Yeng Constantino elated about successful concert in Hawaii despite tsunami alert

Nagkuwento si Yeng Constantino tungkol sa nakakatakot nilang experience sa Hawaii. Lahad niya: “Sobrang kinabahan pero mas napangunahan ng pananampalataya. Kasi sa mga ganyan wala kang magagawa, hindi naman ‘yan parang sakit na puwede kang uminom ng gamot.”


Nasa Hawaii sina Yeng Constantino at Jovit Baldivino nang magbaba ng tsunami warning doon dahil 7.7 magnitude earthquake sa Canada.

Sa kuwento ng singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, November 3, sa ASAP 2012, sobra siyang natakot at kinabahan sa pangyayari.

Kuwento niya, “Nasa Hawaii kami nung nagkaroon ng tsunami alert dahil nagka-earthquake sa Canada.

"Siyempre, may effect yun.

“May concert kami doon ni Jovit, pray kami nang pray na patigilin ang tsunami na hindi ito tumuloy.

“Hanggang 4 a.m., hindi ako makatulog kasi pray lang ako nang pray.

“Sobrang kinabahan, pero mas napangunahan ng pananampalataya.

“Kasi sa mga ganyan, wala kang magagawa. Hindi naman ‘yan parang sakit na puwede kang uminom ng gamot.

“Kalikasan ito. So, God talaga ang may control over that kaya pray ka lang.”

Ayon kay Yeng ay pinaakyat sila sa mas mataas na lugar ng producer ng kanilang show para sa kanilang kaligtasan.

Kuwento niya, “Pina-evacuate kami, pinaakyat kami sa mas mataas na lugar.

“Resthouse ng producer namin yung pinuntahan namin—pinagpahinga kami dun.”



SUCCESSFUL SHOW. Sa kabila ng tsunami alert, ipinagpasalamat ni Yeng na tinangkilik ng mga kababayan natin sa Hawaii ang show nila ni Jovit.

“Sobrang kinabahan din kami kasi akala namin hindi na kami matutuloy sa concert, plus nandoon pa kami.

“Pero yun lang ang ginawa namin—nag-pray lang talaga kami and we’re so blessed na hindi natuloy ang tsunami.

“Tapos, ang galing! Kasi kinabukasan, yung show na inakala nga namin na hindi matutuloy, soldout, so tuwang-tuwa kami.

“Salamat at nakauwi kami nang buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN