Alfred Vargas hopes Supremo biopic helps increase public interest in Andres Bonifacio’s life and martyrdom

Alfred Vargas portrays Filipino revolutionary hero Andres Bonifacio in the biopic Supremo. Premiere night is on November 30 (Friday) at SM Fairview. It will be shown nationwide on December 5 (Wednesday), exclusively in SM Cinemas.


Self-confessed fan ni Andres Bonifacio ang actor-turned-politician na si Alfred Vargas.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit niya naisipang gawin at pondohan ang pelikulang Supremo.

Ang nasabing proyekto ay hango sa tunay na buhay ng ating bayani at itinuturing na tagapagtaguyod ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK.

Ang KKK ang rebolusyanoryong samahang lumaban sa mga Kastila noong mga panahong sinakop ang Pilipinas ng Espanya.

“Obsessed ako with Andres Bonifacio,” diretsang pahayag ni Alfred nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon ng tanghali, November 15, sa Consulado Bar sa Quezon City.

“Ever since, siya talaga yung personal hero ko.

"Ewan ko, ako, sa Ateneo ako lumaki, and si Rizal, Atenista.

"Pero ako, every time may school play or class skit, gusto ko ako si Andres Bonifacio.”



DREAM ROLE. Hindi ito ang unang pagkakataong gumanap bilang Bonifacio si Alfred sa big screen.

Taong 2010 nang mapanood ang kasalukuyang Quezon City District 2 councilor sa pelikulang Ang Paglilitis Ni Andres Bonifacio sa ilalim ng direksiyon ng namayapang direktor na si Mario O’Hara.

“Pero ang tinackle kasi dun, yung mismong trial lang,” paliwanag ni Alfred.

Ang tinutukoy na "trial" ni Alfred ay ang naging paglilitis kay Andres Bonifacio ng mga rebolusyonaryong puwersa, na noo’y nasa pamamahala ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dito nahusgahan ng kamatayan si Bonifacio.

“Even while we were shooting that film," dagdag ni Alfred, "sabi ko, I want to tell the story of Andres Bonifacio from beginning to end.”

Puspusang research at paghahanda ang inilaan ni Alfred at ng buong production team para mabigyang hustisya ang karakter ng matapang na rebolusyonaryo.

Malaking tulong ang mga materyales na nasa pangangalaga ng National Historical Commission upang mapagtagpi-tagpi ang mga maliliit at malalaking kaganapan sa buhay ni Bonifacio.

Marami ring mga bagong nalaman si Alfred tungkol sa personalidad ni Bonifacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was not really poor.

"Tapos, si Bonifacio, contrary to what most people think, is very intelligent.

"He’s also a poet, a songwriter. Tapos, yung mga librong binasa niya includes one about the French Revolution at fan din pala siya ni Jose Rizal, so binasa niya rin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.”

Sa pisikal na aspeto naman ay kinailangan ni Alfred na magbawas ng timbang para maging makatotohanan ang kanyang pagganap.



BONIFACIO MARKS 150 YEARS IN 2013. Sa susunod na taon, 2013, ay ipagdiriwang ang ika-150 na kaarawan ni Bonifacio, kaya maituturing na very timely ang pagpapalabas ng Supremo.

Bagamat marami na ring libro at pagsasadula ang inilabas tungkol sa naging katapusan ni Bonifacio, nananatili pa ring balot ng haka-haka ang kinahinatnan ng matapang na Katipunero.

“Nung ginagawa namin ‘to, sabi ko let’s not focus on the trial, kasi nagawa ko na ‘yan sa Paglilitis,” sabi ni Alfred.

“We focused on Bonifacio here as a brother, as a husband and as a patriot.

"As for his death, depende kasi kung anong nabasa mo, pero bottom line is that he died in the hands of fellow Filipinos—makikita rin ninyo yun sa movie.”



ELEVATING BONIFACIO. Isa sa mga plano ni Alfred kung sakaling palaring manalo bilang congressman sa darating na halalan ay ang magpasa ng petisyon upang iangat ang imahe ng iniidolong bayani.

Ito ay para raw mabigyan si Bonifacio ng parehong atensiyon na inilalaan sa pambansang bayani na si Rizal.

“Napakaganda nun para sa ating mga Pilipino, na meron na tayong Jose Rizal at meron din tayong Bonifacio.

"Ako naman, personal conviction ko lang yun, na ipantay naman natin,” paliwanag ng aktor.

Speaking of politics, suportado naman si Alfred ng kanyang mga mahal sa buhay sa desisyong tumakbo bilang congressman sa ilalim ng Liberal Party.

“Go!” natatawang sagot ni Alfred nang tanungin kung ano ang sinabi sa kanya ng manager na si Lolit Solis kaugnay sa planong pagtakbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sige, Anak, pag-isipan mong mabuti at susuportahan ka naming lahat.”

Kumusta naman ang reaksyon at pagsasama ni Alfred at ng kanyang asawang si Yasmine Espiritu?

“Very, very supportive pagdating sa lahat ng bagay,” mabilis na sagot ni Alfred.

TYPICAL FAMILY DAY. Masaya ring ikinuwento ni Alfred ang typical day niya kasama ang pamilya.

Sabi nito tungkol kay Yasmine, "Siya na ang bahala after a very, very tiring day. Pag-uwi ko ng bahay, masarap ang pagkain. Ang ganda pa ni wifey, so nakaka-relax.”

Inaasahan rin ni Alfred na lalong mababawasan ang oras niya sa showbiz kung sakaling masungkit niya ang posisyon bilang congressman.

“Of course, priority talaga ang public service, tsaka family.

"Tulad ngayon, one project lang ako usually.

"Kailangang magsakripisyo talaga. Pero ganun talaga, wala akong regrets.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN