Ate Gay on filling up Arena at first major concert: "Hindi ko na iniisip yun, ang gusto ko lang ay mag-show."

Hindi raw masyadong iniisip ni Ate Gay kung magagawa niyang punuin ang Mall of Asia Arena sa November 30 para sa kanyang kauna-unahang major concert, ang Ako Naman. Sabi ng comedian-impersonator: “Magpapasalamat ako pag mapuno. Ang sa akin may manood lang at saka may marinig lang akong pumalakpak at tumawa, okay na yun.”


Magli-level up na talaga ang comedian-impersonator na si Ate Gay dahil nakatakda siyang pumaimbulog sa isang malaking show sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ay ang kanyang kauna-unahang major concert na may titulong Ako Naman.

Laging sinasabi ni Ate Gay na kung sa November 16 ay si Regine Velasquez ang magso-show sa Arena via Silver, at sa November 26 naman ay si Jennifer Lopez ang nakatakdang magpainit ng kanyang mga fans via Dance Again World Tour sa parehong venue—sa November 30 naman ay “ako naman.”

Kagabi, November 8, sa isang birthday party sa Aristocrat restaurant sa Malate, kung saan isa sa mga guests artist si Ate Gay, masayang inihayag ng comedian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na finally ay umokey na ang Superstar na si Nora Aunor na mag-guest sa kanyang show.

Isa kasi si Ate Gay sa madaming nag-i-impersonate kay Ate Guy.

Sabi ni Ate Gay, “Tuwang-tuwa ako, lalo pa at guest ko siya sa Arena. At saka malapit na rin ipalabas yung kanyang movie na Himala sa mga sinehan.”

Bukod sa Superstar, kumpirmado na rin bilang guest performers sa concert ni Ate Gay ang mga sumusunod: Aegis, The Company, Allan K, Talentadies, Anton Diva, SexBomb Dancers; at ang X Factor Philippines finalists na sina KZ Tandingan, Gab Maturan, at Daddy’s Home.

Patawa pang wika ni Ate Gay, “Actually, sila talaga yung magsu-show, ako yung guest nila.”

MAKE OR BREAK. Busy na raw siya sa pagpu-promote ng kanyang show at next week ay nakatakda na niyang simulan ang kanilang rehearsal.

Maraming mga tanong ang tila naghahanap ng kasagutan para kay Ate Gay: Mapupuno ba niya ang Arena? Masasabi ba niyang make or break ito sa kanyang career?

Sa unang tanong, sagot niya, “Confident ako kasi maraming nagmamahal sa nag-iisang Superstar at lalo na siguro sa akin.”

Pangalawa, make or break ba ito sa kanyang career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong sagot ni Ate Gay, “Naku, hindi ko naintindihan ‘yan.

“Ay, hindi… sabi ko nga, hindi ako mawawala.

“Ang lagi kong iniisip, na nagso-show lang po ako sa mga comedy bars, parang isang set ko sa mga bar na para sa lahat.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko na iniisip yun, ang gusto ko lang ay mag-show.

“Sabi ko nga, ‘Ang basehan ba ay mapuno?’

“Magpapasalamat ako pag mapuno.

"Ang sa akin may manood lang at saka may marinig lang akong pumalakpak at tumawa, okay na yun.”



THE DOOR. Isa sa mga signature jokes ni Ate Gay sa comedy bars, at maging sa kanyang mga guesting sa telebisyon, ang tulang “The Door,” kung saan pabalik-balik lang ang mga salita nito:

I touch the door.

I open the door.

I close the door.

I open the door.

I close the door.

The door.

Pero sa concert daw ay ilu-launch na niya ang music video at single na “The Door.”

Aniya, “Ilu-launch ko ang ’The Door’ single.

“Katunayan, kanina, buong araw akong nag-shoot ng music video, kasama ko ang buong SexBomb Dancers.

“Mapapanood nila ‘yan sa Arena.”

May dagdag na kayang salita ito?

Sabi ni Ate Gay, “May iba nang lyrics, ginawa nina Blank Tape at Rico Salazar.

"I’m sure pag nagagandahan ako, magagandahan din sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN