Angelica Panganiban answers questions about her breakup with Derek Ramsay on Twitter

Angelica Panganiban posted this on her personal Twitter account after answering personal questions from her followers: “Pupusta ko ang nakalagay sa headline sakin "angelica,d maka move on" or "angelica, bitter" naks! #sanabukas haha!”


Diretsong sinagot ni Angelica Panganiban ang mga tanong ng kanyang Twitter followers tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si Derek Ramsay ngayong araw, November 13.

Binuksan ng Kapamilya star ang Q&A sa kanyang Twitter followers nang may nagbanggit na may isa na namang blind item tungkol sa kanya at sa boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

“Pwede nyo itanong sakin kahit ano.. Sasagutin ko. :) pagod na pagod na kong manahimik!!!! Game :),” paanyaya ni Angelica sa kanyang personal Twitter account, na may mahigit two million followers na.

Biro pa ng aktres, “Mag papa schedule sana ko ng interview kay tito boy [Boy Abunda]. Kaso nilalagnat ako. At baka busy sya. So kayo na lang mag interview sakin.”

Maya-maya pa ay sunud-sunod na niyang nire-retweet ang mga tanong ng kanyang followers kasama ang kanyang sagot.

Karamihan sa tanong ay tungkol sa paghihiwalay nila ni Derek Ramsay, na naging boyfriend niya sa loob ng anim na taon.

Ito ang ilan sa mga sagot ni Angelica sa mga tanong ng kanyang followers:

@KaylaCuenca: @IamAngelicaP hmm..real reason why you & Derek had to part ways?

Angelica: "Napagod na ko magtiis."

@itsmeaien: @iamangelicap third party po ba kung bakit kayo nag break ni derek?

Angelica: “6th party"

@IamHAZELQ: @IamAngelicaP I heard sa friend ko na your X often have girls on the side while kayo pa,is that true?

Angelica: “Huh? talaga? #stupidme"

@megmarc: @IamAngelicaP Ano ang pagkukulang mo sa relationship mo noon with Derek?

Angelica: “Respeto sa sarili."

@jowvee: @IamAngelicaP ayaw daw ni Derek sa mga friends mong gays kaya kayo di nagkasundo?

Angelica: "Yup."

@joshcobico: @IamAngelicaP paano ka napagod sa kanya? ikaw ang nakipag break?

Angelica: "Yup"

@pepperpumba: @IamAngelicaP is it real that Derek is treating you like alalay, taga prepare of all his stuff.

Angelica: "Ok naman yun dati."



ON MARRIAGE ISSUE ABOUT DEREK. Bukod sa mga ito, natanong din si Angelica sa dating isyu na lumabas tungkol sa pagiging kasal na diumano ni Derek bago pa sila naging magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una ay ayaw sumagot ni Angelica at nagsabi na sa Linggo na lamang niya sasagutin ito sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

@qwen825: @IamAngelicaP did u know from d start of ur relationship w/ derek dats he’s already married?

Angelica: “Save natin yan sa sunday!"

@ishylyshy: @IamAngelicaP Nagkaroon ba ng ibang girls si Derek Ramsey while you were together?

Angelica: “Sa sunday na din yan!"

@ShowbizAddict: @IamAngelicaP Totoo bang kasal na si Derek at yun ang dahilan ng hiwalayan nyo?

Angelica: “Pang the buzz to. sa sunday na yan!"

Sa mga sumunod na tanong tungkol dito, maiksi ang naging sagot ni Angelica.

@imXavierR: @IamAngelicaP db may ex wife sya.. Naging issue ba talaga yun sa nyo?

Angelica: "Ex?"

@jaccruz19: @IamAngelica if ipa annul ni derek ung kasal nya and mkipag balikan sau, bibigyan mo ba ng chance?”

Angelica: “Haha! hindi :)"

Nabanggit din ni Angel na wala siyang alam tungkol sa paglipat ni Derek mula sa ABS-CBN patungong TV5.

@usaKATHNIEL: Pangit po ba ang pagka break up niyo ni Derek kaya lumipat siya sa ibang channel?

Angelica: “Nagulat na lang ako nasa 5 na sya."

Simula ng kanilang paghihiwalay, sabi ni Angelica, wala na siyang komunikasyon sa dating boyfriend.

@MitchLovesBGSM: @IamAngelicaP kumusta ang relationship with Derek nag usap na ba kayo after break up?

Angelica: “Never."

@nasifmulok: @IamAngelica may communication pa rin ba kayo ngayon ni derek?

Angelica: "Wala :) ayoko."



ON JOHN LLOYD CRUZ AND SHAINA MAGDAYAO. Ilang mga katanungan naman kay Angelica ay patungkol sa boyfriend niyang si John Lloyd Cruz at sa dating girlfriend ng aktor na si Shaina Magdayao.


@kayerlet: @IamAngelicaP si JL ba rason bat nag break kau ni derek?”

Angelica: “Malayo."

Sa tanong kung gaano na sila katagal ni John Lloyd, na makakapareha rin niya sa pelikulang 24/7 In Love, naging mapagbiro si Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@love_henabelle: @IamAngelicaP Gano na kau ka tagal ni JL? ^^”

Angelica: “11 years na."

Pinabulaanan naman ni Angelica ang blind item na nagkaroon daw ng pagkakataon na nagkita sila ni Shaina at humantong ito sa gulo.

@ima_rockin_moma: @IamAngelicaP nabasa ko nga yung blind item, nag pang abot daw kau ni Shaina.

Angelica: “Never. desenteng tao si shaina."

Matatandaan na sa naunang panayam kay Angelica, sinabi niya na hindi pa sila nagkikita ng dating girlfriend ni John Lloyd.

Sabi pa niya, “Hindi kami nagkikita. Hindi naman kami nakukulong sa isang kuwarto para magyakapan. Wala namang ganun.”

(CLICK HERE to read related article.)

Pagkatapos ng Q&A niya sa kanyang Twitter followers, inaasahan daw ni Angelica na magiging laman na naman siya ng balita.

Aniya, “Pupusta ko ang nakalagay sa headline sakin "angelica,d maka move on" or "angelica, bitter" naks! #sanabukas haha!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN