Dimples Romana “back to usual acting role” in A Beautiful Affair

“Magulang ako, kung hindi ako gagawa ng mommy roles, parang nawawala yung essence ng pagiging artista ko kung aayawan ko yung mga ganung bagay, e,” says Dimples Romana about portraying mother roles in movie and TV projects.


Time-out muna sa trabaho ang aktres na si Dimples Romana para gawin ang kanyang tungkulin bilang ina at asawa noong Biyernes, November 16.

Mula sa pagsundo sa kanyang unica hija, tumuloy si Dimples, kasama ang kanyang asawa’t anak, sa Svelte Spa sa Eastwood City, Libis, Quezon City, para sandaling relaxation sana.

Pero hindi inaasahan ng Star Magic talent na may inihanda ring sorpresa ang may-ari ng iniendorso niyang skincare brand na Dermablend para sa kanyang ika-28 na kaarawan.

Hangga’t maaari, ayon kay Dimples, kinukuha na niya ang mga pagkakataong wala siyang trabaho para makabawi sa kanyang pamilya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niya, “Medyo mommy-wifey duties ako para nakakabawi.

“Kasi, as you know, when you’re doing a teleserye, it’s usually three times or four times a week.”

Sa ngayon ay abala si Dimples sa pagganap bilang Emy sa primetime teleserye na A Beautiful Affair, at paghu-host ng weekly program na Kabuhayang Swak Na Swak.

Parehong ipinalalabas sa ABS-CBN ang dalawang programa.

“As much as possible, when I have free time, I really try to do regular things that a mom would do para hindi rin magtampo sa akin ang pamilya ko, di ba?” sabi niya.

Biro pa ni Dimples, “Para hindi ako pigilan! Baka kasi pigilan ako magtrabaho!”



ON DOING MOTHER ROLES. Bukod sa pagiging nanay sa totoong buhay, halos puro mother roles din ang ginampanan ni Dimples sa mga nakaraan niyang proyekto.

Hindi naman daw ito problema kahit na tila medyo bata pa siya kumpara sa ibang artistang gumaganap bilang nanay sa pelikula at telebisyon.

“That’s okay for me. I’m a character actress. Actually, mas option ko ‘yon kaysa other things,” ani Dimples.

Proud din si Dimples sa kanyang mga naging pagganap bilang ina dahil kahit papaano ay tumatak ito sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-alala pa niya, “The mommy roles that I got to portray were not just mommy roles but these are super-markado roles.

“I’m sure a lot of people, a lot of mothers can relate to.

“Plus, I’m a young mom and that’s a trend now.

“I know na ang generation ngayon ay medyo bata na ang mga magulang.

“Pero the main point of me loving my craft is also to be able to relate to other people.

“Magulang ako, kung hindi ako gagawa ng mommy roles, parang nawawala yung essence ng pagiging artista ko kung aayawan ko yung mga ganung bagay, e.”

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, ang haba ng streak ko na puro mommy roles, e.

“Kaya ipinagpapasalamat ko rin ‘yon because that’s work.

“Masaya rin ako dahil maganda… Nag-start ko Agua Bendita, Mara Clara, Ikaw ay Pag-Ibig, Lorenzo’s Time, Magkaribal.

“These are all very, very good teleseryes that I know na nagmarka talaga, so I don’t mind.”



BACK TO NORMAL ACTING. Sa bago niyang proyekto, hinto muna sa pagiging nanay si Dimples at isang single na karakter naman ang ginagampanan niya sa A Beautiful Affair.

“Now, in A Beautiful Affair, I’m back to my old roles,” natutuwang sabi ng dating teen actress.

“Before kasi, I think there was a shortage of mommies in ABS-CBN.

“Now there’s more of us, mas marami nang nakakapag-portray.

“So now, I can go back to my usual acting role.”

Noong nakaraang linggo lumabas ang character niyang si Emy sa teleserye, at masaya siya sa mga magagandang reaksiyon na natanggap mula sa mga manonood.

“While I was monitoring Twitter, Instagram, and Facebook, I felt so loved,” kuwento ni Dimples.

“Emy is my role in A Beautiful Affair, natuwa ako because maganda yung response nila, e.

“Kasi ano ako doon, e, bulag. Bulag na ako pero astigin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing na pahinga ito sa sunud-sunod na mother roles na ginawa ni Dimples.

Sa katunayan, sabi pa niya, “For a change, hindi na ako mommy, pero hindi pa ganun kabigat masyado.

“May drama naman siya.

“Kasi, sanay ako kapag nagma-mother roles ako, pagsalang pa lang, grabe, balun-balon na ng luha, e.

“Ito may luha, may tawa, so very complex kaya masaya ako ngayon talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN