Michelle Madrigal believes it’s too early for a live-in set-up with current boyfriend: “Nagkamali na nga ako dati, uulitin ko pa?”

Sinabi ni Michelle Madrigal na hindi muna siya makikipag-live-in sa bagong boyfriend na isang El Salvadorian football player. Pero hindi naman daw ibig sabihin ay hindi na siya papasok sa ganitong uri ng set-up sa relasyon. Aniya, “Hindi natin masasabi. Malay mo, mangyayari, pero hindi pa ngayon. Maaga pa.”


Sa GMA-7 adaptation ng Koreanovela na Temptation Of Wife, ginagampanan ni Michelle Madrigal ang role na Chantal.

Kapatid siya ng character ni Rafael Rosell na si Nigel. Pero, paglalahad ni Michelle sa kanyang karakter sa Kapuso show:

“Hindi naman kasi niya totoong kuya. Alam naman natin yun. So, very possessive kasi ang character niya [Chantal].

"So, feeling niya, pag-aari niya si Nigel.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Michelle sa taping ng nabanggit na show sa GMA-7, ilang araw bago ito tumulak papuntang Paris, France.

In-love daw si Chantal kay Nigel.

“So, yun...pero, siyempre, hindi mo naman puwedeng saktong gayahin.

“Parang guide mo lang din yung story, yung sa Korean.”

Tingin din daw ni Michelle, hindi siguro nila gagawin ang grabeng sakitan na meron sa Korean version ng Temptation Of Wife.

“E, di ba, yung Koreanovela, kung makapanakit..?” natatawa niyang sabi.

Ngunit ayon kay Michelle, gusto niya ang bago niyang role.

“E, kasi masarap siyang paglaruan. Ang possessive niya.

“At saka, the role naman that I get, puwede mo naman siyang paglaruan. Nasa sa ‘yo na kung paano mo siya mai-improve.”

At wala raw siyang karapatang magreklamo sa kanyang role.

“Actually, magreklamo ka kung one year ka nang walang trabaho.”

May pagka-daring ang ibang characters sa Temptation Of Wife, ibig bang sabihin ay magpapaka-daring din siya?

“Yung kay Glaiza [de Castro] ang talaga, kasi ako naman, second kontrabida lang.

“Si Glaiza talaga ang main kontrabida. Makokonek lang kami ni Marian [Rivera] because of Nigel.

“The reason lang naman na magagalit ako kay Marian is because of Nigel. Kasi nga, dahil hindi kami tunay na magkapatid, may iba akong gusto.

“Unlike with Heidi [played by Glaiza], parang ako siya noon kay Mike Tan kung gaano ko siya kamahal. Scheming na talaga,” banggit pa ni Michelle sa co-star niya noon sa Kung Aagawin Mo Ang Langit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May konti pa raw siyang bait dito. “Yung sa akin, wala naman talaga akong plano. Kumbaga, naiinis ako kapag may kinukuwento ang kuya ko."

Dugtong niya, sabay tawa, "Feeling nga lang ako rito!”

Sila raw ni Marian ay sa Dyesebel pa huling nagkasama sa teleserye. Nagkikita na lang daw sila sa Party Pilipinas.

Si Rafael naman, kahit pareho silang Kapamilya noon, hindi pa raw sila nagkatrabaho nito. Gayundin sina Glaiza at Dennis Trillo.

“Halos mga bago ko lang makakasama at yun din ang maganda. At least, hindi mo pa ano ang group. Fresh pa.”

EL SALVADORIAN BOYFRIEND. Ngayong araw, November 4, ang birthday ni Michelle.

At dahil nasa Paris siya kasama ang kanyang kapatid na si Ehra Madrigal at mga kaibigang sina Solenn Heussaff at Bianca King, doon na raw siya magse-celebrate.

Sa November 6 ang balik nila sa Pilipinas.

Sa panayam na ito ni Michelle, sinabi niyang hindi raw niya makakasama sa Paris para mag-celebrate ang El Salvadorian football-player boyfriend niya.

“Okey lang yun. Pagbalik na lang,” natatawang sabi ni Michelle.

Gaano na ba sila katagal ng kanyang boyfriend?

“Two years! Ha-ha-ha!” pagbibiro ni Michelle.

Biniro naman si Michelle ng mga kausap na press, na hindi naman daw umaabot ng dalawang taon ang nagiging karelasyon niya.

“Grabe ka naman, two-and-a-half years kami ni Jon [Hall], ha! At live-in yun.”

Tumama naman ang hula namin na 10 months na sila ng bagong boyfriend.

Noong una kasi, itinatanggi pa niya na may bago na nga siyang boyfriend.

“E, kasi naman noon, hindi pa talaga kami.”

Maingat sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang boyfriend ngayon si Michelle.

Pero sinabi nitong hindi kasama sa national team ang boyfriend dahil hindi naman nga raw ito Pinoy. Galing daw ito ng Virginia, U.S.A.

Mabilis namang tumanggi si Michelle nang tanungin namin kung live-in na rin sila ng bagong boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No! Nagkamali na nga ako dati, uulitin ko pa?” natatawa niyang sabi. “Huwag nang ulitin.”

So, hindi na siya makikipag-live-in?

“Hindi natin masasabi. Malay mo, mangyayari, pero hindi pa ngayon. Maaga pa,” tugon niya.

Hindi ba siya niyayaya ng boyfriend na makipag-live-in na?

“Hindi naman. At saka, kami naman ni Jon, hindi naman agad-agad live-in na.”

Sila ba ni Jon, okey na?

“Okey naman. Pero, kapag kasama niya ang dyowa niya, hindi siya nagha-‘hi!’ sa akin,” natatawa niyang sabi.

SEF CADAYONA. Mas gusto ba talaga ni Michelle ang boyfriend na foreigner?

“E, wala namang nanliligaw sa aking Pinoy!” natatawang sagot nito.

At saka namin naalala si Sef Cadoyona na balitang nanligaw sa kanya.

Tumawa nang tumawa si Michelle at saka sinabing, “Hindi naman nanligaw sa akin yun!”

Pero totoo bang na-in love sa kanya si Sef?

“Kung maka-in love naman kayo diyan!” tumatawa uling sagot ni Michelle sabay sabing, “Hoy, Sef, ikaw nga ang sumagot dito! Ha-ha-ha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN