Ayen Munji-Laurel on Marian Rivera’s moody side: "She knows who she is. Alam niya na masungit siya minsan, na may mood siya."

"Lahat kami ganun, may mga mood. Kami-kami sa set, kami ang nagkakaalaman. Siyempre pagod, ganun. As a babae, alam namin yung mga mood namin and she doesn’t deny that. What I like about her, alam niya, ganun siya, e," sabi ni Ayen Munji Laurel tungkol sa kanyang Temptation of Wife co-star na si Marian Rivera.


Natutuwa si Ayen Munji-Laurel na pawang magagandang roles ang ibinibigay sa kanya ng GMA-7 sa lahat ng mga teleseryeng nagawa niya.

Katulad nga raw ng role niya ngayon bilang Lady Armada sa Pinoy remake ng Korean drama series na Temptation of Wife.


Ito ay pinagbibidahan nina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Rafael Rosell, at Dennis Trillo.

“Ako yung mother ni Rafael Rosell, pero I adopted him.

"Doon sa Koreanovela ang pangalan ng character ko is Lady Min. So, dito they changed it to Armada to sound a bit Pinoy, di ba?

"Very crucial yung role ko kasi, kumbaga, parang ako yung magiging isa sa susi sa magiging revenge ni Marian.”

Nasa good side naman daw ang character niya.

“Oo naman. Siyempre may konting twist, but there’s a redeeming factor.

"Medyo mabilis yung story surprisingly. I mean, di ba pag teleserye parang pinapatagal nila minsan?

"I don’t think lumayo sila nang malayo doon sa original. Kung meron man silang binago, it’s the way it is presented sa television.”

Malaki raw ang kaibahan ng role niya sa Temptation of Wife kumpara sa nakaraang teleserye niyang Hiram na Puso.

Hiram na Puso is all emotions. Kumbaga wala akong taping day na hindi ako umiiyak, nagagalit, o talagang pushed-to-the-wall yung character ko.

"So, this one sa Temptation, it started easy sa character ko. Yung meek side of Lady Armada yung ipinapakita.

“Kasi beginning pa lang nung isang teleserye ko, talagang very intense, e.

"So, for me it’s a welcome change. Kasi parang umuuwi ako sa bahay ngayon na meron pa akong energy for my family.

"Kasi sa Hiram gumagapang ako pauwi,” biro niya.

Ikinatutuwa rin ni Ayen na pawang strong women ang ginagampanan niyang roles sa teleserye.

“Which I appreciate naman kasi it’s challenging in that way. And then I’m so blessed na mabigyan ng really good roles na talagang nagmamarka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, before Temptation I was supposed to do Haram sana, kaya lang na-shelved nga siya, di ba?

"Buti na lang din hindi natuloy, kasi meron din palang ibang kapalit na maganda yung role ko.”


YOUNG MOTHER. Hindi naman daw isyu kay Ayen na madalas na nanay ang role na napupunta sa kanya.

In real life naman daw ay may tatlong anak na siya at ang panganay niya’y 22 years old na.

Natutuwa lang siya na may mga nagkokomento na “young mother” ang dating niya.

“Yung people na nanonood ngayon sinasabi na, ‘Parang ang bata mo naman para maging nanay ni Rafael.’

"Sinasabi ko naman adopted son ko siya. But, of course, I have a 22-year-old daughter. Yung panganay ko talagang 22. So, okey lang naman.”

Ano ang ginawa niya to fit the role?

“I have to cut my hair. And the way you act, it’s more of physicalizing it. But hindi naman old talaga si Lady Armada.”

THE ACTRESS. Nagsimula sa stage musicals at teatro si Ayen, pero ngayon nga ay mas nalilinya niya sa telebisyon.

Ano ang pakiramdam na mas nakikilala na siya ngayon bilang aktres dahil sa exposure niya sa telebisyon?

“That’s what’s been happening. Actually, I prayed about it.

"Sometimes you look for your… it’s the season, I guess.

"I was asked by our director Dominic Zapata, ‘Don’t you miss the stage?’ Because that’s where I started, e.

"So, sabi ko, ’That’s what I really miss.’

"I was supposed to do a stage play, pero I chose not to do it na rin because of Temptation. Because of puyat, ang hirap kumanta.

"But I’m looking forward to do that next year. Parang you have to go back to your roots, at least.”

Ano ang nakukuha niyang satisfaction at fulfillment ngayon sa pag-arte niya sa telebisyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, being in a teleserye, you are recognized more. They really know who you are. You have a fan base, e.

"Kumbaga, they appreciate what you do and they are very vocal about it.

"Sa stage kasi pagkatapos ng performance, palakpak, exit. Minsan hindi ka pa nila matatandaan na ikaw pala yun, unless manalo ka ng award, di ba?

"I won an award in Atang, yun nare-recognize nila yun. At saka limited ang audience ng theater.

"E, sa television, everywhere you go, in the mall, wherever talaga, they know you. They even come up with a fan page. It started in Amaya.

"Nakakatuwa kasi from students to mothers they can relate to you.”

May kuwento pa nga siya tungkol sa ginawa ng isang fan na hindi niya makalimutan.

“There was one student na dinrow [draw] niya yung character ko sa Amaya twice and he sent it to me.

"Kasi yung mother niya is a friend of a friend of a friend na minake [make] sure na makarating sa akin yung drawing.”

WORKING WITH THE CAST. Kumusta naman katrabaho si Rafael bilang adopted son niya sa Temptation of Wife?

“Si Rafael, nakakatuwa. The last time we saw each other was last Saturday, nag-taping kami. It was just the beginning of being together. Nakikilala namin ang isa’t isa.

"And then in one of our conversations… of course, I don’t believe in horoscope, nakakatawa lang yung conversation nila about birthdays.

"And then we found out na we’re all born in November. Though ang layo ng edad ko sa kanila, di ba? But we get along well.

"Mabait naman na bata si Rafel, kalog. Actually, lahat sa set mabait.”

Maituturing namang reunion project ito para kina Ayen at Marian matapos nilang magsama noon sa Amaya.

“It is a reunion, of course, with Marian, also with Raymond Bagatsing and Glaiza de Castro, because we’re all from Amaya before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOODY MARIAN. What’s best about working with Marian?

“You know, si Marian kasi naging kaibigan ko noong Amaya pa. Kumbaga yung Amaya family intact pa rin up to now.

"There was a time nga na we got together kahit tapos na yung Amaya. Nagsasama-sama pa rin kami.

“And I appreciate her because nag-e-effort yun, e.

"One thing I like about her, she knows who she is. Alam niya na masungit siya minsan, na may mood siya.

"Lahat kami ganun, may mga mood. Kami-kami sa set, kami ang nagkakaalaman. Siyempre pagod, ganun.

"As a babae, alam namin yung mga mood namin and she doesn’t deny that. What I like about her, alam niya ganun siya, e.

“And then magaan siyang katrabaho ngayon kasi gusto niya yung cast.

"Si Marian kasi pag gusto niya yung mga tao sa paligid niya, makikita mo yun talaga. Makikita mo na nag-e-enjoy siya, na naa-appreciate niya lahat sa paligid niya.”


GIVING UP A MOVIE PROJECT. Nami-miss din daw ni Ayen na gumawa ng pelikula.

Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay ang Here Comes The Bride at Sigwa.

May gagawin nga sana siyang bagong pelikula, pero hindi na nga siya natuloy dito dahil hindi niya kayang iwanan ang Temptation of Wife.

“I was supposed to do a movie, umalis na sila, nag-abroad na sila, iniwan na nila ako kasi I couldn’t give up Temptation of Wife.

"This week yung start ng shoot nila sa abroad, e. Sa Europe. Yun ang kailangan mong i-sacrifice pag gumagawa ka ng teleserye. Hindi mo pwedeng i-give up kasi this [Temptation] is until February.

"Paano pag na-extend pa, di ba?”

Anong pelikula ba ito at sino ang bida?

“I don’t know if it’s Star Cinema and a co-production. I think Coco Martin film. Nasa ano sila ngayon, sa Amsterdam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano sana ang role niya rito?

“Hindi ko na inalam kasi sasama lang ang loob ko pag inalam mo pa. Pero alam ko maganda yung role.

"Hindi ko na tinanong dahil parang I was given two weeks to decide. Sabi ko, of course I couldn’t give up Temptation of Wife dahil nag-start na kami.

"’Tapos I think one month kami mawawala for the movie, Europe at America.”

Wala naman daw nararamdamang pagsisisi si Ayen lalo na ngayon na Temptation of Wife is doing well sa ratings.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN