Senator Tito Sotto faces plagiarism complaint from three U.S. bloggers

Nakatakdang magsampa ng pormal na reklamo ang tatlong U.S.-based bloggers na sina Peter C. Engelman, Janice Formichella, at Sarah Pope dahil diumano sa pangongopya ni Senator Tito Sotto (nasa larawan) ng bahagi ng kanilang mga akda sa mga talumpati nito sa Senado.


Tatlong bloggers mula sa United States ang nakatakdang magsampa ng reklamo laban sa Filipino senator na si Vicente “Tito” Sotto III.

Ito ay dahil diumano sa pangongopya ng bahagi ng kanilang mga akda sa mga talumpati ni Senator Sotto sa Senado.

Giit ng tatlong bloggers sa kanilang collective complaint: "At no time did Senator Sotto provide citation information or indicate in any way that this material was written by others."

Ayon sa report ni Shaira Panela para sa GMA News, pinirmahan at may petsang October 1, 2012 ang naturang collective complaint nina Peter C. Engelman, Janice Formichella, at Sarah Couture Pope.

Sa pahayag ni Formichelle sa GMA News Online, na ipinadala sa pamamagitan ng email, sinabi nitong ihahain nila ang kanilang reklamo sa Philippine Senate Ethics Committee na pinangungunahan ni Senator Alan Peter Cayetano.

Nakasaad din sa kanilang complaint ang mga sumusunod:

"Neither Senator Sotto nor anyone associated with him requested permission to use our articles and blog entries, or contacted us or anyone associated with our publications.

"We find this misuse of our work to be deceptive, unethical, illegal and unacceptable."

Ang mga kinopya raw na published articles ni Senator Sotto sa kanyang mga talumpati noong August 13 at 15, kaugnay ng pinagdedebatehang Reproductive Health Bill, ay ang mga sumusunod:

“Gandhi and Sanger Debate Love, Lust and Birth Control” na isinulat ni Peter C. Engelman para sa The Margaret Sanger Papers Project Newsletter, Issue 23 (Winter 1999/2000).

“Gandhi’s Birth Control of Choice” ni Janice Formichella para sa Feminists For Choice (February 5, 2010).

“How The ‘Pill’ Can Harm Your Future Child’s Health” ni Sarah Pope para sa blog niyang The Healthy Home Economist (February 23, 2011).

Kaugnay nito, sinabi ni Senator Sotto sa text message niya sa GMA News na hindi pa siya nasasabihan tungkol sa reklamong ito laban sa kanya.

Pero aniya, "It’s a welcome development because that will give me a chance to prove there was no such thing [plagiarism accusations]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN