasukin na rin ang pulitika?

“No. Kung meron akong mako-contribute...

“Pero as of now, I am...wala, e. Wala akong masasabi tungkol diyan.”

Wala bang nag-e-encourage sa kanya?

“Wala, wala naman,” sagot ni Zsa Zsa.


HOW ABOUT ZSAZSA ZATURNNAH PART TWO? At dahil seksi at very youthful pa rin ang hitsura niya, papayag ba siya kung i-offer muli sa kanya na gumanap bilang ZsaZsa Zaturnnah?

Ginampanan ni Zsa Zsa ang papel ng comic book superhero character ni Carlo Vergara sa movie version nito na ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh nung 2006.

“No!” sagot agad ng singer-actress. “It was so hard talaga. It was so hard, e.

“’Tsaka hindi, kasi si ZsaZsa Zaturnnah, she has to be parang yung Superman, kailangang forever fresh, hindi tumatanda.”

Sabi ng PEP, fresh pa rin naman siya.

Napatawa tuloy ang Divine Diva.

“Hindi ako yun, physically hindi ko na kaya yun, e.

“At saka I have five new wounds, thank you very much! Lima ang bago kong sugat because of the laparoscopy surgey that I had.”

Matatandaang sumailalim ng naturang medical procedure si Zsa Zsa, early this year, para maalis ang namuong laman sa kanyang bato o kidney.

Dahil dito, hindi na raw siya puwede sa masyadong mabibigat na gawain—lalo na kung action scenes.

“Oo, ‘tsaka yung sinuot ko dun hindi na pupuwede kasi ang laki ng tahi ko talaga.”


RELATING TO COUSIN LORNA. Pareho na silang biyuda ng pinsan niyang si Lorna Tolentino. May advise ba itong ibinigay sa kanya? Sa tingin niya ba’y naka-move on na ito mula sa pagkawala ng mister nitong si Rudy Fernandez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binawian ng buhay si Rudy nung 2008 dahil sa sakit na periampullary cancer.

“Actually, she stilll gets lonely, she tells me,” lahad ni Zsa Zsa tungkol sa pinsang si Lorna.

“May nagtanong nga sa akin kung mahirap bang mag-isa. Hindi ko nararamdaman na mag-isa ako sa buhay, e.

“I am surrounded by people who love me and my family. Sobra, sobrang blessed.”


CREATING NEW MEMORIES. Nakaka-relate daw sila ni Lorna sa isa’t isa.

“Hindi, kasi talagang madaling maka-relate, e. If you lost somebody, a partner in life. You also draw strength from these people kasi alam nila by experience, hindi ba?

“So, ang sabi ko lang sa kanya, ako nararamdaman ko na pag nagbibiyahe kami at pag nagpaplano ako ng biyahe, nabi-busy yung mind ko, kasi I look forward to new memories. New memories with my family.

“Kasi kung ano yung pinagdaanan namin ng pamilya ko, forever na ‘yan sa isip mo ‘tsaka sa puso mo, e.

“But when you create new ones, you look forward to tomorrow, di ba? Iisipin mo, ‘Ay, sa Christmas, imbes na magdadrama ako sa bahay ko, first Christmas, pupunta kami sa Korea!’”

Sino naman ang makakasama niya sa pagpunta niya sa Korea?

“Si Karylle, hindi pa siya sigurado kasi hindi pa siya binibigyan ng Showtime ng schedule kung kailan siya free.

“So, si Zia ‘tsaka si Nicole.”

Si Zia ang anak nila ni Dolphy, habang si Nicole naman ang inampon nila noon ng Comedy King, bago dumating sa buhay nila si Zia.

Speaking of Karylle, kung biglang isang araw ay magpaalam si Karylle na mag-aasawa na ito, papayagan ba ni Zsa Zsa?

“Oo naman, oo naman! Nasa tamang edad na siya and I think she’s very much happy, she’s in a very happy relationship, sa awa ng Diyos!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN