Katherine Luna willing to introduce Coco Martin to their 7-year-old daughter: “Hindi ko ipagdadamot sa iyo. Gusto ko ring makilala ka niya.”

Wala na raw kinikimkim na galit si Katherine Luna kay Coco Martin. May anak silang babae ni Martin. Pahayag ng aktres, “Matagal ko nang sinabi sa kanya, wala na naman po akong pakialam kung meron siyang intensiyon na makita o wala, wala akong pakialam. Iyon lang pong…huwag lang pong masasaktan yung anak ko. Pag dumating yung araw… huwag talaga, huwag iiyak, huwag masasaktan yung anak ko. Kasi, hindi ko talaga alam kung ano’ng gagawin ko. Pero hind


Tatlong linggo pa lang ang nakararaan mula nang isilang ng dating sexy actress na si Katherine Luna ang kanyang panlimang anak.

Hindi naman ipinagkakaila ng Ang Babae Sa Breakwater actress na marami siyang pinagdaanan sa buhay upang mabuhay ang kanyang mga anak mula sa iba’t iba niyang nakarelasyon.

Nakapanayam si Katherine ng StarTalk TX ng GMA-7.

Sabi ni Katherine, “Siyempre, dumarating talaga sa buhay yung mga ups and down, di ba?

“Maraming dumating din na medyo, iyon, talagang medyo talagang na-down talaga kami.

“Ang dami, sunud-sunod. Gastos, sinarado ko yung negosyo ko sa Cavite, yung babuyan medyo nagkaroon ng problema, tapos naoperahan ako sa gall bladder.

“Nabuntis ako, siyempre nawalan ng trabaho.”

Sa ngayon, maayos naman daw ang kalagayan ni Katherine sa piling ng kanyang non-showbiz live-in partner.

Tatlong taon na raw silang nagsasama.

“Nasusuportahan naman po niya yung mga pangangailangan namin kahit papaano.

“Hindi naman siguro… hindi naman dumating sa point na nagutom kami, ganun.

"Kahit papaano, binubuhay niya kami.”

SINGLE PARENT. Inamin ni Katherine na bago niya nakilala ang kasalukuyan niyang kinakasama ay nagtrabaho siya ulit sa nightclub.

Kasama rin ba rito ang pagtanggap ng mga indecent proposal?

Pagtanggi nito, “Hindi ko naman po siguro kailangang humantong pa sa ganun. Kuntento na ako sa kinikita ko.

“Kasi kung pumasok siguro ako sa ganung sistema, sa ganung hanapbuhay, baka yaman-yaman na ako!

“Kailangan ko po [magtrabaho sa club], e. Ilan sila?" sabi nito, na ang tinutukoy ay ang bilang ng mga anak na pakakainin.

“Nag-aaral pa, tapos e wala naman pong suporta yung mga tatay, ako lang yung inaasahan.

"Pamilya ko, ako lang ang inaasahan.

“Wala po, no choice po ako, kailangan kong maging praktikal.

“Ang hirap-hirap maging single parent.

“Ang hirap po. Minsan dumadating ako sa punto, parang, ano ba? Iniisip ko na ibigay ko na sa mga tatay nila ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sila [mga tatay], parang, hangga’t hindi ko ibinibigay sa kanila, hindi nila ako sinusuportahan.

“Ganun yung nangyayari. So sabi ko, ’Hindi, kakayanin ko.’ Hindi ko kaya, e."

Inamin din ni Katherine na inisip niya noong wakasan na ang sariling buhay.

“Inisip kong mag-suicide. Opo, nagtangka ako.

“Nagpa-overdose ako sa gamot, pero sabi ko, ang liliit pa ng mga anak ko, e.”



DAUGHTER WITH COCO. Pitong taong gulang na ang anak ni Katherine sa aktor na si Coco Martin.

Nagkaroon ng relasyon sina Katherine at Coco nang magsama sila sa unang pelikula ng aktor, ang Masahista, noong 2005.

Inisip ba ni Katherine na ibigay kay Coco ang kanilang anak?

Saad ng aktres, “Yung time na yun na hindi ko kaya, na down na down na talaga ako, ako, sabi ko na, ang iniisip ko na, yung para sa bata talaga.

“Pero sabi ko kasi, mas kailangan ako ng anak ko. Nanay ako.

“Nanay ako, sabi ko. Ano na lang siguro, bahala na.

“Hindi ko naman siya napapabayaan, e.”



PROUD OF HER DAD. Wala raw anumang ugnayan ngayon ang kanyang anak at si Coco.

“Nung ipinagbubuntis ko, oo, meron po siyang… Opo, nabilhan niya ako ng mga gamit.

“Pero nung ipinanganak ko na si Nicole, wala, wala na, wala po akong narinig. Simula nung first month.

“Hindi na kailangan, e. Nabuhay ko na siya, e.

"Pitong taon, pitong taon nasa akin, nabuhay ko siya, napag-aral ko, nabigay ko…

“Oo, hindi nga ganun kamahal yung mga nabigay ko para sa kanya…

“Pero kung ano’ng maitutulong niya…. masaya yung bata sa akin.

“Hindi ko ipagdadamot yun, hindi ko ipagdadamot sa kanya na makilala niya in person yung tunay niyang ama.

“Kasi hindi ko po ipinagdamot sa kanya.

“Sa TV, pag nakikita niya, ‘Daddy ko ‘yan!’ Alam niya, proud siya.

“Hindi ko naman siya sinisiraan. Hindi ko sinisiraan si Coco sa anak ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEEKING HELP. Sumagi ba sa isip niyang lumapit kay Coco para sa kanilang anak?

“Sabi ko nga sa kanya, yung responsibilidad niya, kung gusto niyang anuhin sa bata, puwede naman.

“Pero sana, wala ng media, wala ng ano, di ba?

“Gusto ko, kusang-loob siya, may kusa siya, di ba?

"Kung may kusa siya, sige, hindi ko naman ipinagdadamot sa kanya."

Mensahe pa ni Katherine kay Coco: “Hindi ko ipagdadamot sa iyo. Gusto ko ring makilala ka niya.’”

May kinikimkim ba siyang galit kay Coco?

Sagot ni Katherine, “Wala naman po siguro, hindi na po siguro galit.

“Matagal ko nang sinabi sa kanya, wala na naman po akong pakialam kung meron siyang intensiyon na makita o wala. Wala akong pakialam.

“Iyon lang pong… huwag lang pong masasaktan yung anak ko.

“Pag dumating yung araw… huwag talaga, huwag iiyak, huwag masasaktan yung anak ko.

“Kasi, hindi ko talaga alam kung ano’ng gagawin ko.

"Pero hindi ko pinagsisihan, kasi may naging bunga.

“Kung hangga’t maaari, sa amin na lang, sa akin na lang [ang sakit], huwag lang dun sa bata.

“Yun nga yung ano na siguro nga, naging ama’t ina ako kaya medyo nagiging istrikto ako, na masyado akong ano, overprotective ako sa kanila.

“Kailangan kong maging matatag para sa mga anak ko, hindi ako puwedeng maging mahina.

“Basta ako, magtatrabaho ako para sa anak ko, nabubuhay ako para sa anak ko, gagawin ko ito para sa anak ko.”

Tinangka raw ng StarTalk TX na kunin ang panig ni Coco, isang ABS-CBN talent, sa pamamagitan ng kanyang manager na si Biboy Arboleda, ngunit hindi ito sumagot sa kanilang tawag at text.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN