PEP SCOOP: Julia Montes and Enchong Dee break up

Hindi umamin kailanman sina Julia Montes at Enchong Dee sa tunay na estado ng kanilang relasyon, pero isang reliable PEP source ang nagpapatunay na "break" na ang dalawang Kapamilya stars. Naganap daw ang paghihiwalay ng dalawa nito lang "mid-October" ng taong kasalukuyan.


Break na sina Enchong Dee at Julia Montes.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nito lang “mid-October” ng taong kasalukuyan nang magdesisyon sina Enchong at Julia “to split up.”

Pero, dagdag ng source, “maayos naman sila” ngayon, matapos ng breakup.

Naganap ang breakup sa pagitan ng young stars sa kabila ng hindi nila kailanman pag-amin sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Napag-alaman din ng PEP na noong magsimula ang shooting ng pelikulang The Strangers, kung saan magkasama sina Enchong at Julia, ay hindi na raw nag-uusap ang dalawa.

Noong Agosto nagsimula ang shooting ng The Strangers, ang entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival 2012, kunsaan kasama rin si Enrique Gil.

Sabi pa ng source, “Pero nag-effort ang ilang kaibigan nila to make them sit and talk. After that, okay na uli sila.”

Ngunit nito ngang kalagitnaan ng Oktubre ay tuluyan nang nagwakas ang relasyon nina Julia at Enchong.



THE EARLY DAYS. Bagamat bukás sa kanilang nararamdaman para sa isa’t isa, hindi kailanman inamin sa publiko ng dalawang Star Magic artists na naging sila.

Kung si Julia ay “friends” ang kadalasang isinasagot kapag tinatanong tungkol sa relasyon nila ni Enchong, ang 24-year-old actor naman ay hayagang nagsasabi noon na nililigawan niya ang 17-year-old actress.

Sa panayam ng PEP kay Julia noong unang linggo ng May 2012, inamin ng dalaga na lumalabas sila ni Enchong, pero “grupo” raw sila. Kasama raw ang dati nilang mga kasamahan sa Shoutout, isang defunct youth-oriented show ng ABS-CBN.

Noon ding buwan ng Mayo ay nabalita sa PEP Alerts ang pagkakakita kina Enchong at Julia noong May 27 sa Belissimo restaurant, na pagmamay-ari ng aktor na si Cesar Montano.

Hindi naman ito itinanggi ni Enchong nang tanungin ng PEP tungkol dito. Pero nilinaw ng young actor na may mga kasama silang iba, kabilang na sina Kathryn Bernardo at Diego Loyzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REUNION PRESSCON. Bago ng The Strangers, nagkasama rin sa Star Cinema movie na The Reunion sina Enchong at Julia ngayong 2012.

Ngunit hindi sila ang magkapareha rito. Si Enchong ay ipinareha kay Jessy Mendiola, habang si Julia naman ay ipinares kay Enrique Gil.

Sa presscon ng The Reunion noong July 31, 2012, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, kapansin-pansin ang kakaibang ikinilos nina Enchong at Julia.

Nanibago ang ilang press kay Enchong dahil tila napakaseryoso nitong sumagot ng mga tanong, kumpara nung mga nakaraan na ang mood nito ay madalas magaan.

Kung si Enchong ay seryoso, si Julia naman ay kapansin-pansing malungkot habang ginaganap ang presscon.

Dahil dito ay nagduda ang press na may tampuhan ang dalawa—at may mga nagsasabi pa ngang “break” na sila.

Nang tanungin ng PEP si Enchong tungkol dito, matapos ng presscon proper, itinanggi niyang may tampuhan sila ng 17-year-old actress.

“Pero wala, wala… okay kami. Siyempre, nasa press conference, e,” sabi ng young actor.

Nang tanungin naman kung ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa, sumagot si Enchong ng “nagpapahiwatig siyempre.”

(CLICK HERE to read related story.)

Si Enchong ay unang nakilala ng publiko bilang isang bemedalled swimmer at commercial model. Ngayon ay artista siya, na co-managed nina Keren Pascual at Star Magic.

Napanood ang binata sa mga teleseryeng Katorse, Magkaribal, at Maria del Barrio. Sa pelikula naman ay napanood siya sa Star Cinema movies na I Do at The Reunion. Mapapanood siya nitong Disyembre sa pelikulang The Strangers, na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival.

Si Julia ay nagkaroon ng following noong lumabas ito sa Mara Clara, kasama si Kathryn Bernardo. Ngunit tumanyag talaga ang aktres nang lumabas ito sa primetime television bilang Katerina, sa katatapos lamang na top-rating Walang Hanggan, kunsaan tinanggap ng mga manonood ang romantic teamup nila ni Coco Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN