Eddie Garcia on Bwakaw’s Oscar chances: "Kapag nasali dun sa lima, malaking honor na yun."

Ayon sa veteran actor-director na si Eddie Garcia, dadaan muna sa butas ng karayom ang pelikula niyang Bwakaw bago ito mapasali sa limang nominees para sa Best Foreign Language category ng Oscar Awards ng 2013. Pero kung sakaling mapili ang kanilang pelikula ay pupunta raw siya sa awards night.


Hindi na matatawaran ang achievements na nakamit ng indie film na Bwakaw.

Bukod sa ito ang official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language category ng Academy Awards—o mas kilala sa tawag na Oscars—ay nakapasok din ang Bwakaw sa listahan ng TIME Magazine ng “10 must-watch films” sa nakaraang New York Film Festival.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kasiyahan ang lead star ng Bwakaw na si Eddie Garcia, sa panayam sa kanya ng Ang Latest: Update, na ipinalabas noong Martes, November 13.

Ayon sa veteran actor-director, “Mabuti naman nagustuhan sa New York yung Bwakaw. Thank you very much kung sino man ang sumulat nun.”

Ito ang isinulat ni Lily Rothman ng TIME Magazine tungkol sa Bwakaw na idinirek ni Jun Lana:

“This film, from the Philippines, stars Eddie Garcia, winner of a lifetime achievement award from the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences. It’s a dramedy in Tagalog about a man and his dog living in a small town; Bwakaw is the name of the dog but the canine actor is called Princess. The main character came out of the closet as an elderly man and is resigned to being alone for the rest of his life—until something (no spoilers!) convinces him to change that fate.”

Pero kahit daw maraming mga papuri at magagandang reviews ang naiulat na tungkol sa Bwakaw, aminado si Eddie na dadaan ang kanilang pelikula sa butas ng karayom para mapasama sa finalists ng Best Foreign Language Film category sa Oscars 2013.

Sabi pa ni Eddie, “Ang Bwakaw na ’pinadala ng Pilipinas para maging entry sa Best Foreign Language [Film]. Pagpipilian pa ‘yan.

“Napakaraming bansa ang nagpadala ng entries, pipili ka ngayon ng limang finalists out of so many.

“Kapag nasali dun sa lima, malaking honor na yun.

“Kapag napili sa best five, pupunta ako [sa awards night].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Bwakaw ay nag-premiere sa Cinemalaya Independent Film Festival ng 2012.

Nanalo si Eddie bilang Best Actor sa Directors’ Showcase category para sa pagganap niya sa pelikula.



NO STEM CELL FOR MANOY. Usung-uso na ngayon sa showbiz ang pagsailalim sa stem cell therapy ng mga celebrities na medyo nagkaka-edad at may karamdaman. Balita kasing nakakaganda raw ito sa kalusugan.

Kung sakali kaya ay susubukan din ni Manoy Eddie ang stem cell therapy?

Natawa muna ang 83-year-old actor, sabay sabing, “Takot pa ako, takot pa ako diyan!

“Siguro kung kailangan ko nang mamatay, yung natural lang, huwag ko nang dugtungan ng stem cell ang buhay ko.

“Kung oras mo, oras mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN