Angel Locsin denies being a problem in photo shoot for men’s magazine in Japan

“May tagos pero natuto na akong mag-let go kasi, siyempre, trabaho rin naman ng mga tao ‘yan kaya parang iintindihin ko na lang,” says Angel Locsin about the showbiz intrigues she receives constantly.


Pinabulaanan ni Angel Locsin ang panibagong intrigang ipinupukol sa kanya na may kinalaman diumano sa ugali niya sa trabaho.

Kamakailan kasi ay may lumabas na blind item tungkol sa isang aktres na naging problema ng staff ng isang men’s magazine nang mag-shoot para sa cover nito sa ibang bansa.

Nailathala ito ilang araw bago lumabas ang issue ng isang men’s magazine, kung saan si Angel Locsin ang cover girl.

Bagamat hindi kinilala, alam ni Angel na siya ang pinatatamaan sa nasabing blind item.

Kaya naman nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng Toda Max kagabi, November 6, idinetalye na ni Angel ang mga pangyayari sa photo shoot nila para sa isang magazine sa Japan.

“Actually, nagulat ako roon kasi masaya kaming lahat,” panimula ng aktres.

Una niyang nilinaw ang isyung na-delay diumano ang shoot dahil sa kanya.

Sabi ni Angel, “Pagdating namin doon, dapat magsu-shoot kami, pero hindi pa ready yung production kasi maghahanap pa ng location.

“Pagkahanap pa ng location, bibili pa ng props for the guns, mga ganyan, so the next day kami.

“Ang call time namin is 9 p.m. and natapos kami mag-shoot 7 a.m. kasi ‘yon yung walang tao masyado.

“Tapos, yung 7 a.m. na ‘yon, dapat free day na namin yung day na ‘yon.

“Kaya lang, ang usapan ay magsa-shopping kami ng ala-una. Lahat naman ‘to kasi tapos na yung trabaho.

“So, hindi ako natulog, kasi baka hindi ako magising, maiwan ako mag-shopping.

"Kasi hindi naman talaga ako lumalabas ng ibang bansa. Kaya lang, Japan kasi, so bongga.

“So, dire-diretso, wala akong tulog, nakauwi kami ng hotel ng 10 p.m.”

Pagdating naman sa isyu tungkol sa pag-iinarte niya diumano sa pagpapa-makeup, sinabi ni Angel na kinausap siya ng kaibigang stylist.

“Pagdating ko doon [sa hotel], nakapantulog na ako, sinabi sa akin na kailangan naming mag-shoot ng cover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaibigan ko yung lumapit sa akin, stylist ko na si Pam, hindi yung taga-Rogue.

“Umoo ako kasi gusto mo maganda yung cover mo, di ba?

“Kaya lang, nagwo-worry ako dahil wala nga akong tulog, baka kung ano lang ang mabigay ko, di ba?

“Umoo ako, hindi na nga ako nagpatawag ng make-up artist at hairstylist kasi alam kong nagsa-shopping pa yung dalawa.

“Pero bumalik sila dahil love nga nila ako, ganyan.

“Natapos namin ng 3 a.m. ang shoot. Tapos, mayroon kaming pullout sa hotel ng 5 a.m. pabalik ng Manila, airport na kami.

“Bumili pa nga ako ng breakfast sa kanila at kinain namin sabay-sabay.”



“KUMUROT SA AKIN.” Sa tagal na ni Angel sa showbiz, nasanay na raw siya sa mga intrigang kaakibat ng pagiging artista.

Gayunman, nang mabasa niya ang tungkol dito, hindi pa rin niya naiwasan na masaktan sa maling impormasyong naisulat.

Ayon sa 27-year-old actress, “Hindi naman ako naaapektuhan ng tsismis.

"Siguro feeling ko, na-experience ko na lahat ng panglalait, so parang hindi na ako masyadong…

“I mean, may tagos, pero natuto na akong mag-let go kasi, siyempre, trabaho rin naman ng mga tao ‘yan kaya parang iintindihin ko na lang.

“Pero parang kumurot din sa akin, kasi parang mga kaibigan ko itong taong ito.

“At saka masaya kami talaga, e.

“Parang walang naging attitude [problem] na nangyari at saka hindi na nga ako natulog, e.

“Kahit sila, hindi na nila alam kung saan nanggaling.”

Hanggang maaari, ayaw na sanang patulan ni Angel ang isyu na ito, pero kinuha na rin niya ang pagkakataong magpaliwanag kagabi.

“Paano mo naman papatulan ang isang blind item na halos ikaw na?

“Kulang na lang ilagay ang buong pangalan mo doon.

“‘Yon ang mahirap, e. Sana pinangalanan na lang, di ba?

“So, ako, sinasabi ko na kasi gano’n din naman, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang artistang madalas na nakakatanggap ng intriga, masasabing natuto na si Angel.

Aniya, “Wala na tayong magagawa doon, e.

“Maraming naniwala, pero wala, lunukin mo na lang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN