Kapuso singer-actress Rita de Guzman serious about auditioning for Miss Saigon

Rita de Guzman on auditioning for Miss Saigon: "I am keeping my fingers crossed po. Tsaka panay ang dasal ko. Kung para sa akin, mangyayari po."


Seryoso at desididong mag-audition sa Miss Saigon si Rita de Guzman—na unang nakilala bilang si Rita Iringan.

Nasa tamang edad na raw siya at gusto niyang lumawak ang kanyang kaalaman sa pagpe-perform sa entablado bukod sa paglabas sa TV at pelikula.

Inamin ng 17-year-old Kapuso actress-singer na meron siyang voice coach para matulungan siya sa kanyang paghahanda sa auditions for Miss Saigon.

Kuwento ni Rita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Kapatid po ni Nonoy Zuñiga ang voice coach ko.

“Tinutulungan din po ako ni Ms. Kitchie Molina, kasi noong sumali ako sa Popstar Kids, siya po ang nag-train sa akin.”

Si Rita ang nanalo sa unang season ng Popstar Kids, ang dating singing search ng QTV 11 na hosted by Kyla.

Naging runner-up ni Rita dito si Julie Anne San Jose.

Patuloy niya, “Ngayon po, pinag-aaralan ko nang mabuti yung songs na ‘Sun and Moon’ at yung ‘I Give My Life For You.’

“Sabi kasi ni Direk Mark [Reyes], pagbutihan ko raw kasi susuportahan niya ako.

“Tuwing may taping ako for Paroa, kinukumusta ni Direk Mark ang vocal training ko. Gusto niya kasi akong makapasa sa auditions.”

Nalaman daw ni Rita ang tungkol sa auditions ng Miss Saigon sa Pilipinas via Twitter.

“May nag-tweet po sa akin na mag-audition daw ako sa Miss Saigon.

“Mga fans ko po ang nagsasabi na mag-try po ako.

“Tapos, nakita ko rin po sa TV na may announcement na naghahanap sila ng bagong Kim for Miss Saigon.

“Ang audition po mag-i-start ng November 19 to 22 sa Makati. Agad ko pong isinulat sa notebook ko.

“Sabi ko sa sarili ko, it’s an epic project. Kailangan masubukan ko ito or else baka pagsisihan ko kung hindi ko subukan.

“Ang family ko po, todo-suporta sila sa gusto kong ito. Iba na raw kasi ito, kasi Miss Saigon na ang papasukin kong audition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya I am keeping my fingers crossed po. Tsaka panay ang dasal ko.

“Kung para sa akin, mangyayari po,” saad niya.

A VETERAN. Kung tutuusin ay beterana na sa auditions si Rita noong bata pa lang siya.

Ilang singing contests na raw ang pinilahan niya for auditions at sinusuwerte naman daw siya sa iba.

“Malakas naman ang loob ko, e.

“Sabi nga nila, nagmana ako sa aking lolo." Lolo ni Rita ang yumaong komedyanteng si Teroy de Guzman.

“Si Lolo Teroy daw kasi, talagang lahat pinapasok, at mahusay siyang comedian.

“Kung sana naabutan ko siya, marami siguro siyang maikukuwento at maituturo sa akin.

“Pero feeling ko, lagi siyang nakagabay sa akin. Lalo na noong nag-audition ako noon for Popstar Kids.

“Walang makapagsabi na ako ang mananalo noon. Pero siguro nga suwertihan lang at guidance mula kay Lord.”

KONTRABIDA ROLES. Habang pinaghahandaan ni Rita ang Miss Saigon audition, napapanood siya bilang kontrabida kay Barbie Forteza sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa.

Sanay na raw siyang magkontrabida dahil bagay naman daw sa kanya.

Huli siyang nagkontrabida kay Bea Binene sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.

Pero dagdag ni Rita, “Yung last series ko po kasi was One True Love at mabait ako doon.

“Nagku-comedy kami doon ng gumanap na daddy ko na si Benjie Paras.

“Naiiba naman ’yon kasi for the first time, hindi ako nagtataray. Kikay ako doon sa role ko.

“Natuwa nga ako na ’pinapalabas ulit ang One True Love tuwing umaga sa GMA-7.

“Nagkontrabida rin ako sa The Last Prince at Pahiram Ng Isang Ina.

“Naulit lang ngayon with Mariposa, at si Barbie naman ang latest victim ko.

“Kami ang mga mean girls sa school na aapi kay Mariposa kasi nga balat-higad siya.”

TWO CRUSHES. Naka-focus daw sa kanyang career ngayon si Rita at wala pa siyang planong magkaroon ng boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman ni Rita na may mga nagbabalak ligawan siya, pero hindi pa niya binibigyan ng panahon ang mga ito.

“Hanggang hindi pa raw ako 18 years old, bawal pa.

“Next year pa ako magde-debut at doon lang daw ako puwedeng mag-entertain ng mga suitors.

“Okey lang naman kasi wala pa talaga ang interes ko sa mga boys. Gusto ko sa work muna dahil tumutulong ako sa family ko,” sabi niya.

Ngunit kung may pantasya namang suitors si Rita, ito ay walang iba kundi sila Sid Lucero at Alden Richards.

“Fantasy lang naman, di ba?” sabay tawa niya.

“Silang dalawa lang talaga—Sid and Alden. Kinikilig ako sa kanila!

“Si Sid kasi, ang guwapo, tapos ang galing pang artista.

“Feeling ko, ako ang bagay na leading lady niya!

“Si Alden naman, nakasama ko siya sa One True Love. Ang role ko doon ay may crush ako sa character niyang si Tisoy.

“Ang suwerte ng babaeng magiging girlfriend ni Alden kasi bukod sa magaling siyang aktor, ang bait pa niya at mapagmahal sa family niya.

“Sana... ako iyon!” tawa ulit ni Rita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN