Maricel Soriano on being happy: “Almost there.”

"Pagka meron kang dinaramdam, ako, gusto ko mapag-isa habang hinahanap mo yung sarili mo. I will share it with people na alam ko na tunay kong kaibigan—o yung mga taong tunay na nagmamahal sa akin at inuunawa ako in every way. Ise-share ko sa mga taong ganun pag tapos na. Ayaw ko silang bigyan ng problema. So, usually, pag meron akong dinaramdam, na dinadala na mabigat, nawawala ako, nagha-hibernate, ganun," saad ni Maricel Soriano tungkol sa pansamantala niyang pa


Nagpaunlak ng isang tell-all interview ang Diamond Star na si Maricel Soriano kay Korina Sanchez, para sa Rated K, na ipinalabas kahapon, November 11.

Ang ilang bahagi ng interview ni Maricel ay ipinalabas na sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol noong Biyernes, November 9.

Doon ay inamin ni Maricel na sumailalim siya sa depresyon kaya halos dalawang taon siyang nag-“time-out.”

“Time-out” ang terminong ginamit ni Maricel sa panandaliang pagkawala niya sa sirkulasyon.

Kuwento niya, “Time-out lang yun, di ba? Kailangan natin, lahat tayo, kailangan natin ng ganun, e.”

(CLICK HERE to read related story.)

MARICEL’S BEAUTY SECRET. Unang tanong ni Korina kay Maricel:Nagugulat ang lahat ng tao na sa tuwing paglabas mo ay lalo ka pang gumaganda, ano’ng sikreto mo?

Sagot ng Diamond Star,“Wala namang sikreto.

"Hindi ba, alam naman nating dalawa yung totoo? Nagpakatotoo lang tayong dalawa.

“Sabi nga nila, para hindi ka ma-stress, sasama ka daw dun sa mga tao na masaya ka pag kasama mo sila, hindi ba?

“Kagaya na lang ng dalawang anak ko.

“Masaya kami pag nagkasama kaming tatlo. Lalo na sa gabi na bonding time namin.”

Ang tinutukoy ni Maricel ay ang mga anak niyang sina Marron at Sebastien.

Si Marron ay ang adopted son nila noon ng kanyang ex-boyfriend na si Ronnie Ricketts; habang si Sebastien naman ay anak ng aktres sa pulitikong si Cesar Jalosjos.

Gumagawa ka ng paraan talaga para ang mundo mo ay sumaya?

“I love to laugh kasi, e.”

LULUBOG-LILITAW. Parating nagugulat ang tao sa’yo kasi pag minsan, lu-li ka—lulubog-lilitaw. Medyo matagal-tagal ata ang bakasyon mo? ‘Yan ba ay sinadya mo?

“Oo, sinadya ko… madaming rason, parang gusto kong magtago…”

Bakit nga ba pinili niyang mawala sandali?

“Number one kasi, pagka meron kang dinaramdam, ako, gusto ko mapag-isa habang hinahanap mo yung sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I will share it with people na alam ko na tunay kong kaibigan—o yung mga taong tunay na nagmamahal sa akin at inuunawa ako in every way.

“Ise-share ko sa mga taong ganun pag tapos na. Ayaw ko silang bigyan ng problema.

“So, usually, pag meron akong dinaramdam, na dinadala na mabigat, nawawala ako, nagha-hibernate, ganun.

“Almost [two years]. Pero healthy naman yung nangyari sa akin.”



MOMMY LINDA. Dito na binigyang-linaw ni Maricel ang mga naging sanhi ng kanyang pansamantalang pagkawala.

Una na rito ang pagpanaw ng kanyang inang si Rosalinda Martinez, noong July 19, 2009, sa edad na 65.

Inamin niyang hindi siya naging handa sa pagkawala nito.

Ano ba ang relationship niya sa mommy niya? Paano niya ide-describe ang kanilang relasyon?

Maluha-luhang kuwento ni Maricel, “Close kasi kami ni Mommy.

“Close na parang best friend ko siya. Parang siya yung rock mo.

“In denial ako nung umpisa.”

Nayanig daw ang mundo niya noong pumanaw ang ina.

“Yanig na yanig ako. Kung may nagawa akong maganda o mabuti, gusto ko… kung mabibigyan pa ko ng isang chance para mapasaya ko siya ulit.”

Ano sa mga habilin ng ina ang naaalala niya?

“Palagi na sinasabi ng mommy ko… mapakaibigan o anupaman na makikipagrelasyon tayo, lagi tayong magtitira para sa sarili natin.”



LAMAT SA PUSO. Pangalawa raw na habilin ng ina ang usapin sa puso.

Inamin ni Maricel na may lamat ang kanyang puso ngayon na parang ayaw na muna niyang umibig.

Wala pa bang nagpapatibok ng puso niya sa ngayon?

“A, wala na, e!” natatawang sagot niya.

Kuwento ni Maricel, parang naibuhos na niya lahat ang kanyang pagmamahal kaya naman kung meron man daw susunod ay siya na dapat ang pagbuhusan ng pag-ibig.

Tanong pa ni Korina: Ang ibig mong sabihin, kung ikaw ay magmamahal ulit, kailangan ikaw ang mamahalin?

“Tingnan natin, ha, tingnan natin,” sagot ng Diamond Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WYNGARD TRACY. Isa rin sa labis na ikinalungkot ni Maricel ay ang pagkamatay ng kanyang manager na si Wyngard Tracy noong November 16, 2010.

Gaano niya na-miss ang itinuturing din niyang “best friend”?

Tugon ni Maricel, “Oo, sobra. Ang feeling ko, naririnig ko ang boses ni Wyngard—lahat ng mga sinabi niya sa akin."

TATAY DOLPHY. Masayang malungkot naman si Maricel nang nadako na ang usapan sa tatay-tatayan niya sa showbiz—ang King of Comedy na si Dolphy.

Pumanaw si Mang Dolphy noong July 10, 2012.

Tanong ni Korina: Sa pagkamatay ni Tito Dolphy, ang iyong tatay-tatayan, ano sa palagay mo ang iniwan niya sa ‘yo?

Sagot ni Maricel,“Palagay ko, yun yung tungkol sa happiness, e.

“Tuwing magkikita kami, gaganyan yung mga mata namin—talagang may twinkle yung eyes.

“Alam mo, ito lang ang question naming dalawa: ‘Masaya ka ba?’

“Palagi ‘yan, Tita K, isa lang: ‘Masaya ka ba?’

“Tapos sasagot siya, ‘O, ikaw masaya ka, o!’ Tapos gaganun naman ako.

“Tapos kapag may kaunting pagsubok, sasabihin niya, ‘Masaya ka.’

“Kailangan daw, kahit anong mangyari, sasabihin mong masaya para dumadating yung happiness.

“Pero nung time na lumungkot ako, parang gusto kong mag-give up diyan, e.”



DEPRESSION. Nag-share din si Maricel tungkol sa dinaanan niyang depresyon at kung paano niya ito napagtagumpayan.

Did you go through depression?

“Yeah, I did.”

Na talagang pag sinabi mong depression ay parang nawalan ka na ng pag-asa?

“Wala, oo… ay, hindi healthy. Hindi talaga masaya yung nandun ka sa situation na ganun.”

Talagang tinulungan daw ni Maricel ang sarili para makalabas sa pagsubok na yun.

“Oo, oo. Tinulungan ko talaga kasi kung hindi, siguro until now, nandudun pa ako.

“Malungkot pa rin ako, e, ayoko nang maging malungkot. Gusto ko na talagang muling masaya.

“Alam mo, Tita K, kung na-appreciate ko lahat yung mga nangyari sa akin noon sa buhay ko, sa career ko…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat yung mga bagay na yun, na-appreciate ko, pati yung mga bagay na parating pa lang, na kumakatok pa lang, appreciated ko lahat yun.”

Labis-labis naman ang tuwa at kaligayahan sa puso ni Maricel dahil sa kanyang mga kaibigang nandidiyan para sa kanya kahit daw sa madilim na bahagi ng kanyang paglalakbay.

Pagmamalaki pa niya, “Sila yung mga taong tunay na concern.

“Kasi, pag meron kang ginawang mali, na hindi tama sa paningin nila, ipinapaliwanag nila sa ’yo, ini-enlighten ka kung bakit.

“Andiyan sina Shirley Kuan, Si Veana Fores, si Malou Fagar...”

In and out, lilitaw-lulubog, taas-baba—itong mga kaibigan niyang ito daw ay nandidiyan pa rin para sa kanya.

“Hindi sila nagsasawa sa akin. Yung totoong kaibigan, sasabihin nila yung totoo—no matter how painful it is.”



THE NEW MARICEL. Sabi ni Korina: Ang pagkatao ng isang tao ay nabubuo sa dalawang bagay—love and loss. Sa puntong ito, feel mo ba na nagbago ang pagkatao mo? O ang paraan ng pag-iisip mo?

“Lahat.”

Ikaw na mismo ang nagsasabi sa akin, ‘Korina, naku, kung nakilala mo ako dati…’ Malayo ka na ba dun sa Maricel, say, ten years ago?

“Wala na yun, e. Hindi ko na yun maalala. Ibang-iba na nga, e.”

At ngayon, paano mo nabubuo itong pagbabago ng isip mo?

“Dahil sa mga dinaanan ko na kakaiba, hindi pala madali, pero sa personal ko…

“Ang goal ko kasi, gusto ko happy ako, gusto ko masaya ako nagtatrabaho ako.

“Mapa-comedy ‘yan o drama ‘yan, gusto ko happy ako.”

Ito bang pagbabalik niya ngayon ay handa na siya in every way?

Seryosong sagot ni Maricel, “Ang love ko sa work ko, hindi nagbabago yun.”

Ipinakita sa VTR ang pagtanggap ni Maricel ng Best Actress award para sa pelikulang Yesterday Today Tomorrow sa Metro Manila Film Festival 2011.

Nagugulat ka ba na kahit matagal kang nawala e nananalo ka pa rin ng Best Actress. Paano nangyari yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nga naiintindihan minsan, e.

"Di ba nga, sabi nga nila, huwag na huwag daw tayo nagtatanong o nagkukuwestiyon.

"Wala nang ganun, ‘Lord, thank you’ na lang.”


Panghuling tanong ni Korina: Kung ako si Mang Dolphy at masasalubong kita at tatanungin kita, ‘Masaya ka ba?’

Napaisip muna bago sumagot si Maria ng: “Almost there.”

Ano pa kaya ang kulang?

“Hindi ko ma-pinpoint sa iyo kung ano talaga, pero nararamdaman ko na… paparating na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN