Aiza Seguerra on status of her lovelife: “It’s happy, my heart is very happy.”

Tipid man ang mga sagot ni Aiza Seguerra tungkol sa kanyang lovelife ay inamin nitong masaya siya ngayon. Pero anng tanungin kung sino ang nagpapasaya sa kanya ngayon, tugon ni Aiza: “Hanggang dun lang yun, period.”


Kung dati ay very open and very vocal si Aiza Seguerra tungkol sa kanyang lovelife, naging kabaligtaran naman ito ngayon.

Kung sagutin kasi niya ngayon ang tanong ng media tungkol sa estado ng kanyang puso ay may karugtong agad itong katagang “period.”

Sa Ang Latest: Uplate ng TV5 kagabi, November 7, paisa-isang linya lang ang tugon ni Aiza kapag tungkol sa kanyang lovelife ang tanong.

Sabi nito, “It’s happy, my heart is very happy.”

Sino ba ang nagpapasaya sa kanyang puso sa ngayon?

“Hanggang dun lang yun, period,” maiksing tugon ni Aiza.

Busy ngayon ang singer-actress sa teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart dahil three days a week daw ang taping niya rito.

At sa kanyang mga bakanteng araw naman ay nagre-rehearse siya para sa stage musical na Aladdin, kung saan gaganap siya bilang isa sa mga genie.

AIZA MISSES SINGING. Dahil sa mga proyektong ito kaya parang nakaligtaan na raw niya ang kanyang first love—ang pagkanta.

Sabi ni Aiza, “I miss it, I miss producing songs, I miss parang playing sa mga gigs.

“Literal na pag may nakikita akong tumutugtog, ‘Akin na…’ nakikanta ako.

“Ganun na, umaabot na ako sa ganun.

"I’m not complaining though, it’s just that I miss, I miss singing, sobra.”

Pero dun naman daw sa kanyang mga tagahanga na nag-aantay ng kanyang panibagong album, baka daw sa susunod na taon pa siya makagawa dahil sa sobrang puno ang kanyang schedule hanggang sa katapusan ng taon.

Asam pa niya, “Hopefully next year, kasi yung gusto kong gawin, medyo ano, e… medyo matrabaho.

“So, hindi ko rin alam how to find time for that.”

Kasama ni Aiza sa Aladdin si Tom Rodriguez, na love interest din niya sa Be Careful With My Heart, at ang baguhang singer na si K-La Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN