Chynna Ortaleza on being bestowed the most awards in Artist Center talents’ workshop: “Ang sarap pa rin sa pakiramdam, nakaka-inspire lalo.”

Chynna Ortaleza on being a GMA Artist Center talent: "I’ve been in GMAAC for a long time. And I’ve seen how it progressed. Nakikita ko kung paano maging mahusay sa pagtrato ng mga artista. Masaya ako for me at sa mga kasabayan ko na ngayon, at gayundin sa mga bago na paparating pa lang sa maaabutan na nila sa GMAAC."


Nabansagang “Hakot Queen” si Chynna Ortaleza pagkatapos sumailalim sa workshop kasama ng iba pang GMA Artist Center (GMAAC) talents.

Nakamit ni Chynna ang Beterano Award o Above Professional Level award, Student of the Year Award, GMA League of Artist Major League Award, at Best Actress.

Sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna noong November 8, masaya nitong ikinuwento ang sorpresang rekognisyon na natanggap niya sa kanilang graduation.

Ano ang pakiramdam na siya ang most-awarded talent ng GMAAC sa first batch ng workshop?

Ayon kay Chynna, “Masaya at saka parang nanalo ng award talaga kahit workshop lang.

“Feeling ko, nanalo ako ng award.

“Natatawa ako sa sarili ko kahit na hindi siya Best Actress ng mga award-giving bodies.

“Ang sarap pa rin sa pakiramdam, nakaka-inspire lalo.”



ARTISTS’ TRAINING. Present sa graduation ng GMA Artist Center talents si David Fabros, na siyang nagha-handle ngayon ng talent development ng talent arm ng Kapuso network.

Si David ay galing sa Star Magic ng ABS-CBN.

Nandoon din sina Joey Abacan, Direk Maryo J. de los Reyes, at iba pang facilitators ng workshop.

Madalas sabihin dati na pagdating sa talent development, tila kulang dito ang GMAAC.

May mga nakikita na bang pagbabago si Chynna?

“Oo,” sagot niya.

“Yun nga ang sinabi ko noong pinag-speech nila.

“Nakakatawa, kasi hindi ko alam na may ganoon so hindi ako prepared.

“Pero sinabi ko na, I’ve been in GMAAC for a long time. And I’ve seen how it progressed.

"Nakikita ko kung paano maging mahusay sa pagtrato ng mga artista.

"Masaya ako for me at sa mga kasabayan ko na ngayon, at gayundin sa mga bago na paparating pa lang sa maaabutan na nila sa GMAAC."



CONTINUING CHARACTER. Naging parte ng panghapong teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga sa pilot week nito si Chynna bilang si Olga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pansamantalang nawala ang character niya dahil sa takbo ng istorya, pero nakapag-taping na si Chynna sa muli niyang pagbabalik sa serye.

“Nakapag-taping na ’ko, pero yung eksena lang na nakita ako ng character ni Marky Lopez.

“Parang na-shock siya.

"Magte-taping pa ako ulit at nabasa ko na ang Week 11.

“Nice naman yung kuwento, pero hindi ko pa masabi kung sino talaga ako.

“Iyon yung isa sa dapat abangan kung paano ang nangyari.

“Bakit nagbalik si Olga—at si Olga nga ba?

“Pero ang maganda rito, nae-excite rin ako.

“Kasi, never naman nila akong nabigyan ng may pagka-masa factor na role, yung may pagka-burgis.

"So, dito, ganoon ako."

Okay lang ba kay Chynna na ibinalik na lang siya sa Sana Ay Ikaw Na Nga sa halip na magkaroon ng bagong teleserye?

Sagot niya, “Oo, okay lang naman ako doon.

“Siyempre, kung merong bago talaga, why not? Pero ito ang binigay, so carry lang.

“Pero masaya ako diyan sa Sana Ay Ikaw Na Nga kasi two weeks pa lang akong napanood ng tao as Olga…

“Talagang nasu-surprise ako na kahit sa mga raket, sa public, Olga na ang tinatawag nila sa akin.

“Normal yun kapag napanood ka nila nang matagal, pero yung two weeks lang, di ba? So, nakakatuwa.”

Ipinarating ng PEP kay Chynna ang sinabi ng lead actor ng Sana Ay Ikaw Na Nga na si Mikael Daez na-excite siyang nang malamang magbabalik sa serye si Chynna.

Nagkomento pa si Mikael na malamang na tataas pa raw ang rating ng show nila sa pagbabalik ni Chynna.

“Wow! Sabi?” gulat na reaksiyon ni Chynna.

“Ewan ko, basta ako naman kasi, wala akong masyadong pakialam sa rating, basta maayos ang delivery ko, yun muna.

“Pero tingin ko kasi, happy set kasi ang SAINN.

“Feeling ko, kaya rin excited si Mikael… wala talagang masyadong awkwardness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, kami pa ni Mikael, classmate rin kami sa workshop.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN