Dominic Roco tired of broken promises; just waiting for his contract with GMA Artist Center to end

Halatang mayroon pa ring sama ng loob si Dominic Roco sa kanyang ama na si Bembol Roco. Sa mga kaganapan ng kanyang buhay ngayon, sandigan daw niya ang kanyang ina. Sabi ni Dominic, “All I need is my mom. That’s it! My mom gives the best when it comes to my life.”


Nasa Music Museum si Dominic Roco kagabi, November 5, para sa dalawang mahalagang okasyon na may kinalaman sa kanya.

Una, nagkaroon ng preview ang indie film niyang Madaling Araw, Mahabang Gabi, na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban at idinirek ni Dante Nico Garcia.

Pangalawa, ginanap ang press launch ng pagbabalik-telebisyon ng legal drama anthology na Kapag Nasa Katuwiran, Ipaglaban Mo!, hosted by Atty. Jose and Jopet Sison. Sina Dominic at Glaiza de Castro ang mga bida sa pilot episode nito na pinamagatang "Hari ng Tahanan."

SECOND CHOICE. Sa Madaling Araw, Mahabang Gabi ay si Aiza Seguerra dapat ang gaganap sa role ni Dominic bilang isang gay.

Bakit siya pumayag bilang second choice at gay pa ang character niya sa naturang movie?

Sagot ni Dominic sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kaibigan ko po kasi si Direk Ga [Dante Nico Garcia].

"And kasi, matagal na rin po naming pinag-uusapan ito.

“Parang noong ABS-CBN 2 pa lang po kami, inaalagaan na kami ni Direk.

“I just returned the favor, after all he’s done for us… wala, and he’s my friend, e, not only a director.

“And kasama ko lahat ng mga kaibigan ko dito. So, parang hindi kami nagtrabaho.

"Wow, we went to Palawan!”



GAY ROLE. Ano bang klaseng gay ang ginagampanan niya sa pelikula? May sexual angle o motivation ba sa role niya?

“Ako po dito yung gay-virgin waiter.

"Then, si Karel [Marquez] parang yung ka-partner ko dito… she plays the role of a rocker chick.

“Parang she’s willing to save me… basta.”

Sinong ang peg niya sa kanyang role?

“Kasi I didn’t have time to prepare. Wala, kung ano na lang yung pumasok sa utak ko, yun na lang ang ginawa ko.”

Sino ba ang pumasok sa utak ni Dominic?

“Hindi ko alam, e. Nakita ko kasi yung mga make-up artist…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tiningnan ko lang sila then I tried to copy what they’re doing.

"Pero at the same time, I tried to put my own.”



KAPUSO CONTRACT. Pagdating naman sa kanyang TV career, nanatiling talent ng GMA-7 o Kapuso network si Dominic.

Meron ba siyang bagong project ngayon?

Sagot ng young actor, “Sabi po nila, kasama raw po ako sa Indio, pero as of now, I haven’t started yet.”

Ang Indio ay ang fantasy series na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

Ibig sabihin, may nakalatag na palang project na gagawin niya sa GMA-7 o hindi muna niya gustong umasa?

“Hindi na ako umaasa,” sagot ni Dominic.

“Kasi ilang beses na nila akong sinabihan na, ‘O, you have a new show,’ the day after the plug, tatanggalin ako.

"So, parang ang tagal ko nang umasa.

"Ngayon, I’m just waiting na lang for my time.

“Kasi, I only have less than a year or a year left sa Artist Center. I’m just waiting it na lang to end…

“Wala, as much as I tried so hard to get their attention, pero I don’t think they see my effort, e.

“They’d rather have this na mas pogi.

"Ako, I just want to prove myself na I want to act lang.

“I don’t want the money… I just want to act.”

Gaano na ba siya katagal sa GMA-7?

“Wow! Mga six years... going seven years.”

Ganoon din ba ang kontrata niya sa GMA Artist Center?

“First, I signed the two-year contract then I signed the five-year contract.”

Doon ba sa five years na iyon ay may napuntahan ang career niya?

“Wala," umiiling na sagot ni Dominic.

"Wala, kasi I was guaranteed when I signed the contract—two shows per year. Doon ako umasa.

"So, bakit ako hindi magsa-sign ng contract, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong nangyari?

“Wala, hindi natupad,” mabilis niyang sagot.

Ibig sabihin, hindi nasunod yung sa contract na dalawang shows kada taon?

“No. For example, one year, one show.

"And that’s ilang weeks na taping lang at hindi siya regular talaga.

“Parang sa Makapiling Kang Muli, sinabihan akong this is a big role.

“I started taping sa fifth week and I ended sa eighth week—with no reason.

“I thought I was doing a good job, I had no complaints, pero bigla akong tinanggal.

“For me, nasaktan ako kasi parang you promised me a show, and I didn’t ask I wanted to be a lead star.

“I just want to act… that’s it.

"Honestly, I haven’t turned down a role.

“Then after that, parang…

"I’m trying my best. Hindi ako yung nagiging maarte sa Artist Center.

"I’m not asking too much.

“I’m just asking what’s due to me and what’s in my contract—parang wala.

“Ilang beses ko nang sinabi yung sama ng loob ko sa kanila, pero they will always say, ‘You will see changes.’

“Every time… after that meeting, I do not see any single change…

“Wala. Pagod na akong umasa.

“Yung Makapiling Kang Muli, that’s my last show, more than three months for sure.”



WHAT’S NEXT? Ano ang gagawin niya pagkatapos mag-expire ng kontrata niya sa GMA Artist Center?

“Honestly, hindi ko na talaga alam, e.

“Kasi, wala. I already signed this contract which I am obviously not happy with—and I told them that.

“So, parang when my contract finishes, bahala na.

"I’ll just wait for an offer or something.”

Disappointed ba siya sa mga nangyayari sa kanyang career?

“I’m very disappointed—I honestly told Artist Center at yung mga kumausap sa akin.

“I told them that I just want to work lang naman, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, I’m just tired of… I don’t really complain, I’m just tired of telling them how I feel.

“They say they understand, but ewan ko, e. I don’t know what do I have to do to please them… parang ganoon.”

Hindi lang daw siya sa Artist Center merong kontrata kundi sa GMA Network din.

Babalik ba siya sa ABS-CBN pagkatapos ng kontrata niya sa GMA-7?

“Kung may offer, bakit ba hindi?” mabilis niyang sagot.



CONFRONTATION. Sinubukan ba niyang kausapin ang management?

“A, ako, natatakot ako, kasi ayokong manggulo or I don’t like to say, ‘This is my contract, I want you to give me a show.’

“Parang ayokong manggulo. Parang I just want them na parang, ‘This is what you signed me for.’

“I don’t want to force myself kasi hindi ko na trabaho yun, e. I do my job.

“Sana sa Artist Center... I know they’re doing their job, pero yung nakikita ko lang, they put their attention in something else—parang gano’n... I don’t know.

“It’s not naman only me who feels this way, e. I tried to talk to other Artist Center talents.

“And oo nga, e. Parang, ’Bakit binibigyan itong taong ito ng show, e, parang he doesn’t treat he likes it?’”

Kumusta naman ang kakambal niyang si Felix Roco?

“Felix is doing good… he’s a freelancer.

“But right now, his manager is Ricky Gallardo who is really good.

"Like, Felix is in El Presidente, saka doon sa Cinema One Originals with Tita Gina Alajar, Mater Dolorosa

“Tapos meron pa siyang Death March… so, tatlo yung ginagawa niya.”

THE ACTOR. Marami ang humahanga sa husay umarte ni Dominic, pero napailing siya nang marinig ang komento namin.

“Ako, dati ayokong isipin na yun... na maraming nagsasabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, ang iniisip ko, ‘O, marunong na akong umarte, pero where can I show my talent?’ That’s it.

“Doon ako parang… oo, napu-frustrate.

“Ang daming nagsasabing ’ang galing mong umarte,’ pero wala akong maipalalabas. Yun… okay, thank you.

“Pero wala akong… I want to show more. That’s it, pero wala.

“I really laid off na talaga. Ayoko na… ayoko nang mag-explain sa inyo na…

“Ay, ilang beses na ‘yan. It’s just all the same things, all the time.

“I thought everything was going good after Ang Nawawala [indie film sa Cinemalaya], parang I got really good.

“For me, that was the best thing that happened to my career. Ang ganda, e.

“I thought, ‘Wow, mapapansin na ako ng…’

"They know I can act. E, wala… nothing happened.”

Bukas ang PEP sa anumang pahayag, paglilinaw, reaksiyon ng GMA Artist Center at ng GMA Network kaugnay ng pahayag ni Dominic sa estado ng kanyang career.



DOMINIC’S FATHER. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang ama na si Bembol Roco sa nararamdaman at nararanasan niya ngayon?

“Saan po? Sa career ko?” tanong niya.

Pero sinundan niya agad ito ng, “No… no.”

Bakit hindi niya sabihin?

“What can he do? He can’t do anything.

“I’m a grown man. I can make my own decision, he can make his own. So…”

Para lang malaman ni Bembol kung ano ang nararamdaman niya?

“Hindi. All I need is my mom. That’s it!

"My mom gives the best when it comes to my life. So… yeah.”



STILL HURTING. Sa huling panayam ng PEP kay Dominic ay inamin niyang hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang aktor na ama.

Kumpara sa kanyang kakambal na si Felix, mas matindi ang sama ng loob nito kaysa kay Dominic. Pero lumalabas na tila tumindi na rin ang tampo niya sa ama nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parehas na ba sila ng laki ng tampo sa kanilang ama?

“Hindi, a! How Felix feels will always be a lot stronger, kasi iba yung nangyari sa kanya, e.

“Pero ako, I just don’t like what he did… that’s it, e.

"And I’m getting older—I get to understand how my mom feels, e.

“Yun lang, doon lang ako naawa sa mom ko.”

Ibig sabihin, yung level ng tampo sa tatay niya ay lumaki pa lalo at naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ng mommy niya?

“Oo… oo, siyempre. Kasi dati naman, parang nagagalit lang ako.

“Pero eto, I understand why I’m feeling this…

“Why, why my mom went through all the stuff she didn’t have to go through?

"Ako ang nasasaktan for my mom, e.”

Ilang taon ba sila ni Felix nang maghiwalay ang parents nila?

“I’m tweny-three… tagal, e... five years or four years ago? Matagal, e… matagal.”

Pero marami pang pinagdaanan bago ang hiwalayan?

“Oo… oo. Pero I don’t want naman to manggulo sa buhay niya… ayoko naman.”

Hindi ba sila nag-uusap ng dad niya?

“Oo, pero my other siblings, yung dalawang kuya ko, they talk to my dad.”

Ngayong malapit na ang Pasko, hindi ba puwedeng ang Kapaskuhan ang maging dahilan para mag-reconcile sila ng daddy niya?

“I don’t know… hindi ko alam. Hindi ko po alam.

“And we’re used to it na rin, e… it’s nothing new.”


Pagdating naman sa pagsapit ng 2013, meron na ba siyang mga plano?

“Wala, just go with the flow lang."


MAXENE MAGALONA. Nang matanong naman tungkol sa pagkakaroon niya ng romantic relationship noon kay Maxene Magalona ay halatang umiwas si Dominic.

“Let’s not go there,” ang nangingiting sabi niya.

Dati nang umamin si Maxine sa naging relasyon nila.

Before or after JC Tiuseco yung naging relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After JC,” sagot niya.

Anong nangyari at hindi sila nagtagal ni Maxene?

“Ako, aaminin ko, I wasn’t ready. Bata pa ako.”

Ready na ba siya ngayon?

“Ready na ako, pero walang dumarating,” nangingiting reaksyon ni Dominic.

“Dati, sinasabi ko, aantayin ko. Pero inaantay ko wala talaga… pero career muna and family.”

Napansin naming tumaba uli si Dominic kaya natanong namin kung nagpapapayat na ba siya uli.

“Ngayon, hindi. Kasi wala akong inspiration, wala akong trabaho.

“Kain lang ako nang kain... parang wala akong drive.

“Marami ngang nagsasabi na magpapayat uli ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN