Gary Valenciano releases new album; reacts to comments about X Factor Philippines rejecting Zendee Rose Tenerefe

Si Gary Valenciano ay judge sa X Factor Philippines, na nag-reject kay Zendee Rose Tenerefe noon. Sikat na si Zendee ngayon: “Well, you know what, let’s look at that again. Let’s look at her audition piece. Because, honestly, I would have remembered… But maybe the song that she did wasn’t as impressive as what she did to get her into where she is now. Iba-ibang vehicles ‘yan, e. Ang sinakyan niya siguro sa


Dahil daw sa asawa niyang si Angeli Pangilinan-Valenciano kaya nabuo ang bagong album ni Gary Valenciano na Gary V Sings: Just For You.

Sa press launch ng nabanggit na album, na ginanap sa Patio Carlito sa Quezon City kaninang hapon, November 14, ikinuwento ni Mr. Pure Energy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng press ang tungkol sa listahan ng mga kantang gusto ni Angeli na kantahin ni Gary.

“Binanggit niya about eight years ago, she gave me a list of songs and she said, ‘You know what, Gary, if one day, you sing these songs, it will be great,’” sabi raw ni Angeli sa kanya.

Sagot naman ni Gary: “’Yeah, ok. Singing these, I can do that onstage, anytime.’”

Pero sabi raw ni Angeli, ang ideya niya ay hindi lang basta kakantahin ni Gary ang mga awitin sa listahan. Gusto raw ni Angeli na i-record ni Gary ang mga nasa listahan.

“Medyo kakaiba raw. At hindi mag-e-expect ang mga tao na magre-record ako ng ganito.

“E, nawala yung list na yun.”

Hindi nilinaw ni Gary kung siya ang nakawala o basta na lang nawala ang listahan.

“So, one time, pupunta kaming party, kasama namin si Keanna. Sabi ko kay Keanna, yung anak ko, sabi ko, ‘Magpasimple ka, ha. Tanungin mo yung mommy mo kung ano yung [mga kanta sa] listahan. Tapos pag narinig ko sa kotse, I will remember it and I will actually do something about it.’”

Habang nakikinig si Gary sa usapan nina Angeli at Keanna, tinandaan nga raw niya ang mga awiting nabanggit ni Angeli.

“That same year, Christmas, I recorded four or five of those songs and gave it to my wife, pero piano at boses lang. Walang [ibang] instrumento. Piano at boses lang.

“So, wala nang iba and I made it just for her,” kuwento pa ni Gary, na may diin sa tatlong huling salitang nabanggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga nung nag-meeting kami ng Universal Records… wala, parang creative meeting, brainstorming lang, si Angeli, gumanun bigla,” umaktong binigyan siya ni Angeli kunwari ng makahulugang tingin.

“Sabi niya, ‘Banggitin mo yung ni-record mo para sa akin.’

“So, doon ko sinabi na, ‘I don’t know. Basta, it was just for you, e.’”

Ganunpaman, ipinarinig niya ang ni-record na CD para kay Angeli at nagustuhan daw ito ng top executives ng record company.

Nagdagdag pa siya ng ibang kanta mula sa listahan ni Angeli at naglagay ng isang kantang gusto niya.

Kumuha na rin siya ng iba pang artists at nagdagdag ng mga instrumento dahil hindi na lang daw para lang kay Angeli ang album, kundi para na sa mga tagahanga niya.

Naglalaman ng sampung awitin mula sa iba’t ibang foreign artists ang Gary V Sings: Just For You.

Nilagyan nina Gary at ng mga kasama niyang musicians ng bagong areglo ang mga awitin nina:

Barry Manilow (“Somewhere Down The Road” at “As Sure As I’m Standing Here”),

Stephen Bishop (“It Might Be You”),

Judy Collins (“Send In The Clowns”),

Stevie Wonder (“Overjoyed”),

James Ingram (“Just Once”),

Kenny Rankin (“What Matters Most”),

Michael Jackson (“Someone In The Dark”),

Burton Cummings (“I Will Always Wait For You”),

at George Benson (“In Your Eyes”).

Sa November 16 na ang release ng album na may dalawang magkahiwalay na launching pa.

Magaganap ang unang launching concert sa Venice Piazza McKinley Hill, Taguig City, sa mismong araw ng release; kinabukasan, November 17, sa Eastwood City Mall, Quezon City.

CONCERT KING VS. MR. PURE ENERGY… AGAIN? Kamakailan ay naringgan ang co-X Factor Philippines judge at kaibigan ni Gary na si Martin Nievera.

Muli bang magkakaroon ng rivalry ang “Concert King” at si “Mr. Pure Energy” dahil dito?

Napatawa muna si Gary bago sumagot, “You know, Martin and I have a very deep understanding that the names that have been given to us are specifically meant for us to have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung Mr. Pure Energy ang tawag sa akin, I’m fine with that. Kung Concert King ang tawag sa kanya, okey din ako dun.

“Martin also released an album called 3-D. That’s to celebrate his thirty years [in show business].

"Ganda ng album niya, ang ganda. I know it’s not my album but you should get a copy of his as well.

“I think siguro yung level namin, kung nandito na kami noon…” Itinapat ni Gary ang dalawang kamay ka-level ng kanyang mga mata.

“Because of the albums that we’re coming up, we’re here…” Sabay na itinaas na ni Gary ang dalawang kamay sa itaas ng ulo, ngunit magkatapat pa rin ito.

Pahiwatig na pareho silang tumataas ng level ni Martin.

“Pero ganun pa rin. Concert King pa rin siya, at Mr. Pure Energy pa rin [ako].

“Mas nakaka-pressure lang sa akin. Dahil sa edad ko, ‘tapos Mr. Pure Energy. So, pure energy ang ine-expect ng tao,” nakangiting saad pa ni Gary.



REJECTING ZENDEE. Tinanong naman ng PEP si Gary tungkol sa mga nagkokomento na hindi magandang ni-reject nila dati sa X Factor ang sumisikat na ngayong singer na si Zendee Rose Tenerefe.

Matapos kasing makakuha ng maraming views sa YouTube ang video ng pag-awit ni Zendee sa isang videoke-display store sa isang mall (CLICK HERE to watch this video), bigla itong sumikat.

At nag-guest pa sa Ellen, ang talk show ng Hollywood actress/comedian turned TV host na si Ellen DeGeneres. (CLICK HERE to watch video of Zendee’s Ellen appearance.)

Kinuha na rin ng GMA-7 si Zendee bilang isa sa mga performers sa Manny Many Prizes at sa Party Pilipinas.

Reaksiyon ni Gary: “Well, you know what, let’s look at that again. Let’s look at her audition piece.

"Because, honestly, I would have remembered. I would have even added her to AKA Jam, because we were choosing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But maybe the song that she did wasn’t as impressive as what she did to get her into where she is now. Iba-ibang vehicles ‘yan, e.

“Ang sinakyan niya siguro sa X Factor e jeep.

"Pero yung sinakyan niyang bus, or whatever, yun ang talagang, you know, made her gain the popularity.

“Remember Charice was third place and look at her today… di ba? KZ [Tandingan] was first placer, and now she’s part of the [ASAP Pinoy] Champs.

“So, you know, I think it really depends on where you’re at, who you meet, if the song that you sing is eksakto.

“Maybe she came out and it was like, maybe late in the … I don’t even remember.

"Maybe she came out late in the evening and she sang a song that wasn’t really too… umph.

“But I’m very happy for her. Because I think it stresses the point na X Factor, which we said from the very start, X Factor is just a stepping stone. It’s a stepping stone.

“So, even after X Factor, even if you don’t make it, you could still become more popular than even the winner.

“So, in the same way, I think with her, she’s gaining so much, I don’t think…

“I’ll take whatever criticism there are, but I would love for people, the same critics, to sit down with me and watch and then compare her with all the others who also auditioned on that particular time.

"And tell me straightforward, you know, is she, was she deserving to go through?

“Because kami ni Charice and Martin and Tita Pilita, we were really having a hard time choosing.

"Especially, among the girls, dahil sila ang pinakamarami at pinakamagagaling talaga. Ang dami talaga nila, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang, ‘Wait, wait, wait.’ As in were arguing already at some point.

“‘No this person has...’ ‘No, but she’s good, e,’ ‘No, but she kept…’ ‘C’mon, but if that’s what she’s going to do, where is the real her? I wanna hear…’ Yung mga ganun-gano’n na,” pagbibigay pa ni Gary ng halimbawa ng mga pagtatalo nila sa X Factor.

Sa pagkilalang tinatamasa naman ngayon ni Zendee, nawika ni Gary, “So with regard to that, you know, I think she just…the vehicle that she chose was the right vehicle and I’m truly happy for her.

“As a matter of fact, I wanna see more of her. ‘Cause she will be used as my example, to say ‘Listen, X Factor is one…one vehicle, but there are many, many opportunities.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN