Philippine delegate June Macasaet wins Manhunt International 2012

Ang representative ng Pilipinas na si June Macasaet ang nagwagi sa Manhunt International 2012 na ginanap kagabi, November 9, sa Bangkok, Thailand.


Ang Philippine delegate na si June Macasaet ang nanalo ng Mr. Manhunt International 2012 title sa pageant na ginanap kagabi, November 9, sa Scala Theater, Siam Square, Bangkok, Thailand.

Tinalo ng 29-year-old Filipino ramp model ang mga contestants mula sa 52 countries.

Ang runners-up ni June ay sina sina Peter Bo Jonsson ng Sweden (first runner-up), Martin Wang ng Macau (second runner-up), Jimmy Perez Rivera ng Puerto Rico (third runner-up), at Jason Chee ng Singapore (fourth runner-up).

Bukod sa Mr. Manhunt International title, tinanggap ni June ang special award na New Urban Male Award.

Si June ang kauna-unahang Pilipino na itinanghal na winner ng male beauty pageant na nagsimula noong 1993 sa Singapore.

Naging finalist din si June sa Century Tuna Superbods ngayong taon, ngunit ang nanalo rito ay si John Spainhour.

Ikinukumpara ang tagumpay ni June sa Manhunt International sa victory ni Kevin Balot, ang 21-year-old Filipino transgender na first winner ng Miss International Queen crown sa pageant night na idinaos din sa Thailand noong November 2.

Ang Miss International Queen ang annual beauty contest para sa mga transsexual at transgender na ginaganap mula pa noong 2004 sa Pattaya, Thailand.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN