Sharon Cuneta: “Pagpasensiyahan niyo na po ako, ayaw na ayaw ko na pong maulit yung ginawa kong nagpaapekto sa mga tweets nila.”

Humingi ng pasensiya si Sharon Cuneta dahil na-provoke siyang muli ng mga Twitter bashers ng anak niyang si KC Concepcion at ng kanyang pamilya. Depensa niya, “Ang pagkakamali ko, mahal ko masyado ang mga anak ko."


“Nakakapagsalita ka ng ayaw mo talagang sabihin kasi naaawa ako sa anak ko.”

Ito ang humahagulhol na pahayag ni Sharon Cuneta sa Ang Latest: Updated ng TV5 kanina, ika-10 ng Nobyembre.

Kaugnay ito sa pangungumpronta niyang muli sa mga Twitter bashers, na pinaghihinalaan niyang fans ng aktor na si Piolo Pascual, ang ex-boyfriend na anak niyang si KC Concepcion.

(CLICK HERE to read story)

Ang kuwento pa ni Sharon, “Alam niyo, nung gabing yun, ansaya-saya kasi namin. Di ba ansaya namin sa Twitter?”

“May isang sumingit, akala... hindi nakaintindi sa mga tweets. Alam mo naman, akala niya pinaparinig namin yung isang tao na wala talaga.”

“Puntahan mo yung timeline ko bago nagkagulo. ’Ano na naman ’to, di ba tapos na?’ Sabi niya sa akin, ’Move on.’

"Paanong hindi kami maka-move on, nananahimik kami?"

Mula sa isang follower, biglang dumami ang nag-react sa kanyang timeline noong ika-2 ng Nobyembre.

"Parang pinagkaisahan ako, sige, isa sasagutin mo. Before you know it, andami na.”

Pagkatapos nito, bumuhos na raw ang mga masasakit na tweets mula sa diumano ay mga fans ni Piolo.

Pinuntirya raw ng mga tweets si KC at mismong ang kanyang pamilya. At bilang nanay, hindi raw niya napigilan ang sariling ipagtanggol sila.

Depensa niya, “When you become a mother, it is a spiritual and emotional commitment to your children.

“I-protect sila, ipagtanggol, ipaglaban... Sawang-sawa na ako sa pang-aabuso ng ibang tao kahit nananahimik ako.”

Naiiyak pa ring sabi ni Sharon, “Masakit man yung mga tini-tweet nila, mas masakit yung nagsisi ako dahil sumagot ako... Parang pumatol ako, na nabigay ko yung gusto nila, I felt worse.

“Alam niyo po, nagsisi talaga ako na pinatulan ko yung tweets.

"Pero siguro naman after thirty-five years, to be treated that way? Siguro naman kahit ten minutes, nakapagbigay naman ako ng ligaya sa inyo. Konting respeto naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila ng pambabastos sa kanya, humingi ng pasensiya ang host/singer/actress/endorser sa kanyang mga taga-suporta.

Aniya, “Pagpasensiyahan niyo na po ako. Ayaw na ayaw ko na pong maulit yung ginawa kong nagpaapekto sa mga tweets nila.

“Ang pagkakamali ko, mahal ko masyado ang mga anak ko.

"Nakakapagsalita ka talaga ng ayaw mo talagang sabihin kasi naaawa ako sa anak ko.”

Sa Lunes, November 12, mapapanuod nang buo sa Sharon, Kasama Mo Kapatid, sa TV5 ang emosyonal na pahayag ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN