BB Gandanghari on working with Nora Aunor: “Talagang isa sa memorable na araw ng pag-aartista ko ang nakasama ko siya.”

Nakatrabaho ni BB Gandanghari si Ms. Nora Aunor sa fantaserye ng TV5 na Enchanted Garden. Kakaibang experience ito ni BB: “Ang galing at tsaka ang bait ni Ate Guy… gusto pang magpa-autograph sa akin! Nakakaloka talaga! So ibig sabihin natutuwa siya sa akin at natutuwa sa ginagawa namin.”


Sa third week ng November ang alis papuntang New York ni BB Gandanghari.

Dahil sa biyahe niyang ito, isang gabi lang siyang mapapanood sa play na Sayaw ng Mga SENORita—November 16, 3 p.m. at 8 p.m. sa CCP Theatre.

Nasabi ng mga kasamahan niya sa play na sa rehearsal pa lang ay napakahusay na ni BB at walang believable na makakagawa noon kundi si BB lamang.

Balitang-balita na namomroblema ngayon ang buong produksiyon kung sino ang ipapalit sa kaniya.

Nakatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB sa isang restaurant sa Malate noong November 7.

Bungad ni BB, “Kailangan ko kasing umalis dahil marami akong aayusin sa Amerika.

“Hopefully, pagbalik ko, by next year, it’s either another play or film ang gagawin ko.”

Ginagampanan ni BB sa play ang interesting character na Raquel, na dating lalaki.

Nang malaon, naging ganap na babae ito matapos nang matagal na pamamalagi sa Dubai.

Hindi lamang sa kaniyang play mawawala si BB, dahil maging sa Book 2 ng programang Enchanted Garden sa TV5, hindi na rin siya mapapanood.

“Sobrang mami-miss ko talaga yung Enchanted Garden dahil ang laki talaga ng naging part ko sa show,” patuloy ni BB.



FANTASERYE. Siguradong maraming makaka-miss sa kanyang karakter na Michiko, na nang-agaw ng eksena mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng Book 1 nito.

“From Michiko as Japanese, to Helfora, as Reyna Michiko na pagkasama-sama.

“Hindi ko rin kasi inasahan na pagkakatiwalaan ako sa ganoong kabigat na role, at salamat sa TV5 at hindi ko yun makakalimutan.

“As in, mami-miss ko rin ang mga naging kasama ko sa show.

“I’m hoping na makasama ko silang muli kasi talagang nag-enjoy ako,” ang sabi pa ni BB.



WITH THE SUPERSTAR. Isa sa mga hindi rin makakalimutang karanasan ni BB sa palabas ay nang makasama at makaeksena niya ang Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang dating reyna ng Eden na inagawan ng korona ang papel ni Nora Aunor sa Enchanted Garden.

“Iba, kasi siyempre institusyon siya. Superstar na siya, bago pa ako naging artista.

“It was really a pleasure, yun talaga ang feeling ko nang makatrabaho ko at makaeksena ko siya—ibang experience talaga.

“In fact, after na makunan kami at habang nasa set kami, hindi ko pa rin inilalagay sa utak ko kasi ayokong ma-overwhelmed…

“Pero, siyempre, kailangan kong paghandaan kasi hindi mo ine-expect kung ano mangyayari.

“Ganun lang ginawa ko, relax at in-enjoy ko yung bawat oras na nandoon siya.

“Sobrang kakaibang experience at ito, ha? Walang halong tsika…

“Pero talagang isa sa memorable na araw ng pag-aartista ko ang nakasama ko siya.

“Ang galing at tsaka ang bait ni Ate Guy… gusto pang magpa-autograph sa akin!

“Nakakaloka talaga! So ibig sabihin natutuwa siya sa akin at natutuwa sa ginagawa namin.”



PERMISSION. Sa kuwento, nagbalik si Reyna Olea, na ginampanan ni Nora, upang iligtas ang buong Eden sa pananakop at kasamaan ng karakter ni BB Gandanghari.

“Meron nga kami na isang eksena na sasampalin ko siya.

“Sabi ko sa kanya parang hindi ko kaya, ang hirap siyempre, ang laki ng respeto ko sa kaniya.

“Pero ang ginawa niya, kinausap niya ako, sabi niya, kailangan ko raw gawin yun…

“At tinanong ko, sigurado ba siya? Oo raw, dahil sasampalin din daw niya ako.

“Ganun siya ka-professional, walang daya—iba talaga siya, wala siyang daya-daya—bow ako sa kanya,” pagtatapos ni BB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN