Victor Basa on gay pride-themed wedding with live-in partner Divine Lee: “Okay lang, kaya lang, dadami ang guest list!”

Sariling sikap ang susi para magtagumpay sa showbiz, ayon kay Victor Basa. At hindi niya matatanggap kung hindi maayos ang usapan. Sabi niya, “That’s why if you ask me, yung tungkol sa indecent proposal na mga ganun-gano’n, I will never accept that. Mas maganda kasi yung nakuha mo yung goal mo dahil sa pagsisikap mo… na pinaghirapan mo on your own.”


Two years nang nagli-live-in sina Victor Basa at Divine Lee, at masasabing masaya at tahimik ang kanilang pagsasama.

Normally, kapag celebrity couple, hindi nawawalan ng intriga o issue na laging nagiging banta sa katatagan ng relasyon.

Pero sa kaso nina Victor at Divine, napapanatili nilang maayos ang kanilang pagsasama.

Sabi ni Victor, “Nag-aaway rin naman kami.

“And it’s hard yung sa living-in kasi isa sa mga risk ng living-in ay yung mag-aaway kayo.

“I opted yung living-in din kasi, at least, makikilala mo nang husto yung tao na you’re hoping to marry.

“Kasi, paano kung kasal na kayo tapos luku-luko pala yung asawa mo? Di ba?

"Mas okey na yung sigurado ka.

“Alam ko hindi masyadong accepted sa kultura natin yung pagli-live-in, kasi siyempre conservative ang Pinoy.

“Pero kailangan mo talagang makita yung true character noong tao.”

Is Divine really the one, sa palagay niya?

“Yes!” walang pag-aalinlangang sagot ni Victor.

“And… no question naman siya sa akin. But then, ako sa kanya… I’m glad na worthy ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 3 sa basement bar ng Hotel Rembrandt sa Quezon City.

GAY PRIDE WEDDING. Napag-uusapan na ba nila ni Divine ang pagpapakasal?

“Napag-uusapan. Usually ako ang nagbi-bring up, hindi siya,” sagot ni Victor.

Ang dream wedding ni Divine ay may temang gay pride. Marami raw kasing friends na gays ang model turned TV host kaya ganoon ang gusto nito.

Okay lang ba kay Victor ang ganitong tema kung sakaling magpakasal sila?

“Okay lang, kaya lang, dadami ang guest list!” natawa niyang biro.

Ilang taon pa kaya bago mangyari yung kasalan?

“Well, as of yung sa time frame, wala pa kami sa goal na… kasi kailangan ko pang mag-ipon.”

Posible kayang mauna muna ang pagkakaroon nila ng baby bago ang wedding?

“Well, ideally, mauuna yung kasal dapat. And for me kasi, to have a child is a blessing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, I think mas maganda kung mauna yung kasal. Iyon naman yung tama.”

Ano sa mga qualities ni Divine ang pinaka-nagustuhan niya?

“Napaka-optimistic niya.

"Ipinakita niya sa akin na, ‘You have to keep on working… you have to focus on yourself.’

“Iyon naman nga kasi ang importante, e—mag-focus ka sa sarili.

“Dahil ikaw lang naman ang makaka-achieve ng mga goals mo—no one will do it for you.”



NETWORK HOPPING. Mula ABS-CBN, lumipat siya ng TV5, at ngayon ay nasa GMA-7 na si Victor.

Matagal nang intriga sa showbiz na kapag wala raw maimpluwensiyang gay executive na buma-backup sa career ng isang male talent ay hindi masyadong nabi-buildup to stardom.

Ano ang masasabi ni Victor dito?

“Ewan ko, e. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko doon.

"Siguro… thank you, but no thanks!

“Siyempre kasi, for like a few years of nandoon ka sa stardom, nasa konsiyensiya mo iyon, e.

“That’s why, if you ask me, yung tungkol sa indecent proposal na mga ganun-ganon, I will never accept that.

“Mas maganda kasi yung nakuha mo yung goal mo dahil sa pagsisikap mo… na pinaghirapan mo on your own.”

Guwapo at malakas ang sex appeal ni Victor. Parang hindi kapani-paniwala na hindi siya naka-encounter ng any proposal o offer from gays?

“Wala talaga. Well, kasi, all my years sa showbiz, lagi akong may girlfriend, e,” sabi niya.



FIRST PROJECT. Unang project ni Victor sa Kapuso network ang Cielo de Angelina, isang pang-umagang serye na pinagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas. Isang doktor ang papel niya rito.

Ano ang naging deciding factor para makumbinsi siyang maging Kapuso?

“A good project. A good role.

"And okey naman yung Cielo de Angelina na first project na ibinigay ng GMA sa akin.

“Noon, lagi kong kinu-compare ang sarili ko sa ibang actors every time na wala akong project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iniisip ko, ‘Bakit ako walang project samantalang yung iba na hindi naman marunong mag-acting, meron?’

“And then, I realized, that’s not the point, e.

“The point is kailangan kong mag-focus sa sarili ko.

“Wala akong contract na pinirmahan sa GMA. Per show ang usapan namin.

“So, depende na iyon sa kanila how they will gonna utilize me as an actor.

“Okey naman na magtrabaho sa bakuran ng GMA. Napakaayos nilang mag-set ng schedules.

"At saka, halimbawa, your scene is at night, iku-call ka sa gabi.”

BUSINESSMAN FATHER. Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin ang tungkol sa kaso at iba pang usaping kinasasangkutan ng prominenteng businessman na si Delfin Lee, ang ama ni Divine.

Apektado ba silang dalawa nito?

“Well, ako, naaapektuhan ako, kasi nakikita ko na nasasaktan siya [Divine].

“And I always encourage her to keep living normally. Kasi wala naman siyang ginawang kasalanan.

“And hindi pa naman tapos yung case.

“Who knows? It might just… baka ma-resolve na siya in a week, in a month, or in a year,” panghuling nasabi ni Victor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN