Gabby Eigenmann on Asian Television Awards nomination: "Win or not, I am honored, thankful...whatever happens."

Lubos-lubos ang kasiyahang nadarama ni Gabby Eigenmann sa nominasyong nakuha niya sa 17th Asian Television Awards. Kabilang si Gabby sa mga nominado sa kategoryang Best Supporting Actor para sa pagganap niya sa GMA-7 primetime series na Munting Heredera.


Isang advance Christmas gift ang natanggap ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann ilang linggo bago ang Kapaskuhan.

Ito ay ang nakuha niyang nominasyon bilang Best Supporting Actor sa 17th Asian Television Awards para sa pagganap niya sa GMA-7 primetime series na Munting Heredera.

Makakalaban ni Gabby sa kategoryang ito ang iba pang Asian actors: Chen Han Wei (A Song To Remember / Singapore), Devarajan Varadarajan (Point of Entry Season 2 / Singapore)...

Frederick Lee (The Descendant / Malaysia), Lucas Luo (Man • Boy / Taiwan), Tsai Chen-Nan (Garden of Life / Taiwan), Tay Ping Hui (Unriddle II / Singapore), at ang kapwa Pilipino na si Arthur Acuña (The Kitchen Musical).

(CLICK HERE to read related story.)

Ang role ni Gabby bilang ang kontrabidang si Desmond sa Munting Heredera ang nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang acting award—Best Supporting Actor sa Golden Screen TV Awards last year.

A TRUE EIGENMANN. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa pamamagitan ng text messaging kahapon, November 14.

Ano ang naging reaksiyon ni Gabby nang malaman niyang nominado siya sa Asian TV Awards?

Kuwento ng aktor, “Siyempre, nagulat ako.

“Sa Twitter ko lang nalaman ‘no… Paggising ko, yun agad ang nabasa ko.

“Sa sobrang gulat at tuwa ko, muntik nang sumakit ang ulo ko sa naging bilis ng pagbangon ko!

“Sobrang happy ’kong talaga.”

Bilang isang Eigenmann, nagpahayag si Gabby noon na isa sa pangarap niya ay ang makatanggap ng award at ma-recognize ang kakayahan sa pag-arte.

Kilala kasi ang mga Eigenmann bilang pamilya ng mahuhusay na artista.

Kabilang na rito ang grandparents ni Gabby na sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa; ang ama niyang si Mark Gil; ang tito at tita niyang sina Michael de Mesa at Cherie Gil; mga kapatid na sina Sid Lucero at Andi Eigenmann; at ang mga pinsang sina Ryan at Geoff Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila ngayon ay nangyayari na ang matagal nang inaasam ni Gabby dahil sa mga recognition na natatanggap niya.

Sabi ng Kapuso actor hinggil dito, “I’m overwhelmed kasi lahat ng pagod at hirap ko sa Munting Heredera, nag-pay off nang sobra.

“I was just doing my job as an actor, and now this recognition.

“I am so thankful to God because of all the blessings He has given me.

“This is a God-given talent and I’m glad that I was able to showcase it and entertain people with it.”

Dugtong pa niya, “I’m also happy that GMA trusted and believed in me. I’m very thankful.

“Loyalty, patience are rewarded even if you don’t expect it.”

Ang awarding ceremonies ng 17th Asian Television Awards ay gaganapin sa Shangri-La Hotel sa Singapore on December 6.

Tila buo na ang plano ni Gabby na dadalo siya sa awards night.

“Yes, pupunta ako, kami nila Perry [Lansigan, Gabby’s manager].

“It’s an experience to be representing GMA, my home network, and the Philippines, my country. Please pray for me.

“Win or not, I am honored, thankful... whatever happens.”

Bukod sa nominasyong nakuha ni Gabby ay mayroon pang 12 nominations ang Pilipinas sa Asian Television Awards this year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN