Louise delos Reyes vehemently denies blind-item rumor about boyfriend Enzo Pineda

Ipinagtanggol ng Kapuso young actress na si Louise delos Reyes ang kasintahang si Enzo Pineda laban sa intrigang kumukuwestiyon sa pagkalalaki ng young actor. "Naku, tigilan n’yo na ako!" buwelta ni Louise sa mga nag-iimbento ng kuwento laban sa kanyang boyfriend.


Kumportable na ang Kapuso young actress na si Louise delos Reyes sa pagkukuwento tungkol sa relasyon nila ni Enzo Pineda.

“More than a year” na ang kanilang relasyon at kasundong-kasundo na raw ng kanyang boyfriend ang nanay niya.

Sa unang pagkakataon din, sinagot ni Louise ang isyu na diretsahan na itinanong sa kanya—ang pagdududa sa sexual preference ni Enzo.

Siguradong-sigurado raw si Louise na tunay na lalaki ang kanyang boyfriend.

Nagkaroon daw ng ganoong isyu dahil bukod sa prim and proper, youngest son si Enzo at very close ito sa nanay niya.

BLIND ITEM. Ikinuwento ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, November 7, na naranasan niya nang makipag-away sa Twitter dahil may nag-tag sa kanya ng link ng isang blind item.

Ang blind item ay tungkol sa young actor na nahuli raw na inaamoy sa dressing room ang underwear ng kapwa aktor.

Kahit blind item ang pagkakasulat, halatang-halata raw na si Enzo ang tinutukoy sa artikulo.

“Kasi may nag-tag sa akin. Nabasa ko, nagulat ako, ‘Seryoso ba ito?’

“May isang blind item na parang sa dressing room…” na nahuli na inaamoy raw ng young actor ang underwear ng another actor.

“Paano mangyayari ’yon, e, kaming dalawa ang magkasama sa dressing room [ng Party Pilipinas]?" nagtatakang sabi ni Louise.

“Tapos sinabi ko agad sa kanya [Enzo]… natawa siya.

“Sabi niya, ‘Huwag mong pansinin dahil hindi naman totoo.’

“E, ako yung nagagalit dahil, ’Hindi totoo ’yan. Tayo ang magkasama sa dressing room, e, di sana nakita ko na.’”

Kuwento pa ni Louise, “Yung dressing room namin, sa itaas, tapos yung dressing room ng involved na isang tao, sa baba.

“Sabi ko, napaka-imposible, kasi mag-iisang taon nang magkasama kami [ni Enzo] sa dressing room.”

Nang itanong ng PEP kay Louise kung sino ang isang tao na kanyang tinutukoy, sumagot siya ng: “A, yun po talaga, pinagdududahan ’yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diin pa ng young actress, “Imposible talaga.

“Sabi ko, ‘Aawayin ko talaga. Sino ba ito?’

“Sabi niya [Enzo], ‘Huwag na. Alam mo naman kasi ano ang totoo.’

“Hindi rin sila close,” pagtukoy ni Louise sa isa pang actor sa blind item.

“Ang close ni Enzo—sina Rocco [Nacino], Sef [Cadayona], si Mark [Herras]...

“Ako nga, one of the boys na kasi yung nilalaro nilang laro, nilalaro ko rin.”

Sabi pa ni Louise tungkol isa pang actor, "Alam ko, nag-basketball sila, kasama ang Maneouvres. Kasama rin ako noon.

“Imposible po talaga. Kasi ako ang palaging kasama niya.

“Minsan po, kasama namin si Ate YanYan [Marian Rivera].

"Naku, tigilan n’yo na ako!" mensahe ni Louise sa mga tao na nag-iimbento ng kuwento laban sa kanyang boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN