Tom Rodriguez on bagging title role in Aladdin musical: "Pag umuuwi ako, napapaisip pa rin ako, ako na pala si Aladdin."

Sinubukan lang daw ni Tom Rodriguez na mag-audition para sa title role ng stage production ng Aladdin, pero masuwerteng siya ang napili. “Siyempre, I feel honored kasi iniisip ko, ’Ano ba ang nakita nila sa akin?’ I’m really happy that they gave me this chance. I’m really grateful. I wouldn’t wish for anything more.”


Magbubukas na simula Friday, November 16, sa Meralco Theater ang pinakamalaking stage musical ng Atlantis Productions—ang Aladdin.


At gaganap sa title role ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Tom Rodriguez.

Kasama rin dito sina Aiza Seguerra, K-La Rivera, at Calvin Millado.

Sa presscon ng Aladdin, na ginanap noong November 6, inamin ni Tom na kinakabahan siya nang husto dahil ito ang kauna-unahan niyang stage musical—at lead role pa ang napunta sa kanya.

Pahayag ni Tom sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pinaghirapan niya ang role dahil nag-audition pa siya para rito.

Kuwento niya, “Sobrang excited kasi, kagaya nga ng sinabi ko kanina, first stage musical ko, first experience ko.

“Kaya di ko talaga alam kung anong ini-expect nila.

“Nag-audition talaga ako, tinapangan ko lang yung loob kung mag-audition dahil Aladdin, e. Dahil paborito ko ito noong bata pa ako.

“Dahil hindi ko ma-imagine yung buhay ko pag hindi ko mai-try ito.

"Kasi ang experience sa teatro, ibang klaseng discipline kasi dito.

“Yeah, I auditioned for it.”



HONORED. Noong nag-audtion daw si Tom ay hindi niya man lang daw inisip na makukuha niya yung role. Basta sinubukan niya at baka sakaling palarin.

Ano ang naramdaman niya ngayon na napunta sa kanya yung role?

Sabi niya, “Siyempre, I feel honored kasi iniisip ko, ’Ano ba ang nakita nila sa akin?’

“I’m really happy that they gave me this chance. I’m really grateful.

“I wouldn’t wish for anything more.”

Talagang kakaiba raw sa pakiramdam ang malaman niyang sa kanya napunta ang role na Aladdin.

“Sobra! Ngayon, sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala kahit ilang beses na po ako nakapag-rehearse.

“Pag umuuwi ako, napapaisip pa rin ako, ako na pala si Aladdin.

“Parang ang sarap ng experience, tsaka bida ako sa pamangkin ko dahil pambata yung show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO LOVELIFE FOR NOW. Sa ngayon ay abala rin si Tom sa seryeng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN, kaya naman daw hindi muna niya naiisip ang magkaroon ng lovelife.

Wika niya, “Ayoko muna ipagsabay yung ano… masaya yung teatro pero trabaho talaga.

“Lalo na ako na baguhan, I don’t want to take it lightly, or will take for granted yung bigat ng work, kaya ayokong ipagsabay yun.

“Na kaya ko ‘yan kasi, totoo lang, it will take everything that I have para magawa ko ito nang tama, at sana mapasaya ko ang maraming-maraming tao.”

Sa ngayon, dito raw muna siya naka-focus pag walang taping.

Aniya, “Voice lessons, studying, kasi dapat word perfect as per script, dapat everything will be all right.

“Kasi ang taas ng expectation sa show kaya it takes a lot of preparation. It teaches me discipline.”

Kahit na hindi naman daw siya born singer, natuto na rin daw siyang kumanta two years ago.

Lahad ni Tom, “I only started singing dito two years ago, literally it’s a whole new world for me.”



CRITICISMS. Sa kanilang mga rehearsal daw, nakikiusap si Tom sa kanyang mga kasamahan na sabihin sa kanya nang diretso kung may mali siyang nagawa para raw maitama niya ito.

Aniya, “Kasi other people will think na baka ma-embarrass o ma-offend ako—hindi.

“I’ll take it as a constructive criticism kasi para sa akin yun… hindi lang pala para sa akin kundi para sa buong show.

“Kaya ayoko silang ma-disappoint kaya gusto ko matulungan ko rin yung show.

“Bilang baguhan, ayoko mag-suffer yung show nang dahil sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN