Gerald Santos on playing lead in San Pedro Calungsod, The Musical: “Kailangan clean living muna ngayon. Baka tayo’y mabaril ng simbahan.”

Bukod sa hosting, handa na ring sumabak sa paggawa ng indie film si Gerald Santos. Kung may temang sexy at daring, sabi niya: “Siguro right now, topless-topless lang muna. Naka- shorts...mga ganun lang po muna. Medyo limit muna dun. Unti-unti para hindi maubusan ng bala, kumbaga.”


May bagong larangang papasukin ang Pinoy Pop Superstar Season 2 winner na si Gerald Santos, at ito ay ang hosting.

Siya ang magiging bagong host ng Season 2 ng Only In Pinas, isang travel show sa Studio 23.

Ang isa sa mga host ng Umagang Kay Ganda na si Andrei Felix ang nag-host ng unang season ng Only In Pinas.

Personal choice si Gerald ng producer ng show na si Kuya E, o Neo de Padua, na siya ring producer ng kanyang latest album na Gerald Santos: The Prince of Ballad.

Si Kuya E rin ang kumuha kay Gerald para mag-host ng Kuya E’s Millionaire’s Club 2012 na ginanap sa Manila Hotel kamakailan.

Sa event na ito nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald.

“First time ko po, it’s a travel show. So, talagang makikita na nila yung different side na ni Gerald," excited na kuwento ng 21-year-old singer tungkol sa nalalapit niyang pagho-host ng Only In Pinas.

“Na kumbaga hindi na yung dating singer lang—masyadong formal, masyadong seryoso.

“Ngayon talaga, makikita na rin nila yung fun side ko and mas mature na dapat right now. So, abangan po nila ‘yan.

“Ipapalabas po ngayong either December or January next year,” kuwento pa ni Gerald.


A DIFFERENT KIND OF TRAVEL SHOW. Ano ang kaibahan ng Only In Pinas sa ibang travel shows?

“It’s like mga weekend getaway, pero of course medyo iibahin namin dahil ako, kumbaga, may touch pa rin ng pagka-singer.

“May mga trivia kami about... Kunwari sa lugar na iyon, merong singer dun, may sikat na kanta dun. Magbibigay kami ng mga ilang mga trivia.

“Hindi lang siya yung usual na yung lugar lang talaga yung sino-showcase, but also, yung mga kultura din sa music noong lugar.

“Biyahe nang biyahe, pero siyempre at the same time, may challenge pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil talagang sobrang maiiba, dahil iyon nga, may ipagagawa sila sa akin na hindi ko usually ginagawa.

“Yung siyempre, pag ang feature nila sa beach, kailangan kong mag-dive doon, yung mga ganoon.

“Yung mga native na pagkain nila na ipapakain nila sa akin, yung mga ganoon.

“May halong Extra Challenge,” ang natatawang sabi pa ni Gerald.

“So, very exciting. So, abangan nila ‘yan, yung very young na version ng mga travel shows, ang Only In Pinas.”


CHALLENGES. Nabanggit niya na titikim siya ng pagkaing native sa lugar na kanyang pupuntahan, ano naman ang hindi niya kayang kainin?

“Ipis,” ang tawa nang tawang sagot ni Gerald.

“Baka maging Fear Factor na ito!”

Pagdating naman sa mga ipagagawa sa kanya—extreme sports man o kahit na anong activity—handa raw siya.

Kahit na mag-skydive pa raw siya mula sa isang eroplano, gagawin niya.

“Kakayanin, of course, for the show. Para sa ikagaganda.”

Kaya rin ba niya ang bungee jumping?

“Yes, gusto kong ma-try ‘yan matagal na. Hindi ko pa nata-try," tugon agad ni Gerald.

“Actually may pagka-athletic din naman po ako. I go to the gym.

“So, kumbaga, sa mga physical activities, hindi naman po ako nagkukulang.

"So, pag may pinagawa sa aking ganun kaya po ‘yan. Kakayanin. Mind over matter lang ‘yan," paniniguro ni Gerald.

HOSTING PREPARATIONS. Ano naman ang mga paghahanda niya sa hosting?

“Actually, nung panahon ng PO5 at SOP, naghu-hosting-hosting na din naman kami. Pero by group, yung may babasahin ka per segment.

“So, ito, right now, first time ko ring mag-host dito sa Kuya E’s Millionaire’s Club 2012. So, iyon talagang sinasabak na ako. First time, isa na rin ito sa mga praktis ko,” tukoy pa niya sa hinu-host na event.

Hindi na rin daw kanya bago ang pagho-host dahil sa concerts niya, napa-practice niya ang kanyang hosting skills sa pamamagitan ng pag-i-spiels sa pagitan ng mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre ngayon, mas side ng fun. Fun talaga dapat yung makita nila.”

Pagdating naman sa mga iniidolong hosts, sina Ryan Seacrest, Drew Arellano, at Paolo Bediones ang mga pangalan kanyang binanggit.

WHAT HE CAN SHOWCASE. Ano ang unang lugar na gusto niyang puntahan for the show?

“Siguro Palawan. Talaga namang kitang-kita natin na talagang sikat na sikat ang Palawan po ngayon.

“Nandun yung Underground River. Gusto ko ring makapunta dun.

“Gusto kong ma-feature iyon at mas ma-showcase pa yung kagandahan ng Palawan.”

Kapag beach ang feature sa show niya, maghuhubad siya?

“Okey lang po. Of course, kung nasa beach, okey lang kung topless lang naman po, walang problema.”

Pagsu-showcase na rin lang ang pinag-uusapan, kaya rin ba niyang i-showcase ang kanyang katawan kung may offer sa kanyang gumawa ng isang sexy indie film?

“Kaya naman po, pero right now, may limitations of course.

“Siguro right now, topless-topless lang muna. Ganun. Naka-shorts... Mga ganun lang po muna.”

Handa rin ba siya sa love scenes?

“Okey lang po. I’m old enough na naman po, e. Para gawin yung mga ganun.”

Pero hindi raw niya kayang magpakita ng kahubdan na suot lang ay ang kanyang underwear.

“Siguro iyon, medyo limit muna dun. Unti-unti para hindi maubusan ng bala, kumbaga.”

SAN PEDRO CALUNGSOD, THE MUSICAL. May dahilan naman kasi talagang mag-ingat pagdating sa pagpapa-sexy si Gerald.

Siya kasi ang bida sa San Pedro Calungsod, The Musical.

“Opo, kailangan clean living muna ngayon. Baka tayo’y mabaril ng simbahan,” sabay-tawa muli ng binatang singer.

Nagpapasalamat at pakiramdam ni Gerald ay sobrang pinagpala siya dahil siya ang gaganap na bida sa musical tungkol sa ikalawang Pilipinong santo.

“Pero at the same time pressure din sa akin... Na talagang magampanan ko ng magandang-maganda ang buhay ng ating saint na si San Pedro Calungsod po," saad ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And talaga naman pong ginagawa naming lahat, para talagang maka-deliver sa mga tao.

“Napakaganda po nitong inihahanda namin.

“Napakaganda ng music, ng libretto, yung choreography, yung production...napakaganda po! It’s broadway style po," pagmamalaki ni Gerald.

Eksaktong kinuha ba talaga sa buhay ng San Pedro Calulngsod ang gagawin ni Gerald sa musical?

“Opo, ganun po. Pero basically yung summarized na version na ng life niya.

“Yung basically, yung sinakripisyo niya yung teenage life niya for God. Para maipalaganap yung salita ng Diyos.

“Hanggang dumating yung punto na pinagdudahan pa sila doon sa kanilang kabutihang ginagawa, na dumating sa punto na nakitil ang kanyang buhay.

“Talagang binigyan po ako ng mga komiks, ng mga biography niya... binasa ko and talagang based talaga sa mga nangyari ito.

“Sa November 17 and 29 po ito sa PETA Theatre sa New Manila.

“Si Joey Nombres po ang director, music by Eugene Belbis and written by Luigi Nacario.

“It’s an English play at lahat ng songs ay bago. Broadway style.

“Itu-tour din po namin ito sa iba’t ibang lugar.”

Bukod pa rito ay may back-to-back concert din siya kasama si Nina, ang The Asia’s Diamond Soul Siren and the Prince of Ballad, na gaganapin sa Metro Concert Bar sa November 23.


THE PRINCE OF BALLAD. Kinumusta naman ng PEP ang benta ng album niya na Gerald Santos: The Prince of Ballad na ini-release ng independent label na PRINSTAR Music Philippines nung nakaraang buwan.

“Doing good po siya!” pagmamalaki ni Gerald.

“Very thankful po ako dahil napakaganda po ng mga feedbacks pag naririnig yung songs and maganda po yung sales daw.

“And nagpe-play na rin kasi siya sa radio, so, naririnig na ng mga kababayan natin.

“And nakaka-inspire pa tayo dun sa carrier single ko na ’Maghintay Ka Lamang.’

“Kaya siguro nagbubunga po iyon, kaya bumebenta po yung album.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN