Lorna Tolentino prepares for intimate scenes with Dingdong Dantes in new Kapuso primetime soap

Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali ay gaganap na mag-inang magkaribal sina Lorna Tolentino (gitna) at Kylie Padilla (kanan) para sa pag-ibig ni Dingdong Dantes (kaliwa).


Excited ang buong cast ng upcoming primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali.

Ito ang ipinalit ng Kapuso network sa hindi natuloy na Haram.

Pero bida pa rin sa Pahiram Ng Sandali ang mga bida sana sa Haram na sina Dingdong Dantes, Kylie Padilla, at ang nagbabalik-Kapuso na si Lorna Tolentino.

Mula pa rin ito sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

Nakausap ng StarTalk TX ang tatlong lead stars ng Pahiram Ng Sandali sa story conference nito last week.

KYLIE PADILLA. Sabi ni Kylie tungkol sa kanyang role, “Gusto ko yung role ko dito. Tsaka yung mga kasama ko, siyempre, ang gagaling!

“Ang role ko po dito ay anak po ni Miss Lorna T... iyon.

“Mai-in love ako kay Dingdong, pero si Dingdong naman mai-in love kay Mommy [LT].

“Iyon, so medyo madrama ito.

“Gusto ko yung story tsaka yung mga kasama kong artista, ang dami kong matututunan sa kanila kasi ang gagaling.”

Meron ba silang kissing scenes ni Dingdong dito?

Sagot ni Kylie, “Puwede naman siguro idaan sa ibang paraan kasi hindi naman kailangang makipag-kiss, alam mo yun?”

Hindi pa raw puwede si Kylie sa mga kissing scenes dahil hindi pa siya handa at hindi siya papayagan ng amang si Robin Padilla.

“Hindi pa. Hindi ako ready at ayaw din ni Papa.

“Ako naman kasi, pagdating sa character, lahat naman talaga gagawin ko kasi love ko ang trabaho ko—pero kung ayaw ni Papa...”

LORNA TOLENTINO. Samantala, napi-pressure naman daw si Lorna dahil sa kanyang gagampanang papel.

Sabi ng award-winning actress, “May pressure, kasi kailangang physically okay ka—physically you look really good.

"Iyon yung challenge dun, di ba?

“And at the same time, parang kailangang oozing with appeal ka pag talagang may love ang involved.

"Hindi katulad ng mother ka, di ba? Hindi mo… okay lang kahit na yung look mo e pang-nanay talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan lang you should look good. Yung hindi naman ako papantay sa mas bata talaga at hindi hamak na mas maganda dahil yung youth nandodoon.”

Gaganap ang 50-year-old actress bilang asawa ni Christopher de Leon at ina ni Kylie Padilla na mauugnay kay Dingdong.

May intimate scenes ba sila ni Dingdong dito?

“Meron! Trabaho lang ito, ha!” ang tumatawang sabi ni LT.

Nag-usap na ba sila ni Dingdong tungkol sa kanilang mga eksena?

“Hindi pa kami nag-uusap pero, I mean, siguro wala naman akong dapat ikatakot doon.

“Ngayon ko lang mae-experience na magkaroon ng affair with a younger man,” sabi niya.


DINGDONG DANTES. Si Dingdong naman ay natutuwa na makatrabaho ang isang dekalibreng aktres tulad ni Lorna.

Sabi ng 32-year-old Kapuso hunk, “I am privileged na magkakaroon ako ng pagkakataon na makatrabaho siya.

“Ako, sobrang suwerte lang ako na nabigay sa akin itong ganitong klaseng pagkakataon.”

Nang matanong naman tungkol sa isyu ng kaibigang si Paolo Contis at estranged wife nitong si Lian Paz, sinabi ni Dingdong na nakasuporta siya bilang kaibigan.

Naniniwala rin siya na sina Paolo at Lian mismo ang makakaayos ng mga bagay na dapat ayusin ng dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN