Maricel Soriano admits going through a depression

Halos dalawang taon na nawala sa limelight ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, inamin ng aktres na dumaan siya sa depresyon. “Yeah, I did. Kinalaban ko talaga kasi, kung hindi, siguro until now, andun pa ako. E, ayaw ko nang malungkot, gusto ko na talagang maging masaya.”


Inamin ng Diamond Star na si Maricel Soriano na dumaan siya sa isang matinding depression, na naging dahilan kung bakit nawala siya sa showbiz nang halos dalawang taon.

Ginawa ni Maricel ang pag-amin sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez, na ang ilang bahagi ay napanood sa TV Patrol ngayong gabi, November 9.

Kinumusta muna ni Korina ang Diamond Star.

“Mabuting-mabuti,” tugon ng aktres.

Tanong ni Korina, "Ano ba ang tawag mo dun sa iyong pagkawala, pagrerebelde? O, nagsawa ako sa mundong ibabaw?"

Sagot ni Maricel, “Alam mo, ang tawag ko dun ay ‘time-out.’

“Time-out lang yun, di ba? Kailangan natin, lahat tayo, kailangan natin ng ganun, e.”

Tanong ni Korina, "May nangyari ba sa iyong personal milestones sa buhay mo dun sa episode na ‘yan?"

Sagot ni Maricel, “Andaming nangyari sa akin dito, e.”

Obserbasyon ni Korina, naka-tatlong taas daw ng kilay si Maricel at nagkatawanan na sila.

Patuloy pa ni Maricel, “Yung totoo, akala ko noong una, parang makina ako.”

STAGE OF DEPRESSION. Dito na ipinagtapat ni Maria ang tatlong dagok na kanyang pinagdaanan na nagpabago sa kanyang pagkatao at sa kanyang buhay.

Una na rito ang pagkamatay ng kanyang inang si Linda Soriano noong July 19, 2009.

Wika niya, “Oo, parang hindi talaga puwedeng sabihin na mapiprepara mo ang sarili mo sa ganung pagkakataon.”

Pangalawa, ang usapin sa puso.

Sabi ni Maricel, “Sa puso, meron.”

May lamat?

“Ang tindi.”

Tanong ni Korina, "So, ibig sabihin, sa mga pinagdadaanan mong iyan ay wala ka nang maibibigay pagdating sa puso?"

Tawa lamang ang sagot dito ni Maricel.

Pangatlo, tinanong ni Korina kung napagdaanan ba talaga niya ang depresyon.

Sagot ni Maricel, “Yeah, I did.

“Kinalaban ko talaga kasi, kung hindi, siguro until now, andun pa ako.

“E, ayaw ko nang malungkot, gusto ko na talagang maging masaya.”

Mapapanood ang kabuuang panayam ni Korina kay Maricel sa Rated K sa Linggo, November 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN