Ryan Cayabyab commends Regine Velasquez’s "unbelievable courage" in pushing through with Silver concert

Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg">

Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg">

Malaki ang naging paghanga ng composer na si Ryan Cayabyab (kanan) sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez (kaliwa) na nagpatuloy pa rin ng concert sa kabila ng masamang pakiramdam. Sabi ni Mr. C: "She came out there kahit wala siyang boses. She had the courage to face… not just courage, you really have to give her a medal. Imagine, alam niyang lalaban siya sa giyera na alam niya na patay na siya agad. Lalaban siya na wala siyang bala. So, it’s unbel


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maestro Ryan Cayabyab sa launching at presscon ng Philippine Popular Music Festival 2013 kahapon, Nobyembre 17, sa Genting Club ng Resorts World Manila.

Si Ryan, aka Mr. C, ang executive director ng PhilPop MusicFest Foundation na nagtataguyod sa naturang music festival.

Si Mr. C din ang musical director ng Silver anniversary concert ni Regine Velasquez na ginanap noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 16, sa Mall of Asia Arena.

Katuwang ni Mr. C ang brother-in-law ni Regine na si Raul Mitra.

Kaagad na inusisa ng PEP si Mr. C tungkol sa nangyaring aberya sa concert na may kinalaman sa pagkawala ng boses ng Asia’s Songbird. Hindi na natapos ni Regine ang concert.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang naramdaman niya sa nangyaring ito kay Regine, lalo na at bahagi pa siya ng naturang concert?

Ani Mr. C, “Nalungkot kaming lahat. Alam mo, I really feel bad.

“Kanina paggising ko ng umaga, napakabigat ng pakiramdam ko dahil, alam n’yo, pinaghirapan namin [ito].

“And Regine, [before the concert] was in tip-top condition.

“For the first time, narinig ko yung rehearsals namin, ang ganda-ganda ng boses ni Regine. Ang tagal-tagal ko na siyang hindi naririnig.

“Monday night rehearsal, great. Tuesday night rehearsal, perfect.

“Wednesday night... ready na kami ng Wednesday night.

“Thursday night, nasa Arena na kami, naka-run through na kami. Meron pa, okay na okay pa ang boses niya.

“Pero nung break namin, nakita ko siya na nanlumo nang konti. Sabi ko, ‘Kumusta ka?’

“Sabi niya, ‘I’m not feeling well.’

“The next day, hindi namin akalain na paggising niya ng umaga, wala na siyang boses.

“I really think she got the virus, kasi ang bilis, e, ang bilis.

“Of course, siguro she got it several days before pero may gestation period yun, e, bago umepekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero we were all ready, we worked so hard for it, the arrangements were so good, the arrangements of Raul Mitra, Gerard Salonga, some of my arrangements.

“We’re all ready, tapos nangyari yun kagabi, parang ang sakit sa loob.

“Ang sakit sa loob kasi nararamdaman ko siya, e.

“Nararamdaman ko sa dibdib na hirap na hirap si Regine.

“Yung sinabi niya doon na naiyak siya and all that, damang-dama naming lahat yun.

“Somebody texted me and said, ‘Wala talaga siyang boses, naiyak ako.’

“They really came to watch Regine. As a matter of fact, punung-puno ang Arena kagabi.”

May ibinigay ba siyang payo kay Regine bago magsimula ang concert?

“You know, lahat kami, we were just pushing her. Kasi hindi naman niya sinabing ayoko na, e.

“Nung sinabi niya na go, lahat kami go. Ibig sabihin, kaya mo iyan, matatawid natin iyan.

“Nakakatuwa lang yung sinabi ni Vice Ganda kay Regine na, ‘Alam na namin na magaling kang kumanta, na magaling kang bumirit. Pumunta kami rito para mapanood ka at makasama ka sa anniversary mo.’”



PROUD OF REGINE. Sa kabila nga ng kalungkutang naramdaman ni Mr. C ay matindi naman ang naging paghanga niya sa pagiging professional ni Regine.

“You have to give it to Regine.

“Kasi, morning pa lang, alam na niya na wala na siyang boses.

“Pinag-usapan nila na hindi puwedeng hindi matuloy, kasi yung mga fans na nanggaling kung saan-saan.


“Sabi nga niya, ‘I owe it to them. I owe it to my audience.’

“So, she came out there kahit wala siyang boses.

“She had the courage to face… not just courage, you really have to give her a medal.

“Imagine, alam niyang lalaban siya sa giyera na alam niya na patay na siya agad. Lalaban siya na wala siyang bala.

“So, it’s unbelievable courage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have experienced that twice before with two major stars, so I know how it feels. And I know what she was going through.

“Of course, she was affecting everyone sa amin.

“Sabi namin, ‘Sige, sige!’ As a matter of fact, sa audience, ‘Sige, sige lang!’ Nagtsi-cheer silang lahat.

“But ang magandang nangyari kagabi, out of her generosity talaga, sabi niya, ‘This is not the way to do it. Hold on to your tickets and I’ll give a free show.’ Sabi niyang ganun.”



FREE CONCERT. Dahil free nga ang susunod na show, iwe-waive niya rin ba ang talent fee bilang maestro sa repeat ng naturang concert?

“Siyempre ang tanong sa akin agad, ‘Puwede ka bang free?’


“‘Of course,’ sabi ko. So, committed [na ako].

“Of course, hindi naman lahat [ng staff] puwedeng libre kasi maraming tao sa industriya na umaasa rin sa kanilang trabaho.

“Puwede naming ibigay yung tulong namin. Pero there’s more people in the industry who work hard, yung mga crew, dapat naman siguro bigyan naman sila.”

May mensahe pa si Mr. C para sa Songbird at sa followers nito, lalo na sa mga nanood ng concert.

“Alam mo, hindi lang naman ako music director ng concert ni Regine, ako ay isang number one fan din ni Regine.

“From before ba, noong una ko siyang nakita sa Bagong Kampeon at naiboto ko siya, kasama ko yung mga kasama natin na naiboto si Regine na siya ang tunay na kampeon. That was a long time ago.

“So, Regine, just hold on to your talent. We know that it is God-given talent.

“And to all her fans, hold on to the tickets that you bought because Regine is gonna give a free concert.

“Merong free concert, mauulit. Tapos sama-sama tayo, magkikita tayo.

“Kinausap ko na nga si Raul kagabi, sabi ko, ‘Raul, kailangan nating gumawa ng medyo bago uling areglo dahil napanood na nila yung ating ipapakita.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, magkita-kita ulit tayo.

“To Regine, magpagaling ka at ikaw pa rin ang Asia’s Songbird.”



PHILPOP MUSICFEST 2013. Bukod sa repeat free concert ni Regine, magiging abala rin si Mr. C sa Philippines Popular Music Festival 2013.

“We already did our first PhilPop noong July 14 and we are announcing the launch of the 2013 PhilPop Music Festival.

“Ito ay gaganapin sa July 6, 2013.

"At gusto kong sabihin sa kanila, yung mga mahihilig gumawa ng mga awitin, tsansa na po n’yo yun, dahil nagbibigay ang PhilPop ng—one million pesos sa grand prize, five hundred thousand sa second prize, ang third prize ay two hundred fifty thousand.

“Meron ding People’s Choice award na ibinoboto through text at online voting.

“Alam n’yo ho, importante ito sa ating lahat dahil kailangan natin ng mga bagong awitin para sa bagong generation ng mga Filipino fans ng music.

“At hindi lang Filipino fans ng music kundi para sa ating bansa, kailangan natin na laging dumarami ang Filipino composers.

“Importante ito, nagdudulot tayo ng saya, nagdudulot tayo ng additional literature for our culture, at ang importante ay matulungan natin, masuportahan natin ang Filipino music.”

Ang submission daw ng original song entries ay mula January 1 hanggang February 28, 2013 sa www.philpop.com.ph.

Ipinagmamalaki naman ni Mr. C ang malaking suportang ibinibigay ng businessman na si Manny V. Pangilinan at ng MVP Group of Companies.

Una, para palaganapin ang Original Pilipino Music (OPM).

Pangalawa, para bigyan ng venue ang mga Filipino composers—propesyunal man o amateur—para sa kanilang mga bagong likhang awiting Pinoy.

Si MVP din ang chairman ng PhilPop MusicFest Foundation.



CERTIFIED GOLD. Ikinatuwa rin ni Maestro Ryan na certified gold record na ang unang album ng PhilPop.

Ito ay ang Philippine Popular Music Festival 2012: The Fourteen Finalists distributed by Ivory Music.

Malapit na rin daw nitong maabot ang platinum status.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naturang album ay kinatatampukan ng grand prize winner na “Bawat Hakbang” ni Karl Villuga at interpreted ni Mark Bautista and The Akafellas.

Kasama rin sa tracklist ang second placer na “Tayo-Tayo” Lang by Toto Sorioso (interpreted by Ebe Dancel); third-placer “Kontrabida” by Soc Villanueva (Sam Concepcion); “3 AM” by Keiko Necesario (Marie Digby)...

“Bigtime” by Trina Belamide (Baihana); “Brown” by James Leyte (Brownman Revival and James Leyte); “Dulo ng Dila” by Noah Zuniga (Jay R and Deejay Poblete)...

“Himig ng Panahon” by Thyro Alfaro (Duncan Ramos, Luke Mejares, Loonie, Thyro, and Yumi); “Kesa” by Edwin Marollano (Daniel Grospe); “Minsa’y Isang Bansa” by Gary Granada (Gary Granada)...

“Negastar” by Mike Villegas (Cathy Go); “Piso” by Krist Melecio (Joey Ayala); “Slowdancing” by Kennard Faraon (Nyoy Volante); at “Takusa” by Byron Ricamara (Rocksteddy).

Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg">


Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg"> Silver concert" data-url="https://www.pep.ph/news/36478/ryan-cayabyab-commends-regine-velasquez39s-unbelievable-courage-in-pushing-through-with-silver-conce" data-desc="Mr. C agrees to waive his talent fee for Regine’s free repeat concert." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/edc2a0375.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN