Sherilyn Reyes reveals church wedding with hubby Chris Tan

Sa mga magkarelasyon, ang hinihintay ng mga babae ay ang tanong ng lalaki kung ito’y kanyang pakakasalan. Dumating na ang sitwasyong ito kay Sherilyn Reyes. Kuwento niya, “Parang ang tinanong niya, e, ‘Would you…?’ Parang, ‘It would be an honor for me to marry you…’ parang ganoon, something like that. Siyempre, nagulat din lang ako, e.”


Finally, ikakasal na sa simbahan ang TV actress na si Sherilyn Reyes sa dating basketball player na si Chris Tan.

Magaganap ang kasalan sa December 10, 2012 sa Sanctuario de San Jose sa Greenhills. Sa Marriot Hotel Resorts World naman ang reception.

Ibinalita ito ni Sherilyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa first birthday party ng anak nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na si Nate noong Huwebes, November 8, sa Ayala Hillside Subdivision Club House, Quezon City.

ELEVEN YEARS. Nagkuwento muna si Sherilyn tungkol sa kanilang relasyon ni Chris bago nila napagdesisyunan na magpakasal sa simbahan.

“Eleven years na kaming magkasama, tapos nine years na kaming civilly married.

“And then, nung lumabas ang annulment ko three years ago, dapat magpapakasal na kami."

Ang dating asawa ni Sherilyn ay si Reily "Jun-Jun" Santiago, kapatid nina Randy, Rowell, at Raymart Santiago.

Patuloy niya, “Pero inaayos namin yung kasal, wala yung church annulment marriage niya [Chris].

“Nagtaka kami kung bakit wala yung church annulment marriage niya, samantalang nagpakasal na yung ex niya sa church.

“So, dapat yun, we’re free to get married, correct?

“We found out na hindi pala nagpa-annul sa church yung girl, but she was able to get married again in church.

“So, yun. Finally, nag-file siya and after three years, lumabas.

“So, pagkalabas na pagkalabas, niyaya na niya akong pakasal.

“December last year or January ‘ata lumabas yung annulment... hindi ko na matandaan.

“Anyway, last year yun noong nagyaya siya—ibig sabihin, one year in the making siya talaga.

“Okey… planu-plano… hanggang sa matagal pa naman.

“Yung iba nga, sinasabi na, ’Ang aga ninyong mag-prepare, ganyan-ganyan.’

“Hanggang sa ngayon, cramming na!” tumitili niyang saad.



PREPARATIONS. Kailan ba nila inasikaso yung preparasyon sa wedding?

“Yung requirements ko, nakumpleto today lang,” pagbabalita ni Sherilyn.

“Yung confirmation certificate na lang ni Chris ang hinihintay…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But everything else, okey naman—mga maliliit na detalye na lang.

“Although, si Chris lahat ang nag-aasikaso. Wala akong inaasikaso—siya lahat, everything, pati sa reception.

“Ang alam ko lang, yung design ng gown ko, sinong gagawa—si Cary Santiago.

“Sa entourage, alam ko. Yung gagawa ng sapatos namin… yun ang mga alam ko lang.

“Yung details as to what’s gonna happen in church, lalo na sa reception, wala talaga akong kaalam-alam, kapatid!” kinikilig na bulalas ng aktres.



SURPRISE. Bakit hindi siya isinama sa pagpi-prepare ng kasal?

“Gusto niya surprise,” mabilis niyang tugon.

“Sabi ko nga, dahil six inches yung shoes ko, ’Puwede bang mga in the middle of aisle, sunduin mo na ako!’

“Kasi feeling ko, baka mangatog ang tuhod ko, hindi na ako makalakad.”

Bakit sa Sanctuario de San Jose ang wedding?

“Kasi doon kami nagsisimba, so parang lahat-lahat… yung mga imbitado, lahat ng lugar…

“Kumbaga, lahat may kasaysayan.

"Hindi yung inimbita ka dahil inimbita ka lang. Kumbaga, inimbita ka dahil kaibigan ka.”

Ilan ang expected guests nila?

“Max of 250. Kasi, kami lang naman ang magbabayad, wala naman kaming mga magulang na magbabayad!” sabay tawa niya.



SPONSORS. Sinu-sino ang mga principal sponsors nila?

“Twelve pairs sila. Hindi dahil sinadya, pero lahat sila may katuturan sa buhay namin."

Paliwanag ni Sherilyn, “Yung mga ninang at ninang namin sa civil, nandun yun.

“Siyempre, si Tita Vicky [jeweler]. Si Ninang Vicky, nakita niya kami nung mababa at nung pataas.

“Kumbaga, lahat ng pinagdaanan namin sa buhay, nandiyan siya.

"Three pairs ng ninong at ninang yun.

“Tapos, si Edu Manzano… si Kuya Doods kasi, love namin talaga ‘yan, e, so kinuha namin.

“Si Joey de Leon, silang dalawang mag-asawa [Eileen Macapagal].

“Kasi sila ni Joey… Joey nga lang ang tawag ko sa Eat Bulaga!… Kasi nasanay ako sa ganoong tawag ko sa kanya, tapos ninong ko na siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Three years ago pa, gusto ko na talaga siyang kuning ninong.

“Kasi noong time na bago pa lang kami ni Chris at medyo magulo pa lang yung buhay… tapos nung nag-resign ako sa Eat Bulaga!, nakausap ko pa ‘yan sa phone.

“Alam mo, parang… hindi lang yung relationship para sa trabaho kundi parang… kinumusta niya ako.

“Sinabi niya mag-ingat ako… malaking bagay para sa akin yun.

“Uhm, si Edgar Mortiz! Nung wala ako sa GMA, hindi ako makabalik… siya yung nakipaglaban para sa akin.

“That time, nasa GMA siya, yung All Together Now.

“After kong manganak kay Kirstel, yun yung bumalik ako, e. Siya yung nakipaglaban for me.

“Si Mr. Exie Robles, yung dating boss ni Chris sa Sta. Lucia...

"Si Mr. [Tony] Tuviera... Unang-una, sa Eat Bulaga! kami ni Chris nagkakilala. Saka si Mr. Tuviera, sobrang bait sa akin ever since.

“So, lahat sila talaga may katuturan sa buhay namin, hindi basta lang kinuha for the sake na kinuha lang namin.”



ENTOURAGE. Sinu-sino naman ang bubuo ng entourage?

Lahad ni Sherilyn, “Meron kasi kaming tinatawag na BBF, yung Brady Bunch Family.

“So, eto sina… ang showbiz dito, si Carlene [Aguilar] at saka si Angelu [de Leon]. Siyempre, kasama dito yung mga husbands nila.

"Tapos, everyone else, may gay friends kami.

“Yung iba, couple. May couple rin na iba na batchmate rin ni Chris hanggang sa naging close sa amin.

“Actually, brother yun ni Sophie Albert, yung sa Artista Academy. Very close kami doon.

“Tapos, sisters ko, best friend ko since grade five.

“Then si Lara Morena… kasi si Lara, hindi man kami magkita, mag-best friend kami niyan hanggang hukay. Alam mo yung ganong relationship?

“Tapos yung best friend ni Chris since childhood.

“Yung secondary sponsors… si Lani Mercado.

“Kasi sobrang close ako kay Ate Candy [palayaw ni Lani] na na-maintain namin yung friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa dami kong friends, hindi naman lahat part ng entourage dahil mahal!” sabay halakhak niya.

“Yung iba," patuloy ni Sherilyn, "naging readers ko, like si Farah Florer, reader ko. Lahat ng anak ko, ninang siya, lahat ng anak niya, ninang ako.

“Si Tess Bomb, si Kuya Dick [Roderick Paulate], Yayo Aguila, Francine [Prieto]...”



MARRIAGE PROPOSAL. Paano at saan ginawa ang proposal ni Chris kay Sherilyn?

Nag-isip sandali si Sherilyn at saka nakangiting nagpahayag ng: “Alam mo, tinweet lang niya ako.

“Hindi ko nga maalala, e. Nakakatawa talaga!’’

Ilang months ago na noong nag-propose si Chris sa kanya?

“Ano… siguro may ten months ago na. Parang ang tinanong niya, e, ‘Would you…?’

“Parang, ‘It would be an honor for me to marry you…’ parang ganoon, something like that.

“Siyempre, nagulat din lang ako, e. Kasi yung annulment niya, ang tagal lumabas.

“Kasi yung girl [ex-wife of Chris] hindi naman nag-participate. Parang, ‘Wala pa ba? Wala pa ba?’

“So, I stopped asking na rin kasi parang ang tagal.

"Kung lalabas, e, di lalabas… kung hindi, e, di hindi.

“So, siyempre, nandun yung hope na sana lumabas, kasi eto na yung pinakahihintay namin.

“Kasi, parang ito na yung tuldok, eto na yung magsi-seal talaga.

“So, ayun. Happy naman ako.

“Hindi ko na ini-expect… Ayun nga, kung kailan ko naman hindi tinanong saka naman dumating, tapos siya pa ang nag-asikaso.”



MORE GUESTS. Patuloy pang pagbibigay ng detalye ni Sherilyn sa iba pang iimbitahang guests...

“Even yung nag-handle ng case namin, ha, inimbita ko sila pareho. Yung nag-handle ng case ko at ni Chris.

“Tapos yung yung magkakasal sa amin ni Chris, judge siya sa National Affiliate.

“Siya yung naglabas ng final decision doon sa annulment namin pareho.

“Ang galing nga, e—sobrang galing—Canon lawyer.”

Gaano ba kasaya si Sherilyn?

“Masaya siyempre! Kasi finally…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinanong nga niya ako, e, ’Bakit mo ako pakakasalan?’

"Sagot ko, ‘Bakit hindi? Kasi gusto ko, hindi dahil kailangan ko.’

“Di ba? Puwede namang hindi magpakasal?

"Pero gusto ko ito, e—ito na ang pinakahihintay ko.”



MORE IN LOVE. Bakit sa loob ng eleven years, hindi nagbago ang relasyon nila ni Chris na parang pa ring bagong kasal?

“I think it’s because dahil pareho kami ng priority at naka-stick kami doon sa role naming mag-asawa.

“Kasi si Chris… okay… nandiyan yung mga anak namin, pero lagi niyang sinasabi na hindi dapat priority ang mga anak.

“Dapat kaming mag-asawa ang priority namin sa isa’t isa.

“Kasi ‘etong mga anak, lalaki, magkakaroon ng sari-sariling pamilya, tapos matitira kaming dalawa.

“E, kung napabayaan namin yung isa’t isa, by then, magpapakilala kami uli sa isa’t isa.

“So, parang yun ang rule namin na, okay, marami tayong family time, mahal natin ang mga anak natin. Pero meron talaga kaming time together palagi.

“Saka kung paano talaga niya rin akong i-prioritize? Kakaiba din ba talaga.”

Balitang parang palagi raw siyang nililigawan at pinaliliguan ng mga mamahaling regalo ni Chris?

“Oo, sobrang… Sabi ko nga, naku, huwag lang siyang magbabago talaga. Kaya ang bait ko rin naman sa kanya.

“Well, ako lagi kong sinasabi… siya sinasabi niya na, ‘Hon, sa tingin mo ba magbabago pa ako? Eleven years na tayo.’

“Sabi ko, ‘Hoy, eleven years pa lang tayo!’ E, di ba?

“For other people, for other couples na ang tagal nang magkasama, sasabihin nila, ‘Eleven years pa lang kayo.’

“Pero for us, like specially for him, eleven years na tayo.

“Kasi kung tutuusin, ako yung pinakamatagal niyang relationship at vice versa.

“Ang sarap rin lang din… pero talaga, hindi nagbago—hindi talaga nagbago.”



BUSINESS-MINDED. Ang alam namin, nag-aartista si Sherilyn at si Chris ay mayroong sariling negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo… pero may oil business sila,” pagkumpirma ng aktres.

“Tapos, at the same time, nagpu-provide siya ng imports for the PBA.

“Tapos, meron kaming 1217 Productions—ayun, nag-i-events kami… maabilidad kami pareho, e.

“Kung wala ako sa showbiz, meron kaming ibang mga sidelines diyan na pinagkakaabalahan.”

Nagbebenta pa rin ng mga branded at signature bags si Sherilyn.

“At saka yung market ko, international na. Wala nang masyado dito…

“Bale, ang nangyari kasi, may na-meet ako na friend ng… kasi, di ba nag-i-events kami?

“Before, nag-events kami sa Bangkok for BlackBerry.

“Isa doon sa agency na kinuha namin doon, may friend siya na mahilig ring mamili ng bags and at the same time re-seller din.

“So, doon nag-start, bumibili siya sa akin,” kuwento ni Sherilyn.

Ibinalita rin ni Sherilyn na nagpapatayo na silang mag-asawa ng sarili nilang bahay.

"Di ba, from Wack Wack, lumipat na kami sa may San Juan? So, four years na kami dyan.

“Tapos, finally, kasi hindi na rin kami bata, we decided na talagang magpundar na ng something not only for us but for our children… sa West Avenue.

“Yung friend kasi naming developer, may in-offer sa amin.

"It’s actually, very cheap for the price—naglakas-loob kaming kunin.”



SHOWBIZ CAREER. Sa ngayon ang regular series ni Sherilyn sa GMA-7 ay ang Aso Ni San Roque.

Kuwento ni Sherilyn kung paano niya tinanggap ang sinasabing series, "After noong Daddy Dearest, ayaw nang patanggap ni Chris kasi sunud-sunod.

“Sabi, ‘Ay naku, wala nang ganoon. Hindi na puwede yung ganoon. Hindi na puwedeng magpahinga. Pag may in-offer ulit, dapat tanggapin.’

“Kasi gusto niya, twice a year lang ako magso-soap.

"Sabi ko, hindi puwede kasi nag-iba na yung priority, e.

“Mas dumami yung priority, mas seryoso.

“So, sabi ko, hindi na puwede yung ganoon. Pag may offer, tanggap kaagad.

“Kasi, like siya, ang office lang naman niya… basta may computer siya… e. Ngayon, iPhone na lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta nasa kanya, kahit nasaan siya, nakakapag-rabaho siya… kahit kasama ko siya sa taping.

“So, di ba? Hindi pa rin nasa-sacrifice yung time namin together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN