Epy Quizon on playing young Dolphy in Katy! The Musical: "I don’t think I will be… I will not even try to become the next Dolphy."

Ipinakita ni Epy Quizon ang tattoo niya sa kanang kamay na alay niya sa yumaong ama na si Dolphy. Isa itong dragon na paikot at aktong kumakagat sa buntot nito. Ang kanyang mga daliri naman ay may mga letra na mula sa makalumang alpabeto na Baybayin na ginamit noon ng pre-Hispanic Filipinos.


Naniniwala si Epy Quizon na ang pagtanggap niya sa role na Golay sa restaging ng Katy! The Musical ay isang paraan upang maging malapit sa yumao niyang ama na si Dolphy.

"Golay" ang ginamit na stage name ni Dolphy noong panahon na nagsasayaw pa siya sa mga bodabil shows noong 1940s.


“Don’t expect a Dolphy. I’m just trying to be one,” sabi ni Epy tungkol sa kanyang pagganap bilang Golay.

Dagdag pa niya, “I’m trying to imitate his moves. I don’t tap dance."

Nakapanayam ng PEP at iba pang members of the press si Epy sa sneak preview ng Katy! The Musical na ginanap kamakailan sa Podium.

Kahit hindi siya bihasa sa pagsayaw ng tap dancing, tinanggap ni Epy ang challenge na gampanan ang role bilang young Dolphy sa naturang play.

Ang Katy! the Musical ay itatanghal sa Cultural Center of the Philippines sa January 2013.

Produced by Spotlight Artists Centre, ang play na ito ay tungkol sa jazz singer na Katy dela Cruz na itinanghal bilang “Queen of Philippine Jazz” at “Queen of Bodabil.”

Si Isay Alvarez-Seña ay ang lead actress dito; kasama ang ibang performers tulad nina Dulce, Tirso Cruz III, Lou Veloso, at Gian Magdangal.

TAP DANCING. Ayon kay Epy, kinailangan niyang kumuha ng tap dancing lessons bilang preparasyon sa role niya.

“Walang problema yung teatro, ang problema ko yung tap dance!

"Kasi ang problema ko, ang tagal kong hindi sumasayaw. Ang huli kong sayaw, hindi pa yata TV5… ABC-5 pa noon!

"Yung [Shall We Dance] dun pa ako huling sumayaw yata!" tawa niya.

Patuloy ni Epy, "May dance number kami sa Dolphy tribute special pero patawa yun, e.

"Maski magkamali kami, e, okay lang, di ba?”

Ikinuwento ni Epy na bukod sa tap dancing, may portion sa play kunsaan magpe-perform din siya ng ilang kanta kasama ang ensemble.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “[Sa play], may scene si Golay and others, parang dinaanan nila yung mga kasama nina Katy dela Cruz.

"Parang dinagdagan yata ni Direk [Nestor Torre] yung scenes ni Golay.

"There is this scene where Golay comes out, na parang hinihiritan yung mga babae sa backstage since my dad was known as malambing sa mga babae.”



HUG FROM THE COMEDY KING. Lalong naalaala ni Epy ang kanyang yumaong ama dahil sa Katy.

“The mere fact na I am playing his role, of course, it brings me closer to him again.

“Parang nare-reminisce ko lang yung kabataan niya, di ba? Nare-reminisce ko yung the mere fact na I’m with him."

Para kay Epy, isang malaking hamon din para sa kanya ang role na ito dahil sa husay ni Dolphy sa larangan ng tap dancing.

Paliwanag niya, “I know how people see my father as a dancer—and dun ako kinakabahan kasi I am not my father.

“I’m trying to fit his shoes, pero pag sinuot ko yun, baka malunod ako sa laki ng kailangan kong punuin.

"I don’t think I will be… I will not even try to become the next Dolphy.

"I am just trying to play a role, and hopefully I convince people and bring them back to the time when my father used to do bodabil.

“Maganda itong reminder sa youth to show how stage was before… kung paano talaga yung entablado."

Kumusta na siya at ang pamilya nila ilang buwan matapos magpaalam ang Comedy King?

“The beauty about death is that you end up being with the person all the time,” ani Epy.

“So now, ako, pag kailangan ko kausapin tatay ko, sabihin ko lang, ‘Dad, dad, samahan mo ko, a.’"

Sumasagot ba naman sa kanya ang ama?

“Baka mamaya pag sumagot siya, bigla na lang tayong magsitakbuhan dito!” biro ni Epy na nagpatawa sa press na dumalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy niya, “Just knowing that he is just there watching over me, and that for me... that’s enough answer.

"I don’t need to hear his voice or any sign from the heavens above.”

Ngunit may ikinuwento si Epy na panaginip niya kunsaan nagparamdam sa kanya ang Comedy King.

“Ako kasi, actually, nagbigay siya sa akin ng sign.

"Miss na miss ko na talaga siya, tapos umiiyak ako talaga nun.

"E, ako, parang nabitin ako dun sa babay sa kanya kasi andami naming nagbababay, e, di ba?

"Tapos hinati pa nga sa tao, di ba? Parang nabitin talaga ako pag-babay sa kanya.

“Sabi ko, ’Gusto ko lang magkaroon tayo ng isang moment na mayakap lang kita ulit.’

"Alam mo, niyakap ako sa panaginip. Niyakap ako.

"Parang ginigising ako ng sarili ko para makita ko siya, kasi alam ko talaga nandun talaga siya.

"Ang higpit ng yakap!

"Tapos pagdilat ko, siyempre wala siya.

"Tapos sabi ko, ‘Dad, thank you, I needed that.’

“Alam ko na nandun siya. Yung diwa ko gising na, pero yung mata ko nakapikit pa, e.

"Pero pagdilat ko, wala na siya.”



GROWING UP AS DOLPHY’S SON. Sa pagkakataon na ito, ipinakita ni Epy ang kanyang tattoo na ipinalagay niya bilang tribute sa kanyang yumaong ama.

Ang tattoo niya sa kanang kamay ay isang dragon na paikot at aktong kumakagat sa buntot nito.

Ang kanyang mga daliri naman ay may mga letra na mula sa makalumang alpabeto na Baybayin na ginamit noon ng pre-Hispanic Filipinos.

Paliwanag niya, “Ito [ang Baybayin characters] kombinasyon ng pangalan ng tatay ko saka pangalan ko—Epy saka Rodolfo.

"Tapos ito [sabay turo sa imahen ng dragon], ipinanganak siya saka namatay siya sa the year of the water dragon.

"Tapos yung dragon na kumakagat sa tail kasi is an Ouroboros. An Ouroboros is a symbol of the cycle of life and death.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman si Epy tungkol sa kanyang childhood bilang anak ni Dolphy, agad niyang sinabi na “weird.”

Binanggit niya na mas kilala noon sina Dolphy, Jr., Sahlee, at Rollie bilang mga anak ng Comedy King; ang ina ng mga ito ay si Gracia Dominguez.

Kuwento ni Epy, “Patago pa nga kami sa media.

“Lalabas ka, [may magsasabi] ‘Uy, anak ni Dolphy.’

"Kilala ka ng mga tao, magtataka ka, ‘Bakit ako kilala nun?’

"Siyempre it was not a normal life. Hindi mo masolo tatay mo.

"Magdi-dinner kayo sa labas, andaming magpapa-picture. Imbes na nagkukuwentuhan kayong father and son… weird.

"Actually, weird siguro para sa inyo, pero para sa amin kasi, yun yung normal sa ’min, yun yung kinalakihan namin.”

May time ba nagkaroon siya ng resentment dahil sa mga pagkakataon na iyon?

“Oo naman. Malaki galit ko diyan,” pag-amin ni Epy.

“Ikaw ba naman ihati mo yung tatay mo sa buong mundo, di ba?

"All you want is time with him, hindi mo pa makuha.

"Kasi, every time na you want that time, meron siyang mga ibang kailangan pagbigyan ng oras.

“Yun lang, pero na-realize ko na lang talaga nung medyo pumasok na rin ako sa showbiz kung ano talaga yung epekto ng tatay ko sa tao… yung want niya na tumulong sa tao.

"Kunwari, hihingi ka minsan ng pera tapos [sasabihin niya], ‘Eto na lang muna maibibigay ko sa ‘yo.’ Pero alam mo ipinamimigay niya yung pera niya sa ibang tao.

"Siyempre, ikaw, magtatanong: ’Bakit ganun?’

"Ikaw ba naman si Dolphy, anak mo humihingi sa ’yo ng laruan, yung ibang tao humihingi ng gamot para sa anak.

"Siyempre, sino naman ang pipiliin mo, di ba? [Parang sinasabi niya] ‘Anak, huwag ka muna bumili ng laruan.’

“Hindi ko naintindihan yun nung bata ako.

"Naintindihan ko yun nung medyo lumaki na ’ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He is really a person who wanted to help people. Binubutas niya yung bulsa niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN