Andi Eigenmann apologizes to Jake Ejercito and his parents for mom Jaclyn Jose’s statements; admits a relationship with Jake is "bawal"

Lumikha ng samutsaring problema ang kontroberyal na interbyu ni Jaclyn Jose noong October 29 sa victory party ng A Secret Affair. Dito ay sinabi ng award-winning actress na hindi boto ang pamilya Ejercito sa anak niyang si Andi Eigenmann (in photo) para sa kanilang anak na si Jake.

May gap daw ngayon si Andi Eigenmann at ang kanyang inang si Jaclyn Jose.

Ang dahilan: Nagulat si Andi sa tinuran ng 48-year-old actress tungkol sa relasyon ni Andi kay Jake Ejercito, ang anak ng dating Pangulong Joseph Estrada sa mistress nitong si Laarni Enriquez.

Sa artikulong inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 31, ito ang sinabi ni Jaclyn: "Hindi ko sinabing sila ni Jake, ang sabi ko lang, meron… Dagdagan natin—baka ayaw ng parents."

(CLICK HERE to read story)

Noong Lunes, November 5, isang umiiyak na Andi ang humarap sa Cinema News at PEP sa taping ng Kahit Puso’y Masugatan.

“Pati ako ay nagulat," ang bungad ng 22-year-old star, na ngayon ay nasa poder ng Viva Films.

Tungkol sa kanilang mag-ina, prangkang sinabi ni Andi, "Hindi po kami okay kasi hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin yun.

"Alam ko yung intentions ng mommy ko... Always naman, alam ninyo rin na yung mommy ko, parati akong pinoprotektahan.

"Saka katulad ng mommy ni Jake, gusto niya rin kung anong best for me.

"Gusto niya, hindi ako nasasaktan."

Pero hindi raw lubos-maisip ni Andi kung bakit ganoon ang sinabi ng ina gayong wala naman daw siyang problema sa pamilya ni Jake.

Sa pagpapatuloy ng dalaga, "Hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan niya pong sabihin yun, e, hindi naman kailangan kasi.

"Wala namang ginagawang masama yung mommy niya [Jake]. Wala namang ginagawang masama yung parents ni Jake.

"Sobrang bait ng parents ni Jake, never ever did they say or do anything bad about me.

"Sobra po nilang matinong tao...

"Kaya yun nga, nahihirapan ako, kasi rumerespeto naman ako sa kagustuhan ng magulang ni Jake.

"Pero dahil dun sa sinabi ng Mommy ko, magmumukha na naman akong masama.”

GAP BETWEEN ANDI AND JAKE’S FAMILY. Nagbukas din ng saloobin si Andi tungkol sa inamin ng ina na may gap ngayon sa pamilya niya at pamilya ng mga Ejercito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since naman, pag ini-interview ako, tapos ina-ask ako kung ano ba talaga yung score sa amin ni Jake, hindi ko naman ’tinago na importante siya sa akin, special siya sa akin.

"Pero lagi ko ring sinasabi at the same time na hindi ako… Wala akong boyfriend.

"Kasi, dahil bata pa kami, at dahil lagi kong sinasabi na dahil bata pa kami at habang nakatira kami sa bubong ng mga magulang namin, kailangan kaming rumespeto."

Sa puntong ito, inamin ni Andi na "bawal" ang pag-iibigan nila ni Jake.

Pahayag ng Kapamilya actress, "Sila pa rin ang rerespetuhin namin at susundin.

“Sinabi ko nga na, dahil bawal, hindi namin yun ipipilit at wala namang masama doon.

"Even ako yung tinutukoy nila, kung yung parents don’t think na parang, at this time, at this point both in our lives, hindi nila ako magugustuhan para sa anak nila, wala naman akong puwedeng ibang gawin kungdi respetuhin yun.”

May kinalaman ba si Eli, ang kanyang baby, kung bakit ayaw siya ng pamilya ni Jake?

“Ang alam ko naman, hindi naman ibig sabihin din na makitid na silang mag-isip o kaya judgmental dahil may anak ako.

"Alam ko na hindi talaga sila ganun.

"Alam ko naman na mayroon silang reasons that go beyond that, na mas valid pa kesa dun sa fact na mayroon akong Eli.

"Parang tingin ko, masyado namang mababaw yun. Pero yun nga, nasa amin na yun.

“Ayun nga, never ko naman talagang hinanapan ng mali yun, e, and wala namang masama.

"Yung magulang just want the best for their child.”

GAP BETWEEN HER AND JAKE. Inamin din sa amin ni Andi na di siya kinakausap ngayon ni Jake, bagay na sobrang ikinakasakit ng loob niya.

“Para sa akin, alam ko na pareho kami ni Jake na nasaktan kung bakit kailangang magsabi ng mga bagay-bagay ang mommy ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang sinabing masama ang mommy ko, pero alam po kasi ng mommy ko na hindi namin gusto na pinag-uusapan kami ni Jake.

"Yun ang di naiintindihan ni Jake. Na ayaw niyang napag-uusapan siya o kami o yung pamilya niya.

"Alam naman niya na labag sa kalooban ng mga magulang niya…

"Siguro sana, maging magkaibigan kami o magkita kami.

“Alam niya mas importante na sundin niya ang kagustuhan ng mommy niya...

“So, di ko na lang alam kung paano ko siya kakausapin.”

MESSAGE FOR JAKE’S FAMILY. Dahil hindi na niya nakakausap si Jake at ang pamilya nito, ang pagpapa-interview raw ang nakikita niyang paraan para makahingi siya ng tawad.

“Hindi pa, alam ko nga na I’m not even supposed to be going on... and [be] interviewed just to say what I feel.

"But then, gusto ko ring malaman ng mga tao kung paano man nasabi ng mommy ko yun, kung ano ang mga nasabi niya ay hindi naman tama.

"Alam ko na mas sincere, mas better yung apology na ako yung lumapit sa mommy ni Jake at humingi ng tawad, sa kung paano siya napamukha at nabanggit pa yung pangalan nila, samantalang yung buhay nila, parang sobrang private.

"Medyo nakakahiya lang kasi yun.

"Pero wala akong ibang way kung paano mag-a-apologize kasi pati yung anak nila, hindi gusto na lumabas, sa kagustuhan ng mga magulang niya.

"At pati siya [Jake], hindi ko na alam kung paano kakausapin.”

Ang gusto sana ni Andi ay personal silang kausapin.

“I want sana kung makakausap ko si Jake at yung parents niya na personally ako mag-a-apologize.

"I don’t think it’s proper na I say it on camera.

"But I just hope and I will say na I’m really, really sorry na dahil sa akin, napag-uusapan sila, na hindi maganda yung lumabas tungkol sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko yun ginusto at hindi rin ganun yung tingin ko.”

MANY TRIALS. Kahit dumaan na siya sa maraming pagsubok, nagpakatotoong inamin sa PEP ni Andi na masakit pa rin sa kanya ang panghuhusga ng ibang tao dahil sa pagkakaroon niya ng anak.

Pero nandun pa rin daw ang pagtanggap at pagrespeto niya sa opinyon ng ibang tao.

“Masakit talaga, Ate, na hindi ko maipakita ngayon... di ko na alam kung paano ko ipapakita, na kahit nagkamali ako dati, puwede pa rin naman akong patawarin at saka puwede pa rin naman ako...

"Karapat-dapat pa rin naman akong mahalin at respetuhin.

"Kaya mas mahirap ngayon sa akin na napag-uusapan na siya at nalalaman ng mga tao about it, kasi from the beginning, nahihiya nga ako na aminin na kahit mayroon akong gustong tao, hindi puwede kasi hindi naman talaga ideal.

"I don’t think na ideal na ipakilala sa mga magulang ng kahit sino, sa lahat ng mga controversies na nagkaroon ako in the past...

"Pero hindi ako masamang tao.

"Pero palagi na lang ganun yung lumalabas."

Sabi pa ni Andi sa PEP, "Hindi ko talaga alam kung bakit ko sinasabi sa inyo ang lahat, ayoko siyang pinag-uusapan, yung personal life ko.

"Pero wala akong ibang way para makapag-sorry sa magulang ni Jake, na napalabas ng Mommy ko na hindi niya sinadya, na hindi maganda ang naging dating.

"Alam ko na mayroon akong kailangang i-prove sa sarili ko, sa mga tao about myself.

"Sinasabi ko po ito sa maraming tao, hindi po sa kanila... Pero I mean, hindi naman po talaga na magugustuhan ako ng mga magulang para sa anak nila at nirerespeto ko naman yun.

"Ang gusto ko lang ay maipakita sa mga tao na mabait naman ako, na matino naman akong tao amidst that... pero lalo lang nadagdagan, so ang hirap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP sa panig ng mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN