Ritz Azul now open to mature roles; hopes to become versatile actress

Handa na ba si Ritz Azul sa sexy roles? Sagot ng Kapatid young actress, “We’ll cross the bridge when we get there. Pero actually, ngayon, hindi ko pa masyadong kaya na makipag-kissing scene talaga, e. Pero para sa akin, mas sexy yung conservative and may itinatago pa, yung imagination ng tao naglalaru-laro pa.”


Hindi raw naging madali para kay Ritz Azul na gawin ang shoot niya sa para sa nangungunang men’s magazine na FHM.

Hindi naman daw kasi sanay ang TV5 Princess na mag-project ng sexy image, lalo na’t hindi pa siya nagkakaroon ng nobyo.

Buti na lamang daw ay tinulungan siya ni Direk Mac Alejandre at ibang staff ng FHM sa kung ano ang mga dapat niyang gawin.

Naikuwento ni Ritz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, noong Nobyembre 10, na si Direk Mac ang kumumbinsi sa kanya na gawin ang sexy pictorial na ito.

“Napag-usapan din po namin nung management, [na] may plan sila for me,” pagbabahagi ng 18-year-old actress.

“Actually, nung una, tumatanggi po ako, ayoko talaga.

“Pero mineeting [meeting] ako nina Direk Mac [Alejandre], ng TV5.

"Kinonvince [convinced] ako ni Direk Mac, may mga plans sila for me, so ito bagay ‘to dito, ganyan.

“So okay… pero siyempre, nahirapan pa rin ako kasi hindi ako sanay magpa-sexy.

“Well, role lang naman ito, bilang isang artista ako, so isa itong role na ginampanan ko, parang nagiging professional lang ako.”

Napagtanto rin ni Ritz na “tamang time” na rin ang oportunidad na ito sa kanya, habang “young and fresh” pa siya.

PARENTS’ REACTION. Samantala, magkaiba naman ang naging reaksiyon ng mga magulang ni Ritz matapos ang sexy pictorial niya sa FHM.

Noong i-offer daw sa kanya ang proyektong ito ay alam naman daw ng kanyang mga magulang. Pero ang ikinagulat daw ng nanay ni Ritz ay nang mag-two-piece siya.

Nangingiting kuwento ng TV5 Princess, “Yung before nag-usap-usap kami, so okay naman kami, kasi yung peg, sinabi nila na conservative pa naman, walang ganito, walang ganyan.

“After ng shoot, nung nagkukuwento na ‘ko kay Nanay, ‘Nag-two-piece nga, e,’ ganyan, yun, nagtampo na siya.

“Kasi hindi siya sanay na naka-two-piece ako. Kasi hindi siya sanay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag pageant niya lang akong nakikita na naka-two piece, e, rampa lang yun, isang rampa.”

Dalawang araw raw hindi kinausap si Ritz ng kanyang nanay.

Pero ngayong kahit nagkaayos na sila, ayaw pa rin tingnan ng kanyang ina ang men’s magazine kung saan siya nag-cover.

Ang tatay naman ni Ritz, masaya sa kinalabasan ng sexy pictorial.

Katunayan, kasama pa nga raw ito sa shoot sa Marikina, pero hindi naman pinanood ang aktuwal na shoot ng anak.



SEXY OR MATURE ROLES? Madalas na tinatanong sa mga first time na gumawa ng mga sexy pictorials ay ito: “Is this a sign that you’re now open to do sexy roles?”

Para kay Ritz, hindi sexy roles ang kanyang gagawin kundi “mature” roles.

Aniya, “Kasi para sa akin, mature roles talaga, hindi talaga siya sexy.

“So tingnan natin.

"Kasi yung upcoming show ko is Kidlat, medyo boyish ako dito, e, so taliwas siya sa sexy.”

Makakapareha ni Ritz sa Kidlat si Derek Ramsay; kasama sina Nadine Samonte at Baron Geisler, at ito’y ipapalabas sa Enero.

Tingin din ni Ritz ay malaking tulong ang pagtanggap niya sa offer ng FHM upang makilala siya ng mga tao at makita ang “other side” side niya bilang aktres.

“Kasi dito, parang nakita nila yung ibang side ni Ritz Azul, parang iisipin nila may itinatago pa pala si Ritz.

“So yun po ang nasa isip ko.

"And knowing yung FHM, maraming readers ‘yan, so marami din makakakita na, ‘Si Ritz pala ganito.’

"Malaki ang impact, ganun.”



ACTION STAR. Dumako naman ang usapan sa career path na gustong tahakin ni Ritz.

Ang goal daw ngayon ni Ritz ay maging “versatile actress.”

Malaking bagay na iba’t ibang karakter na may iba’t ibang genre ang ibinibigay sa kanya ng TV5, dahil sa ganitong paraan daw ay nahahasa ang kanyang talento sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga nagawang shows ni Ritz sa TV5 ay Nagbabagang Bulaklak (2011), Glamorosa (2011), at Kapitan Awesome (2012).

Pero kung siya ang tatanungin, “action” ang gusto niyang genre dahil na rin sa “pagiging boyish" niya.

“Kasi ganun talaga ako sa totoong buhay. Sa bahay, loose shirt, loose pants, parang normal na normal.

“Pero nag-e-enjoy talaga ako dun sa action.”

At dahil si Angelina Jolie ang peg niya pagdating sa pagiging action star, biniro siya ng press na kailangan ay sexy rin siya.

Natawa naman ang batang aktres at inaming may “conscious effort” na siyang i-maintain ang kanyang magandang pangangatawan, lalo’t nag-pose na siya para sa FHM.

Ani Ritz, “Parang ngayon napipilitan na akong magpapayat talaga!

“Kasi dati, may mga cheat day pa ‘ko na, ‘Ay, puwede pa naman one week pa ‘yan,’ parang ganun.

"Pero ngayon, sinabihan na nga ako na baka next year, Boracay, shocks!

“Kailangan ko ng ano, tapos yun… parang napipilitan na akong magpa-sexy or mag-tone ng shape ng katawan ko.”

At nang tanungin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin na pagpapa-sexy, natatawang sagot ni Ritz: “We’ll cross the bridge when we get there.

“Pero actually ngayon, hindi ko pa masyadong kaya na makipag-kissing scene talaga, e.

“Pero para sa akin, mas sexy yung conservative and may itinatago pa—yung imagination ng tao naglalaru-laro pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN