Rocco Nacino on relationship with Sheena Halili: “Exclusively dating na kami talaga ngayon at secure naman ako sa lagay ng relationship namin.”

Inamin ni Rocco Nacino na nagawa na niyang subukan na makipagbalikan sa dating karelasyon, tulad ng role niya sa pelikulang Madaling Araw, Mahabang Gabi. “Pero secret! Ayaw kong sabihin, nakakahiya! Basta, kaya kong maging ganoon ka-sweet sa isang babae. Iyong parang lahat ay kayang gawin.”


Unang gumanap bilang gay ang Kapuso young actor na si Rocco Nacino sa indie movie na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011).

Nagbigay ito kay Rocco ng dalawang acting awards—New Movie Actor of the Year sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club at Breakthrough Performance by an Actor sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society.

Isang bading muli ang role ni Rocco sa indie film na I Love You Pare Ko.

Kung sa Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa ay si Paulo Avelino ang "love interest" ni Rocco, dito sa I Love You Pare Ko ay si Rodjun Cruz naman ang kapareha niya.

Pero huling gay role na raw ito na gagampanan ng StarStruck alumnus.

Saad ni Rocco, “Ako iyong bading doon, it’s a comedy.

“Second time na gaganap akong bading, but I guess it’s gonna be my last na.

“Kumbaga, sumundot lang ako sa comedy, kaya tinanggap ko iyon.

“I was supposed to play the macho guy, yung role ni Rodjun.

“Pero sa last minute, sabi nila sa akin na puwede kong i-play yung gay part.

“Kasi… I don’t know, ha? I take it as a compliment… pero sabi nila ay kaya ko raw gampanan iyon.

“Kaya tinanggap ko and it was really challenging.

“More of ano... parang ang peg ko doon is Roderick Paulate—yung mga ginagampanan niyang role.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa special screening ng Madaling Araw, Mahabang Gabi sa Music Museum noong November 5.



GAY ROLE. Tanong pa rin ng PEP kay Rocco kung parang screaming faggot ba ang karakter niya sa I Love You Pare Ko.

“Kapag napanood ninyo… hindi ko alam kung nasa ganoong… hindi ko ma-distinguish kasi kung ano iyong klase, e.”

Mayroon ba silang love scene dito ni Rodjun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po, kasi siyempre kahit papaano ay may limitations pa rin ako,” wika niya.

Nag-aalala ba si Rocco na ma-typecast sa ganitong role o kaya’y pagdudahan ang kanyang gender kaya ayaw na niyang gumanap na bading?

“Kaya last ko na po iyon!” natatawang sagot ni Rocco.

“Kasi kahit papaano, kailangan kong alagaan iyong aking image.

“Hindi... joke lang iyon, kaya inaalagaan ko iyong sarili ko.”

Maaari namang sabihin na effective ang kanyang acting kapag pinagdudahan ang gender niya.

“E, di okay iyon… ayan, okay ’yan. So, aabangan natin iyong balita!” nakatawang wika niya.



LATEST MOVIE. Sa pelikulang Madaling Araw, Mahabang Gabi, na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban, isang band member ang role ni Rocco.

Sa kuwento, sinusuyo ni Rocco ulit ang ex niyang si Angelica upang magkabalikan sila.

Inamin ni Rocco na minsan na niyang nagawa ito in real life.

“Siguro one part of my life, nagawa ko rin iyon.

"Pero secret! Ayaw kong sabihin, nakakahiya!

“Basta, kaya kong maging ganoon ka-sweet sa isang babae. Iyong parang lahat ay kayang gawin.

“Dito sa movie, in love ako kay Angelica, mag-ex kami.

“Tapos, through this dare na gagawin sa movie, ipapakita ko rito kung gaano ako kadesperado to win her back.

“Ginawa ko ito sa tulong ni Tito Buboy [Garrovillo], pero something will happen in the end.”



LEVEL UP. Sa estado ng relasyon niya kay Sheena Halili, sinabi ni Rocco na mas gusto nilang makilala muna nang husto ang isa’t isa bago sila mag-"one step higher" at mag-graduate sa "exclusively dating."

For the record, gaano na ba sila katagal ni Sheena?

“A… dating… siguro for one year? More than a year.”

Iyong official na kayo na talaga?

“Wala pang official, e,” mabilis na sagot niya.

Sinabi rin ni Rocco na almost two weeks na silang hindi nagkikita ni Sheena dahil busy siya sa taping ng afternoon soap na Yesterday’s Bride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw niya, “Two weeks na kaming hindi nagkikita, pero we talk.”

Bakit hindi pa sila umaamin?

“Hindi ko naman sinasabi na kami, e, so wala pa kaming aaminin.”

Bakit wala silang pag-amin at hindi rin sila nag-deny?

“Kasi, wala naman po kaming aaminin at wala kaming ide-deny, e,” sagot niya.

Dahil ba umiiwas na mabulabog ang special relationship nila kaya ganoon?

“Hindi naman po ganoon, we’re just being ano… being… kung ano kami ngayon.

“We’re just being like that. Steady-steady lang, na ganito lang kami.

“Pareho naman kaming nag-usap na, we’re gonna take it slow.”

Mas okay ba ang ganyang set-up?

“Yeah, para sa akin ay mas okay.

“Kasi, at least, we take itong time na ito, mas nakikilala namin ang isa’t isa, before we take any step further.”



EXCLUSIVELY DATING. Hindi kaya maging takaw-tukso sa part niya dahil baka akala ng ibang babae ay single at available siya?

“Hindi naman, ano lang ako, heto, puro trabaho lang ang ginagawa ko ngayon.

"So, wala akong time sa mga ganyan,” sabi ni Rocco.

Pero sa part ni Sheena, hindi ba siya nag-aalalang maligawan ito ng ibang lalaki?

“Ewan ko, ewan ko kung ganoon!” nakatawang sabi niya.

“Actually, hindi ko alam kung paano sasagutin iyan.

“Kasi, hindi ko naiisip iyan, e.

"Ngayon ko lang narinig iyang ganyang klase ng perspective.

“So, I don’t know. Siguro if it happens, it happens. Tingnan natin from there.

“Pero, exclusively dating na kami talaga ngayon at secure naman ako sa lagay ng relationship namin.

“And ngayon, mas focused kami sa trabaho.

“Kaya mas pinipili ko ngayon, pagkatapos ng taping, uwi sa bahay o kaya makapag-gym.

“So, no time for myself dahil pagkatapos ng taping, tulog agad… tulog, trabaho, tulog, trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN