ANNOUNCEMENT: PEP’s MMFF 2012 microsite officially opens

Tatlong drama, dalawang horror, at tatlong katatawanan ang mga pelikulang pagpipiliang panoorin sa Metro Manila Film Festival 2012. Para mas masaya ang Pista ng Pelikulang Pilipino, sagarin ang saya sa panonood ng lahat ng kasali!


It’s that time of the year na nagka-countdown na tayo sa papalapit na Pasko.

Sa showbiz industry naman, ang Christmas day ay Pasko rin ng Pelikulang Pilipino dahil nangangahulugan ito ng pagbubukas ng mga pelikulang kasali sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Isang panahon ito na bakasyon muna ang foreign films at tanging mga pelikulang Pinoy lang ang ipalalabas sa buong panahon ng festival.

Para sa mahihilig manood ng pelikula, isa itong tradisyong tumakbo na ng 37 years, na nagsimula pa noong 1975.

Isa itong masayang pagkakataon para magkasama-sama ang pamilya at magkakaibigan para panoorin ang mga kasaling pelikula.

Habang papalapit nga ang Pasko, pabawas naman ang bilang ng araw para mapanood ang mga kasaling pelikula.

Ngayong 2012, walong pelikula ang nakapasok sa MMFF na pagpipiliang panoorin o puwede ring isa-isahing panoorin lahat.

Sa mga nakasali, tatlong pelikula ang nasa genre ng drama: El Presidente ng Scenema Concept, One More Try ng Star Cinema, at Thy Womb mula sa Centerstage Productions.

Dalawang pelikulang katatakutan o horror films naman ang nakapasok this year: The Strangers ng Quantum Films at ang 14th instalment ng Shake Rattle and Roll mula sa Regal Films.

Sa genre ng comedy, tatlo ang pumasok. Nariyan ang Sisterakas ng Star Cinema at Viva Films, Sossy Problems ng GMA Films, at ang isang katatawanang pelikula na may halong pantasya na Si Agimat, Si Enteng at Si Ako mula sa OctoArts Films, M-Zet Productions, Imus Productions, at APT Entertainment.

MMFF MICROSITE IN PEP! Dito sa MMFF microsite ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matutunghayan ang kumpletong kaganapan ng nasabing film festival bago pa man ang pormal na pagbubukas nito sa December 25.

Mula sa araw na ito, November 16, ay ihahatid ng PEP ang lahat ng mga istoryang may kinalaman sa Metro Manila Film Festival 2012.

Bisitahin ang microsite ng PEP sa MMFF 2012 DITO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN