Barbie Forteza wants to thank Greyson Chance for paving the way for her singing career

Isa nang recording artist ang teen actress na si Barbie Forteza matapos niyang pumirma ng record deal sa MCA Music. Sabi ni Barbie tungkol sa kanyang singing career, “Gustung-gusto ko po sila, pero ayaw po nila. Ayaw ng langit! Pero ngayon, wala na silang magagawa. Kakanta na po ako.”


Kahapon, November 8, ay pumirma ng recoding deal sa MCA Music ang Kapuso tween actress na si Barbie Forteza.

Ginanap ang contract signing sa opisina mismo ng recording company sa Raffles Corporate Center, Ortigas, Pasig City.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, ipinahayag ni Barbie ang kasiyahan sa kaganapang ito.

Aminado ang 15-year-old actress na hindi niya talaga forte ang pagkanta, ngunit gusto niya raw itong i-improve.

Biro niya, “Gustung-gusto ko po sila, pero ayaw po nila. Ayaw ng langit!

"Pero ngayon, wala na silang magagawa. Kakanta na po ako.”

Ayon kay Barbie, unexpected ang offer ng MCA. Nakuha raw niya ang message ng MCA from out of the blue.

“Siguro mga 12 midnight po siya. Nag-aantay po ako ng call para sa Luna Blanca taping, patulog na ako.

"Ginising ako ni Mama. Sabi niya, ’Barbie, Barbie! Magbo-voice lessons na tayo.’

“So binasa ko ulit. Siguro mga tatlong beses ko po siyang binasa, hindi nagkamali, willing nga po sila.

"Kaya after po nun, hindi na ako nakatulog,” kuwento niya.



THANKING GREYSON. Kuwento pa ni Barbie, hindi niya makukuha ang recording contract kung wala ang paghanga niya sa international recording artist na si Greyson Chance.

Ang pag-e-effort daw kasi ni Barbie na makilala si Greyson ang dahilan kung paano siya napunta sa radar ng MCA.

Lahad ni Barbie, “Una ko po siyang napanood sa isang music channel. Ang napanood ko po yung music video niya ng ’Unfriend You.’

"Tapos, nung una, sabi ko, cute. Tapos after nun, ginu-Google ko siya.

“Bongga talaga! Siya yung nag-piano, siya lahat.

"Tsaka parang wala lang sa kanya. Bigla-bigla lang siya nagpa-falsetto, parang wala lang sa kanya. Ang ganda, as in.

"Tapos after nun, nalaman ko rin two weeks na lang, yung Eastwood na nga po.”

Para makakuha ng ticket sa upcoming concert sa Eastwood noong November 19, 2011 ay nagsikap si Barbie na makahanap ng contact.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga kinontak niya ay ang magazine na Total Girl, na isa sa mga sponsors ng Greyson events.

Nag-cover na kasi si Barbie sa naturang magazine kaya sinubukan niyang humingi ng tulong dito.

Ibinigay naman ng magazine ang contact ng isang tao sa MCA, ang record label ni Greyson.

Pagpapatuloy ng tween star, “Pero hindi po ako nakarating ng concert niya. Nakarating na po ako nung autograph signing.

"Kaya pinapunta niya po ako noong meet-and-greet.

"Tapos, after nun, may contact na po kami sa kanila.”

Noong April 22, 2012 naman nang bumalik si Greyson sa Pilipinas para sa isang concert.

Sa isang meet-and-greet sa isang restraurant sa Quezon City ay pumunta muli si Barbie para makita ang idolo.

“Huling balik ni Greyson dito, sabi niya sa amin, baka raw mai-shoot ako dun sa mga magbibigay ng messages.

"Pagdating namin sa Max, nandun po lahat ng executives ng MCA, nakita po ako,” kuwento ni Barbie.

Matapos ang ilang buwan ay kinontak na si Barbie ng executives ng recording company.



UPCOMING ALBUM. At ngayon nga ay malapit nang mag-record is Barbie para sa kanyang debut album.

Aniya, ang gusto niyang kantahin ay mga kantang para sa edad niya.

“Si Taylor Swift, may mga masasaya, siyempre meron din sa mga nag-i-emo.

"Tapos gusto ko rin po yung mga kay Britney [Spears]. May mga sayaw-sayaw.”

At kahit busy ang kanyang schedule dahil sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, ang kasisimula pa lamang na teleserye niya sa GMA-7, maglalalaan daw si Barbie ng oras para magsanay kumanta.

“Hectic nga po yung sked ko, pero bibigyan ko talaga ng time para makapag-voice lessons,” sabi niya.

Alam kasi ng young actress na kailangan niya ring sumubok ng mga bagay na malayo sa pag-arte.

“Importante po sa akin itong pagkanta, at the same time, pati na rin po yung pag-arte dahil dun po ako nagsimula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, hindi naman po puwede na laging pag-arte. Kailangang mag-try pa rin ng iba,” saad niya.

Buti na lamang ay suportado siya ng kanyang mga fans dito.

“Nakakatuwa kasi lahat sila very supportive, lahat sila proud. Ang daming nag-tweet na ako yung unang bibili,” sabi ni Barbie.

BEA BINENE. Samantala, pinabulaanan ni Barbie ang intriga na naiinggit lang daw siya sa kapwa niya Kapuso tween star na si Bea Binene, na unang nagkaroon ng album, kaya rin siya nagka-album.

Saad ni Barbie, “Actually, nung kinausap po ako ng MCA, siguro, a week after, na-release na yung album ni Bea. So, nagulat talaga ako.

"Pero never namang pumasok sa isip ko na ako yung nanggaya, kasi unexpected talaga ito nang bongga, so hindi ko siya pinush.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN