Barbie Forteza reveals being a victim of bullying: “Naging matapang na lang ako. Mga salita lang naman iyon, e.”

Masaya si Barbie Forteza sa bago niyang project na Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa kung saan katambal niyang muli si Derrick Monasterio. Aniya, “Nagpapasalamat ako sa lahat dahil tanggap na nila si Derrick bilang partner ko. After Luna Blanca ay nakita na nila ang chemistry naming dalawa.”


Maganda ang rating ng pilot week ng fantaserye ng GMA-7 na Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, na pinagbibidahan ng bagong loveteam ng Kapuso tween queen na si Barbie Forteza at ni Derrick Monasterio.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Barbie sa GMA Annex Building, nagpasalamat ang teen actress sa mga sumusuporta sa kanilang palabas.

Sabi niya, “Very thankful po ako sa mga sumusuporta sa show namin na Paroa.

"Alam ko na malaking pagsubok ulit ito para sa akin dahil bukod sa iba ang role, hindi ulit si Joshua [Dionsio] ang partner ko."

Patunay lang daw ito na kahit iba na ang nakakatambal niya, tinatangkilik pa rin siya ng kanyang mga fans.

“Nagpapasalamat ako sa lahat dahil tanggap na nila si Derrick [Monasterio] bilang partner ko.

“After Luna Blanca ay nakita na nila ang chemistry naming dalawa.

“Kaya thank you talaga at sana ay tuluy-tuloy ang magandang ratings na nakukuha namin.”



BULLY VICTIM. Ipinapakita sa kuwento ng Paroa ang tungkol sa pambu-bully.

Nakaka-relate nga raw si Barbie sa role niya rito bilang Mariposa.

Naranasan na raw niyang umiyak at umiwas sa ilang kaedad niya dahil sa mga hindi magagandang sinasabi sa kanya noong lumalabas na siya sa TV.

Sa school daw nila ay may ilang mga bata na masama ang tingin sa kanya at pinariringgan pa siya na hindi naman siya maganda.

“Siyempre, nasaktan ako sa mga sinasabi nila,” sabi ni Barbie.

“Hindi naman po ako perfect na tao. Alam ko na mapisngi ako talaga.

“Hanggang ngayon, talagang bilugan talaga ang mukha ko.

“Pero hindi naman iyon rason para laitin nila ako, di ba? Kasi, wala naman akong ginagawang masama sa kanila.”

Kaya nakatungo lang daw parati si Barbie at mabilis ang lakad dahil maiiyak lang daw siya.

“Naging matapang na lang ako. Mga salita lang naman iyon, e. Kaya ko na siyang tanggapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag lang ma-involve ang parents ko kasi baka magkaroon pa ng mas malaking problema.

“Umiiwas na lang ako sa mga taong iyon.

"May mga kaibigan naman ako sa school na happy para sa akin.

“Sila na ang nagsasabi na huwag ko nang pansinin kasi wala naman akong ginagawang masama.

“Usually naman, yung mga nangbu-bully ay mas matatanda kesa sa akin. Yung kakayan-kayanin ka nila."

Hindi raw ito isinumbong ni Barbie sa mga magulang niya dahil alam niyang mas lalaki pa ang problema kapag nagsumbong siya.

Kuwento pa niya, “Pero wala silang narinig sa akin. Kahit na magsumbong, hindi ko ginagawa.

“Ipinagdarasal ko na lang ang mga taong iyon na sana ay malaman nila na mali ang ginagawa nila sa ibang tao.”



TWEEN STARS. Ngayon daw ay hindi na puwedeng ma-bully si Barbie dahil kinikilala na siya bilang tween queen ng Kapuso network.

Kasabay ng pagsikat ni Barbie kaya nabuo ang "tween stars" ng GMA-7.

“Up to now naman, hindi ko ipinagmamayabang ang pagiging artista ko.

“Kailangan humble pa rin tayo para hindi masabing mayabang tayo.

“Nasa isip ko pa rin ay baguhan ako at marami pa akong kailangan patunayan.

“Hindi pa nga po sapat ang mga nagawa ko na.

“Mas marami pa akong magagawa para ipagmalaki ko balang-araw,” saad niya.

Kaya ang advice nga ni Barbie sa mga kabataan na nakakaranas ng pangbu-bully:

“Ignore na lang ninyo. Not unless sinasaktan na kayo physically, dun na siguro kailangang may makialam na adult para matulungan kayo.

“Pero kung puro pagpaparinig lang, huwag n’yo na lang patulan at ipagdasal ninyo na lang sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN