Kean Cipriano had a “wild” experience while shooting kissing scene with Cherie Gil in Madaling Araw, Mahabang Gabi

Kean Cipriano says about his scene with Ms. Cherie Gil for the movie Madaling Araw, Mahabang Gabi: "Parang cougar siya at ako pothead drummer na gustong mag-enjoy."


Very passionate ang naging kissing scene nina Kean Cipriano at Ms. Cherie Gil para sa pelikulang Madaling Araw, Mahabang Gabi.

Sila ang magkapareha sa pelikulang ito na tungkol sa tradisyon na pangangaluluwa na ginagawa sa Palawan.

Ang pangangaluluwa ay ang pagkanta sa mga bahay-bahay tuwing Undas na kahalintulad ng caroling tuwing Pasko.

Habang ginaganap ito, isang contest ang sisimulan ng karakter ni Angelica Panganiban na siyang sasalihan ng ibang karakter sa pelikula.

Sa ilalim ng direksiyon ni Dante Nico Garcia, tampok din sa pelikulang ito sina Glaiza de Castro, Dominic Roco, Edgar Allan Guzman, Karel Marquez, Cherie Gil, Buboy Garrovillo, Lou Veloso, Alchris Galura, at Rocco Nacino.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kean Cipriano sa premiere ng Madaling Araw, Mahabang Gabi noong Lunes ng gabi, November 5, sa Music Museum, sinabi niya na isang “pothead drummer” ang kanyang karakter.

KISSING SCENE WITH CHERIE. Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Cherie?



“Wild, wild, wild!” bulalas ni Kean.

“Sobrang wild ang eksena namin kasi bukod sa nakatrabaho ko si Ms. Cherie Gil, nagkaroon pa ko ng chance na maka-kissing scene siya.

“How cool is that? I’m very honored.”

Did it feel awkward for him para i-shoot ang ganitong eksena?

“At first, it was awkward… merong fear kasi nga it’s Ms. Cherie Gil… what do you do? I talked to her and asked her, ‘What do I do?’

“Mabilis lang yun, ang malupit dun yung blocking. Isa siyang eksena na parang staged.”

Ano ang pakiramdam niya nang gawin na nila ang kissing scene?

“Sobrang saya! Yun ang jackpot! Woohoo!”

Aminado si Kean na isa siyang tagahanga ni Cherie noon pa man.

Aniya, “Pag sinabi mo yung name na Cherie Gil, it comes with the word beauty.”

Na-intimidate ba siya habang ginagawa niya ang eksena niya kasama ang veteran actress?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung kaba kasi is my friend.

"I treat it as a friend kasi kapag kasama ko, beterano na, kailangan mo iyong paghandaan.

“Bumibiyahe pa lang kami papuntang Tanay, hinahanda ko na yung sarili ko na, ‘This is gonna be something so I have to give it my all. I have to give it my one hundred percent, my heart and soul.’

“Natuwa naman ako sa outcome ng eksena.”

Paano niya pinaghandaan ang kissing scene nila?

“I actually approached her and asked her kung papaano ang scene.

"Siyempre, kinakabahan rin ako. Kumbaga, hindi lang siya smack kasi kiss yun. Tinanong ko siya.

"Ang dating, parang cougar siya at ako pothead drummer na gustong mag-enjoy.

“Sinabi lang niya, ‘Just go with it, whatever happens, happens.’

“So we did it and it happened.”

Sa isang interview noon ni Cherie, inamin niya na na-excite siya nang malaman niya na may kissing scene sila ni Kean sa pelikulang ito.

Ano ang reaction ng singer-actor dito?

Napasigaw si Kean ng “Woohoo!” dahil sa balitang ito.

Pagpapatuloy niya, “It’s a big woohoo. Nakakakilig.”

Isang take lang ba nila ginawa ang eksena?

“No, definitely not. Hindi ako papayag na take one lang. Joke lang!

“Siguro, two to three takes lang naman. Kasi staged ang blocking namin at sabi ni Direk, para kaming nasa play.”

Para kay Kean, nakadagdag rin sa saya ang pagkakataon na makasama sa eksena ang TV5 actor na si Edgar Allan Guzman.

“Si Edgar Allan ang Best Actor last year sa Cinemalaya [for Ligo na U, Lapit na Me],” sabi pa ng singer-actor.



THREE YEARS TO CREATE NEW ALBUM. Nagpapasalamat naman si Kean sa kanyang management company dahil nagagawa niyang ibalanse ang kanyang acting career at ang pagiging vocalist ng bandang Callalily.

“I am so blessed to have a great support team, ang Soupstar Entertainment. Sila ang nagha-handle ng schedule ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nila, ‘Ikaw, gawin mo na lang ang art mo.’”

Kamakailan ay ini-launch ng Callalily ang kanilang 10-track all-original album titled Flower Power.

Ayon kay Kean, inabot sila ng three years upang gawin ang naturang album.

“Sobrang proud ako sa album na ito, hindi lang dahil three years naming ginawa, pero kasi namundok kami.

“Namundok kami…totoo! Iba pala ang pakiramdam ko, feeling ko may spiritual side siya.

“Umakyat kami ng bundok ng San Mateo. Sama-sama kaming umakyat para magsulat ng mga kanta.

"Yung mga sinulat naming kanta, hindi namin namalayan na tungkol pala ito sa buhay, mga nangyari sa amin, mga nangyari sa kaibigan namin.

“Sobrang positive ang album kaya tinawag namin na Flower Power. It’s all about peace and light and new beginnings.”

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life, sinabi ni Kean, “Gusto ko sabihin na I am dating someone…

"I am courting someone pero whether showbiz or not, ayoko muna sabihin, baka hindi pa ako sagutin, e.

"Masaya akong nanliligaw sa isang magandang babae.”

Dahil sa inspirasyon na ito, pag-amin ni Kean: “Marami akong songs about her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN