X Factor winner KZ Tandingan not in a hurry to have solo album

Bilang mentor niya si Charice, naaapektuhan ba ang X Factor winner na si KZ Tandingan sa mga intrigang ipinupukol dito? Sagot ni KZ: “Dati po, yung parang nakaka-offend na wala namang ginagawa yung tao sa kanila, pero kung makapag-bash sila, ganun-ganun na lang. Pero sabi nga po sa amin ni Charice, huwag na lang daw pong pansinin. Kasi kung meron man din po kaming bashers, kami naman yung nakakakilala sa sarili namin, e. So, yun na lang po. Kasi kahit anuman po ang gawin mo, o


Hindi raw dismayado ang kauna-unahang X Factor Philippines grand winner na si KZ Tandingan kahit na hindi agad siya nabigyan ng solo album o kahit CD Lite man lang pagkatapos niyang manalo.

May ilang grand winners kasi ng singing contest ng ABS-CBN na ilang linggo pa lang ay may album na agad na ipinu-promote.

Masaya na rin daw si KZ na nakapaglabas ng The X Factor Philippines All-Star album ang Star Records, na kinabibilangan niya at ng iba pang finalists ng naturang reality-talent search ng Kapamilya network.

Paliwanag ng 20-anyos na si KZ, “Hindi naman po [ako nadismaya] kasi in-explain naman po nila sa akin na nung inilabas yung album, siyempre parang part din naman po ako nung album.

“So, yun na lang po muna ang pagtuunan namin ng pansin. Tapos baka po next year ayusin na po namin yung [solo] album.

“Kasi ayoko rin naman po na kaya ako nagka-album yung minadali lang.

“Gusto ko sana na pag-isipan yung mga kantang ilalagay doon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si KZ sa presscon ng The X Factor Philippines All-Star album noong Biyernes, Nobyembre 9, sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City.

Tampok sa album ang mga kantang inawit ng Final 12 sa kumpetisyon, sa pangunguna ng bersyon ni KZ ng “Killing Me Softly.”

Bahagi rin ng track list ang “It Will Rain” ng second-placer na si Gabriel Maturan at “All At Once” ng third-placer na Daddy’s Home.

Nandito rin ang “Love The Way You Lie” ni Allen Jane Sta. Maria, “Can’t Help Falling In Love” ni Jeric Medina, “Mahal Kita Kasi” ni Kedebon Colim, “Ang Pag-ibig Kong Ito” ni Joan Da, “Nanghihinayang” ni Mark Mabasa, “Balatkayo” ni Modesto Taran, “Kung Wala Na” ni Jerrianne Templo, “Got To Be Real” ng AKA Jam, “Stay” ng Takeoff, at “Star ng Pasko” ng X Factor Final 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


LIFE-CHANGING. Malaki raw ang ipinagbago ng buhay ni KZ nang manalo siya sa X Factor. Talaga raw naiba ang buhay niya ngayon kumpara sa kanyang buhay noon sa Digos, Davao del Sur.

Kuwento niya, “Dati po kami pa yung naghahanap ng raket para lang magkaroon kami ng pera.

“Ngayon tinatawagan na kami ng handler namin, tine-text na lang sa amin yung schedules ng mga raket namin.

“Tapos dati, before X Factor, we were individuals na hindi namin inakala na mabibigyan kami ng pagkakataon na matupad yung dreams namin.

“Ngayon, unti-unti na pong natutupad ang mga pangarap ko.”

Mula nga sa pagiging bokalista ng banda nila noon sa probinsiya, ngayon ay performer na siya sa ASAP, ang Sunday noontime variety show ng ABS-CBN.

Kanina lang, Nobyembre 11, ay ipinakilala na si KZ bilang bagong dagdag sa ASAP Pinoy Champs na kinabilalangan ng grand winners ng iba’t ibang singing contests at talent searches ng Dos—sina Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, at Angeline Quinto.

Ano pa ang ibang pagbabago sa kanya ngayong nasa industriya na siya ng show business?

“Ngayon, natututo na akong magtakong!” natatawang sabi niya.

“Pero ang masasabi ko, siguro ngayon, mas complicated na ang mga bagay-bagay.

“Complicated, in a way, na may mga bagay na hindi na tulad ng dati na kung may gusto kang gawin, puwede mo nang gawin agad-agad.

“Ngayon, marami ka nang kailangang kausapin para maging maayos din naman ang trabaho mo.”

Mina-manage ngayon ng Star Magic ang career ni KZ.



PRIZES. Bilang grand winner ng X Factor, tumanggap si KZ ng kabuuang premyong P4 million in cash and prizes kasama na ang recording contract sa Star Records.

May nakuha na ba siya sa premyo niya lalo na yung cash?

“Yung sa cash po, puwede na pong kunin kaya lang hindi ko pa nakukuha kasi may mga inaayos pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung one million po doon, mapupunta po sa church namin.

“E, pledge ko po yun sa church namin.”

Siyempre kasama rin sa priority ni KZ na tulungan ang pamilya niya. Pero ang kapakanan pa rin daw niya ang iniisip ng mga ito lalo na ng kanyang daddy.

“Ang okay po sa daddy ko, kahit na sinasabi ko sa kanila… minsan nagpadala ako ng pera, yung mga ibinibigay kong pera sa kanila ngayon, hindi nila ginagastos.

“Kini-keep nila, nilalagay nila sa bangko. Sabi nila, ‘It’s your savings.’”



DADDY MARTIN. Ayon kay KZ, kahit na marami na ang nakakakilala sa kanya ngayon ay nakakalabas pa rin naman daw siya, lalo na pag kasama ang kanyang co-finalists sa X Factor na sina Allen, Jeric, Gab, at Kedebon.

Tinatawag nga silang “Alabang Kids” dahil hanggang ngayon ay nakatira pa rin sila sa bahay ng X Factor mentor-judge na si Martin Nievera sa Alabang.

Sabi ni KZ, “Malaki nga ang pasasalamat namin kay Daddy Martin dahil pati kami ni Allen ay inampon at kinupkop din niya kahit tapos na ang X Factor.”

Sina Jeric, Gab, at Kedebon lang kasi ang mine-mentor ni Martin, pero dahil sa pagmamahal ng Concert King sa mga bata, na pawang nakatira sa malalayong probinsiya, ay pinatira muna niya ang mga ito sa kanyang bahay.

Bukod daw sa libreng board and lodging, marami rin daw silang natututunan kay Martin sa ibinibigay nitong mga payo sa kanila pagdating sa mga career nila.

CHARICE PEMPENGCO. Ang talagang mentor nina KZ at Allen ay si Charice Pempengco.

Siyempre, hindi rin nakalimutan ni KZ na pasalamatan ang kanyang mentor.

“Sobrang laki po ng tulong at suportang ibinibigay ni Charice sa akin, sa amin, kaya hindi po ako titigil ng pagpapasalamat sa kanya.”

Dahil nga madalas ding naiintriga si Charice, natanong ng PEP si KZ kung naaapektuhan ba siya ng mga isyu sa mentor niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati po, yung parang nakaka-offend na wala namang ginagawa yung tao sa kanila, pero kung makapag-bash sila, ganun-ganun na lang.

“Pero sabi nga po sa amin ni Charice, huwag na lang daw pong pansinin.

“Kasi kung meron man din po kaming bashers, kami naman yung nakakakilala sa sarili namin, e. So, yun na lang po.

“Kasi kahit anuman po ang gawin mo, o wala ka mang gawin, may sasabihin pa rin po yung mga tao.”

Ipinagkukumpara ngayon si Charice at ang baguhang si Zendee Rose Tenerefe dahil sa pagiging You Tube sensation nila at pareho ring nag-guest sa show ng American TV host na si Ellen DeGeneres.

Ano ang masasabi ni KZ dito?

“Although parang pareho po yung way kung saan po sila na-discover, iba pa rin naman po yung Zendee sa Charice.

“Parang let’s both respect them para sa artist na kung sino man sila.

“Kahit hindi po maiwasang mai-compare, pero iba yung Zendee sa Charice, e.

“Si Zendee naman, nagkakilala kami noong X Factor boot camp. Kami po yung pinakamaingay doon sa boot camp.

“So, yun po, kaya kami magkakilala.

“Nagtu-tweet nga po kami tapos nagti-text.


“Sabi niya, gusto niya raw ma-meet ulit si Madame [Charice]. Kaya lang, busy pa po si Madame.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN