Lea Salonga fondly recalls auditioning for Miss Saigon; advises new Miss Saigon auditioners to be "natural"

Sa muling pagbabalik ng Miss Saigon sa Pilipinas para magsagawa ng auditions, nagbalik-tanaw si Lea Salonga sa kanyang pag-o-audition para sa role na Kim noong 1988.


Sa November 19 hanggang 22 gaganapin ang auditions dito sa Pilipinas para sa muling pagbabalik sa West End ng London ng hit at critically-acclaimed musical ni Cameron Mackintosh na Miss Saigon.

Gaganapin ang auditions sa Opera Haus sa Makati City.

Maraming Pinoy celebrities na ang nagpahayag ng interes nilang mag-audition para sa ilang roles sa Miss Saigon, partikular na sa lead role na Kim.

Ang role na Kim ay unang ginampanan ng international Filipino singer-actress na si Lea Salonga.

Sariwa pa sa alaala ni Lea ang pagsabak niya sa audition para sa naturang musical noong 1988 sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Seventeen years old pa lang noon si Lea, ngunit kilala na siya sa TV, pelikula, at entablado.

Bihasa na rin noon si Lea sa teatro dahil miyembro siya ng Repertory Philippines.

Kuwento niya sa phone-patch interview ng 24 Oras: “I literally came from school [Ateneo de Manila University] and went straight to the CCP and sang my song.

“I remembered being really, really nervous—completely intimidated and mortified.

“If I move forward, that’s great. And if I don’t, it’s not as if I don’t have a great life already.

“What I truly remembered is that I really enjoyed the audition process.”

Nang mapili si Lea bilang Kim ng Miss Saigon, pagkatapos ng kanyang final callback sa London, iniwan niya ang kanyang pag-aaral sa Ateneo.

Kumukuha siya noon ng kursong B.S. Biology dahil pangarap nga niyang maging isang doktor.

Pero walang regrets si Lea nang piliin niya ang Miss Saigon dahil ito ang nagbukas ng maraming pintuan sa kanya para makilala bilang isang international star.

Saad niya, “Many have asked me if I had regrets in leaving school to pursue a career in London.

“I was only 19 years at that time and the theater world that I’ve known before Miss Saigon was just here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it was a risk and it’s an opportunity.

“At that age, I never want to miss that chance.

“I don’t want getting to this age, asking myself what could have been if I accepted it or not.

“But I can say now that I made that right choice and my life was never the same again after that.”

Unang itinanghal ang Miss Saigon sa Theatre Royal at Drury Lane sa West End, London, noong September 20, 1989.

Nag-debut naman ang Miss Saigon sa Broadway sa New York noong April 11, 1991, at si Lea pa rin ang gumanap bilang Kim.

Dahil sa kanyang pagganap sa Miss Saigon, humakot ng awards si Lea for Best Actress in a Musical Play.

Kabilang na rito ang Laurence Olivier, Drama Desk, Outer Critic Circle, Theatre World, at ang Tony Awards.

LIFE AFTER MISS SAIGON. Pagkatapos ng Miss Saigon ay lumabas din si Lea sa iba pang Broadway productions, tulad ng Les Miserables, kunsaan siya ang kauna-unahang Asian na gumanap bilang Eponine noong 1993.

Kinuha ulit siya upang gumanap bilang Eponine sa London production ng Les Mis noong 1996.

Noong 2010 ay gumanap naman si Lea bilang Fantine sa Les Mis para sa 25th anniversary nito sa London.

Nagbida rin si Lea sa Broadway production ng Flower Drum Song noong 2002.

Noong 2000 ay itinanghal ang Miss Saigon sa Pilipinas, kunsaan si Lea rin ang gumanap sa title role.

May ginawa rin siyang TV-movie para sa Hallmark Hall of Fame noong 1995, ang Redwood Curtain, at dito ay nakatrabaho niya ang mga Hollywood actors na sina Jeff Daniels at John Lithgow.

Kinuha rin si Lea ng Disney para maging singing voice ng kanilang mga prinsesa sa animated films na Aladdin (as Princess Jasmine) noong 1992 at Mulan and Mulan II (as Fa Mulan) noong 1998 at 2004.

Noong 1993, si Lea ang naging kauna-unahang Pinoy na nag-perform sa Oscar Awards dahil na-nominate at nanalo ang theme song ng Aladdin na “A Whole New World.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2001 naman ay nagkaroon ng role si Lea sa daytime U.S. soap na As The World Turns.

Noong 2011, itinanghal si Lea bilang isa sa mga Disney Legends at naging judge din siya ng Miss Universe na ginanap sa Sao Paulo, Brazil.

Ang kanyang final question ang nagpanalo kay Miss Angola Leila Lopes bilang Miss Universe.

Dito sa Pilipinas ay nakapagtanghal din si Lea sa mga musicals na Cats, Cinderella, at God of Carnage.

Ikinasal si Lea noong 2004 kay Robert Chien, isang Chinese-Japanese national na managing director ng isang entertainment software sa Los Angeles.

Mayroon silang isang anak, si Nicole Beverly, na anim na taong gulang na ngayon.

Kasalukuyang nasa Singapore si Lea dahil ginagawa niya ang stage play na God of Carnage sa DBS Arts Theatre for three weeks.

JUST BE YOURSELF. Kung may payo man si Lea sa mga susubok na maging Kim sa Miss Saigon, ito ay ang maging totoo lang sila sa kanilang performance.

“Being professional is one thing, but being a natural is something different.

“Just show who you are. Kahit na kinakabahan ka, just be yourself.

“Be open and just enjoy that moment.

“Prayers can move mountains and it helps a lot,” sabi ni Lea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN