Balladeer Ronnie Liang on showbiz comeback bid: “Now I believe mag-a-active na muli ako and ready na rin po ako.”

Matindi ang pagnanasa ni Ronnie Liang na bumalik sa showbiz. Natapos na ang bagong album niya at handa na siyang umarte. Kung anong mga roles ang kaya niya, sabi ni Ronnie: “Kahit anong role ang ibigay nila sa akin, gagampanan ko sa gana ng aking makakaya—kahit gay role. Para sa akin, kapag sinabing actor ka, kahit anong role or character, paninindigan mo.”


Sa mga bagong pictorial ng balladeer bilang endorser ng Calayan Surgicentre, first time na naka-shirtless ang singer na si Ronnie Liang.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ronnie Liang ay tinanong namin siya tungkol dito.

“Regarding po sa topless photo shoot ko sa Calayan, pinaghandaan ko po siya.

“Like, nag-diet lang po talaga, tulad ng hindi ako kumakain ng kanin—puro chicken, fish and vegetables, and exercise at workout.

“And of course, yung thermofat/tenor fat burner nila.

“Pero mine-maintain ko po talaga ang katawan ko kahit may photo shoot or wala.

“Dahil bilang artista kailangan, i-meet ang expectation ng public... that we have to look good at all times.

"And para sa akin din po yun—to be healthy and physically fit na rin.”



SINGING CAREER. Kumusta na ang singing career niya? Saan siya nakakontrata ngayon?

“Ngayon po, I’m under Viva management... I have a three-year contract with them.

“Ngayon, I have an album and will be released ngayong second week of November entitled Ronnie Liang: May Minamahal under Viva Records.

“May twelve tracks po siya including the minus one para sa mga mahilig kumanta din...

“At least, masasabayan po nila dahil may minus one.

“All of the songs in the album are my favorites dahil nag-participate po ako sa pagpili mga songs sa album ko.

“Pero I’m promoting my carrier single ’Akala Mo,’ a revival song originally sang by Aiza Seguerra, na mapapakinggan na rin po very soon sa mga radio stations.”



SHOWBIZ COMEBACK. Tinanong ng PEP si Ronnie kung may plano pa siyang ituloy ang kanyang pag-aartista.

If ever, ano ang role na gusto niya at sino ang gusto niyang maging leading lady?

“Yes, gustung-gusto ko pong mag-artista!

“Naghihintay lang ng tamang time, opportunity, na magbubukas para sa akin, pero nakapag-acting workshop na po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinag-workshop po ako ng Viva, natapos ko po ang course under Mr. Leo Martinez.

“Kung sa leading lady po, kahit sino puwedeng-puwede.”



SEXY ROLES. Willing daw si Ronnie na magpaseksi pero hanggang saan ang kaya niya?

Sagot niya, “Yes, willing po akong magpa-sexy.

“Actually, sa music video ko mula sa carrier single ko na ’Akala Mo’ na nag-e-air na po sa MYX ngayon, may sexy scene doon, pero topless lang.

“Sa pag-arte naman, siguro kaya ko hangang naka-boxer briefs.”

Kaya niya ba ang gay role o kaya’y nudity?

Diretso niyang tugon, “Opo, kahit anong role ang ibigay nila sa akin, gagampanan ko sa gana ng aking makakaya—kahit gay role.

"Para sa akin, kapag sinabing actor ka, kahit anong role or character, paninindigan mo.

“Nudity? Kaya ko na naka-underwear ako, not totally nude.”



LONG ABSENCE. Bakit parang nag-lie low si Ronnie sa career niya, desisyon niya ba iyon?

“Regarding po sa pagla-lie-low ng career, may panahon lang po siguro sa lahat ng bagay, lalo na sa pagiging artista, may panahon na nasa itaas ka, may panahon na nasa ibaba ka din.

“Pero very thankful pa rin po ako that by God’s grace I’m still here.

“Now I believe mag-a-active na muli ako and ready na rin po ako.

“And nagpapasalamat po ako first kay God sa Kanyang biyaya at gabay sa career ko...

“Second, sa Viva Management at sa Viva Records, kay Ma’m Veronique Corpus and Boss Vic del Rosario sa pagtitiwala nila sa akin at sa mga opportunity.

“Third, sa public, sa pagtitiwala at suporta po nila sa akin,” pagtatapos ni Ronnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN