Zendee Rose Tenerefe shrugs off alleged comments of Charice’s mom on Twitter

Pinili ni Zendee Rose Tenerefe na huwag na lang pansinin ang mga komento diumano ng ina ni Charice na si Raquel Pempengco tungkol sa pagkukumpara sa kanila. Sabi ni Zendee Rose, “Hindi naman po ako ang minention or what, nabasa ko na lang din po yun sa isang website po na ganun na po yung balita. Dun ko na rin po nabasa yung balita kasi hindi naman po nakalagay yung pangalan ko dun po. Pero hindi naman po ako na-mention, bale yung mga fans niya [Charice] lang po yung grabe po


Aminado ang tinaguriang “Random Girl” na si Zendee Rose Tenerefe na utang na loob niya sa isang security guard at sa isang taong nag-upload ng kanyang video sa YouTube ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Sa interview niya sa Cristy Ferminute ng Radyo Singko, 92.3 NewsFM, noong November 8, Huwebes, hindi napigilan ni Zendee ang maluha nang nagbabalik-tanaw siya sa kanyang payak na buhay sa General Santos City.

Graduate na siya ng Information Technology sa STI GenSan.

Laking-pasasalamat daw niya kay Manny Pacquiao at sa foundation nito sa pagtulong sa kanyang pag-aaral bilang iskolar ng kongresista at boksingero.



ZENDEE AT THE MALL. Nadiskubre ang galing sa pagkanta ni Zendee nang may mag-upload sa YouTube ng video niya habang bumibirit ng kanta ni Jennifer Holiday.

Maggo-grocery sana noong araw na iyon si Zendee, kasama ang isang kamag-anak. Pero hindi siya pinayagan ng guwardiya ng tindahang pumasok dahil sa dala niyang backpack.

Kaya minabuti ni Zendee na aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagkanta sa Wow Magic Sing videoke na nasa labas ng grocery.

Noong una, hindi pa raw siya pinayagan ng store clerk na kumanta at tinanong pa daw siya kung bibili siya.

Ngunit ang sagot daw ni Zendee ay: “Payagan na lang n’yo po akong kumanta kasi galing pa akong GenSan.”

Twenty minutes daw siyang nag-antay.

Nang may dumating daw na customer ay kinausap niya ito na siya na ang mag-test ng videoke mic unit. Pakilala pa nga raw ni Zendee sa sarili ay “singer po ako sa GenSan.”

Limang songs daw ang kinanta ni Zendee.

“Natapos yung una kong kinanta ay nag-’more’ po siya, tapos paglingon ko po, andami nang nakapaligid na tao sa akin.”

Hindi raw talaga alam ni Zendee na may kumuha pala sa kanya via cellphone camera.

Kinalaunan ay nakilala niya ang kumuha ng video na si Yuan Juan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kuwento sa akin ni Yuan, patago niya daw akong kinunan. Noong July 26 po yun, tapos July 28 niya in-upload [sa YouTube].”



ELLEN DEGENERES GUESTING. Mula sa ilang guestings sa mga programa ng GMA-7, biglaang napasabak ang dalaga sa guesting sa show ni Ellen DeGeneres sa Hollywood.

Napanood ito last October 26.

Paano nga ba siya napunta sa Ellen?

Kuwento ni Zendee, “Kinontak ako nung staff ng Ellen, pero parang hindi kami masyadong nagkaintindihan… siguro dahil sa pag-i-English ko.

“Yung kanta pa po na sinabi nila sa akin ay yung ‘And I Am Telling You.’ Pero parang hindi naman na natuloy.

“Tapos nag-meet ulit kami ni Yuan Juan para kunan naman niya ako ng video, this time nakaharap na.

“Ang kinanta ko po noon ay ‘I Will Always Love You.’ At nang na-upload na siya, nag-viral yung video.

“At in three days, ang views nito ay umabot sa 2.3 million!

“Kaso po na-delete po, copyright daw yung dahilan, kasi kinopyright nung taga-Singapore.

“May kumuha kay Yuan Juan, kinopya niya, tapos yun po yung sumikat.

“Tapos na-report as copyright saying po yung mga comments dun na mga tagalabas.”

Ikinuwento rin ni Zendee na nilapitan siya ng Hollywood actress na si Halle Berry nang mag-guest siya sa Ellen. Pero inamin niyang hindi niya ito nakilala noong una.

Kuwento niya, “Hindi po kasi ako nakakanood ng mga Hollywood movies dahil wala kaming cable.

“Pero pag-uwi ko po, ginoogle ko po siya. Kilala ko na po siya ngayon.”

ZENDEE VS CHARICE. Dahil sa kanyang pagge-guest sa Ellen ay iniintriga ngayon si Zendee.

May mga nagsabi kasing pinataob na ni Zendee ang isa pang Pinoy YouTube sensation na si Charice.

Gaya ni Zendee ay nag-guest din noon si Charice sa show ni Ellen. Pagkatapos nito ay sumikat na ang Pinay singer sa international music scene.

Dahil sa komento ng ilan na “pinataob” ni Zendee si Charice ay nag-react daw ang ina ni Charice na si Racuel Pempengco sa pamamagitan ng Twitter account nitong @KayChaCarl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang magkakasunod na tweets ng sinasabing ina ni Charice:

"Ano ba naman yang mga balita na ’yan? I-compare ang anak ko sa singer na kumanta lang eh taob na daw...nayakap lang taob na.

"Di ba pwedeng mayakap muna sila ni Aling Oprah [Winfrey]? Ni Aling Celine [Dion]? At lumabas sa Glee? At kumanta sa Madison [Square] Garden? At mapasama sa Chipmunks, maging top 4 sa BILLBOARD? Magkaroon ng Here Come’s the Boom? Bago itaob?

"Naman...naman....naman...kain muna kayo ng Donya Maria Rice ni Mareng Michelle Gankee bago mag-isip ng "TAOB" huh?”

Nang kunin ang reaksiyon ni Zendee tungkol dito ay pinili niyang huwag na lang itong pansinin.

Aniya, “Hindi naman po ako ang minention or what, nabasa ko na lang din po yun sa isang website po na ganun na po yung balita.

“Dun ko na rin po nabasa yung balita kasi hindi naman po nakalagay yung pangalan ko dun po.

“Pero hindi naman po ako na-mention, bale yung mga fans niya [Charice] lang po yung grabe po ang tweets sa akin.

“Pero hinahayaan ko na lang po dahil may mga supporters naman po ako na tumutulong din sa akin.”

Ang iniisip na lang daw niya sa ngayon ay wala siyang tinatapakang tao.



DREAMS. Sa ngayon ay unti-unti nang sumikat ang magandang araw ng kapalaran ni Zendee.

Bukod sa regular stint niya sa Party Pilipinas ng GMA-7, magkakaroon na rin siyang solo album sa ilalim ng Warner Music.

Lumalabas na rin ang TV commercial niya para sa isang brand ng kape kasama ang bandang Parokya ni Edgar.

Gusto lang daw ni Zendee na magkaroon ng trabaho upang matulungan ang pamilya niya sa GenSan.

Wika niya, “Yun po yung pamilya ko po sa GenSan, gusto ko po silang tulungan.”

Labis-labis din ang pasasalamat ni Zendee sa dalawang taong naging susi ng kanyang tagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit bitter man daw ang pakiramdam niya noong naligwak siya sa singing search ng ABS-CBN na X Factor Philippines, parang may ibang itinadhana ang Panginoon para sa kanya.

Lahad niya, “Pinasalamatan ko po si Yuan Juan dahil kung hindi po dahil sa kanya ay hindi ko po naabot ‘tong kung ano man ang naabot ko ngayon.

“Parang plano po ni God na parang naka-organized na po lahat, e.

“Hindi kami nakauwi ng GenSan kahit na pinapauwi na kami dun, pinilit po kaming pinauwi, pero ayaw po namin dahil bitter po ako nun kasi.

“So, sabi ko, hindi ako uuwi, maghahanap pa ako ng singing contest.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN