Suspect in Ruby Rose Barrameda murder case arrested by NBI in Isabela


Nasa kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang suspek sa pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda Jimenez, ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda.

Ayon sa report ni Carlo Mateo para sa dzBB, inaresto ng NBI si Robert Ponce sa Cauayan, Isabela.

Pagkatapos nito ay dinala ng NBI agents si Ponce sa headquarters ng NBI sa Manila.

May arrest warrant si Ponce dahil sa partisipasyon niya diumano sa pagpatay kay Ruby Rose.

Matatandaang ini-report na nawawala si Ruby Rose ng kanyang mga kaanak noong March 14, 2007.

Natagpuan ang bangkay ni Ruby Rose, dalawang taon matapos ang misteryosong pagkawala niya, nang lumitaw ang suspek na si Manuel Montero at umamin sa naging partisipasyon niya sa krimen.

Itinuro ni Montero ang kinalalagyan ng bangkay ni Ruby Rose. Ito ay inihulog sa karagatan ng Navotas, nakasilid sa isang dalawang-toneladang steel case.

Idinawit ni Ponce sa pagpatay kay Ruby Rose sina Manuel Jimenez II, Lope Jimenez, Eric Fernandez, Spike Discalzo, at Rudy dela Cruz.

Si Manuel Jimenez II ang father-in-law ni Ruby Rose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN