Sharon Cuneta takes a look back at the biggest "tsismis" in her showbiz career: separation from Gabby, sex-tape scandal with Goma, shabu issue

"Sabihin n’yo na po lahat ng gusto ninyong sabihin sa akin, pero huwag na huwag na huwag si KC, huwag si Frankie, huwag si Miel, huwag si Miguel, kasi ipagpapatayan ko talaga," muling pahayag ni Sharon Cuneta tungkol sa naging pagpatol niya sa mga bashers sa Twitter.


“Tsismis” ang naging topic sa daily afternoon talk show ni Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo Kapatid, noong Lunes, November 12.

Sa huling bahagi ng show, si Sharon naman ang nagbahagi ng mga matitinding tsismis na napagdaanan nito sa kanyang showbiz career.

Ang nag-interview sa Megastar ay ang radio-TV personality na si Shalala.

Panimula ni Sharon, nasabi na sa kanya noon pa mang bata siya na ang tsismis ay “that’s part of the business.”

Minsan nga raw, may mga taong nagpapasimula ng tsismis tungkol sa sarili para lang mapag-usapan.

Sa kaso ni Sharon, obserbasyon ni Shalala, parang ang daming isyung naipukol sa kanya.

Sagot naman ng actress-TV host, “Siguro naman, sa loob ng thirty-five years sa showbiz, hindi maiiwasan.”



SHARON-GABBY SEPARATION. Binalikan muna ni Shalala ang mga "tsismis" sa unang bahagi ng career ni Sharon sa showbiz.

Una na rito ang Sharon-Gabby Concepcion separation.

Noong naghiwalay kasi sila ay sila rin ang pinakasikat na showbiz couple ng ‘80s.

At hindi talaga nagsalita ang Megastar sa media tungkol sa paghihiwalay nila ni Gabby.

Paliwanag ni Sharon, “Tahimik na tahimik ako noon, kasi sabi ko I will take the high road.

“Anuman ang mangyari, siya pa rin—kahit baliktarin natin ang mundo—ang tatay ng anak ko [KC Concepcion].

“Ang nangyari, baligtad, e. They took advantage of my silence—some people ha, some people—yung ibang press.

“Ibang associated with him [Gabby], halos araw-araw nabubugbog ako ng tsismis.

“Iba nga, e. Na ang feeling ko, nilulunok ko yun lahat, lahat ng patago…

“Kasi iyakin ako, di ba? Minsan huwag lang malalaglagan ng safety pins, iiyak na ako…

“Masyado akong sensitibong tao kasi grabe ako magmahal.

“At grabe ako magtiwala noon. Akala ko yung ibigay mo, yun din ang ibabalik sa ‘yo.

“Kaya lang, bumaligtad ang mundo ko.

“Pero, alam mo, na ang pinakamahirap na role na ginagampanan ko sa buong buhay ko bilang artista, yung magpakitang strong ako na namamatay ako sa loob.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SHARON, SHA-BU. Sunod na binalik-tanaw nina Shalala at Sharon ang tungkol sa “shabu issue” na dating ikinabit sa pangalan ng Megastar.

Ayon sa tsismis, ang shabu raw ang dahilan kung bakit ito namayat.

Ang shabu ay ang sikat na tawag sa illegal drug na methamphetamine.

Natatawang lahad ni Sharon ang simula nito: “Alam mo kung saan? Sa Pasan Ko Ang Daigdig [1987 movie directed by Lino Brocka].

“I’m almost at five-five and three-fourth and I was at 109 pounds.

“Alam mo kasi, ang nangyari noon, bagong uso ang shabu noon.

“Ngayon, nagtanong ako na—paano kumalat yun, sa’n nag-umpisa yun, paano nakunan yung picture?

“Kasi, sa totoo lang po, sa edad ko ngayon, ayoko lang din naman maisip ng mga tao na medyo prude ako, na wala man lang ano sa buhay...

“Gusto ko man mag-imbento, as God as my witness ha, na talagang…

“Kahit po marijuana, kahit anong klaseng drugs, hindi po… never akong tumikim, never ako nag-drugs.

“I have proven that nang may idinemanda ako noon.

“Remember na meron akong idinemandang publication noon? I filed it with my father [the late Pasay City Mayor Pablo Cuneta].

“At ang sinabi ko sa kanya na araw-araw i-test yung dugo ko, yung urine ko.

“At kung merong traces ng kahit anong drugs, sige, siraan niya ako.

“Kasi, di ba, ang hirap? Pero in the end, pinatawad ko rin naman.

“Kasi alam ko naman na tama na yung… nasabi na, my statement then was magdedemanda ako, na yun ang denial ko.

“Kasi nauso yung… ang nangyari pala ganito...merong mga shabu dealers yata, na parang kapag bumibili, ang sabi, ’Meron ka bang sha-ron?’ Kasi sha ang umpisa.”



SHARON-GOMA SEX-TAPE SCANDAL. Kung nauuso ang sex-video scandal sa bagong teknolohiya, nauso naman noon ang sex-tape scandal.

At naging biktima din nito si Sharon, kasama ang dati niyang nobyo at ka-loveteam na si Richard Gomez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sabi ng Megastar, “Naaalala n’yo ba yun?

“Hindi, ang nakakatawa niyan, kami ni Goma [palayaw ni Richard] ang nag-uusap noon… Kasi hindi na kami mag-boyfriend noon, e.

“Inaano namin, ‘My God, sino ang gumagawa nun?’ How dare they na ganyan.’

“Pero wala na kami, tapos inilabas nila ng ganyan.

“Merong isang magazine na nakakuha nung kopya nung tape, tapos yung negatibo.

“Hindi ko alam kung saang negatibo, or sa TV nila [kinunan].

“Nung pinlay nila, kinunan nila, pinublish nila, my God, talagang hindi namin kamukha!

“Bangs ko lang ata ang ginaya niya, pero talagang napakalayo ng mukha na sa amin.

“Hindi ko alam kung bakit ang tao talaga, pag tsismis, pag sinabi mo hinding…

“Ang sabi, ‘Uy, tingnan mo yung buwan o, kulay pink.’ ‘Ay, oo nga ano, kulay pink.’”



TWITTER BASHERS. Ang pinaka-highlight ng interview ay ang nangyaring pagsagot ni Sharon sa mga tweets noong November 2 lamang.

Matatandaang noong Sabado, November 10, ay nailathala rito sa PEP ang pagso-sorry ni Sharon sa pagpatol niya sa mga Twitter followers, na nakakasakit na umano ng damdamin niya, ni KC, at maging ng buong pamilya.

Umiiyak na despensa ni Mega, “Masakit man yung mga tinu-tweet nila, mas masakit yung nagsisi ako dahil sumagot ako...

“Parang pumatol ako, na nabigay ko yung gusto nila, I felt worse.”

(CLICK HERE to read related story.)

At sa episode ng Sharon na lumabas noong Lunes, ipinagdiinan pa rin ng Megastar na ipaglalaban niya talaga ang karapatan nila—lalo na pag ang sangkot ay ang pangalan ng kanyang mga anak at pamilya.

Humahagulhol na paliwanag ni Sharon, “Tsaka higit sa lahat, pasensiya na kayo, kasi alam ko kapag artista… Di ba, may expectations sa artista?

“Alam n’yo siguro, sabihin na natin na wala ako sa sarili ko, nakalimutan ko po na ako’y tinatawag ninyong Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, first and foremost, isa po akong ina, isa po akong asawa, isa po akong anak.

“Ako, sabihin n’yo na po lahat ng gusto ninyong sabihin sa akin—pero huwag na huwag na huwag si KC, huwag si Frankie, huwag si Miel, huwag si Miguel, kasi ipagpapatayan ko talaga.

“Lahat ng ina, gagawin yun para sa mga anak.

“Pero talaga po, pagpasensiyahan n’yo na ako, ayaw na ayaw ko na pong maulit yung ginawa ko—nagpaapekto po ako sa mga tweets na ‘yan.

“Ang pagkakamali ko, mahal ko masyado ang mga anak ko.

“Siguro nga, yun ang kasalanan ko—mahal na mahal ko ang mga anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN