Dingdong Dantes on love scene with Angel Locsin in One More Try: "Okay naman."

Nilinaw ni Dingdong Dantes na hindi siya kinonsulta ng pamunuan ng GMA-7 kung sino ang ipapalit kay Kylie Padilla bilang kapareha niya sa Pahiram Ng Sandali. Sabi ng aktor, “No, no… but I was very eager to find out. As always, I put my trust in the network. And siyempre, just like everyone else, excited din ako kung sino ang ’papalit at happy naman ako na medyo isa ako sa unang nakaalam.” Ang napiling pumalit kay Kylie ay si Ma


Magsisimula na sa Lunes, November 26, ang primetime series na pagbibidahan ni Dingdong Dantes sa GMA-7, ang Pahiram Ng Sandali.

Kuwento ni Dingdong tungkol sa kanyang role, “Isa akong struggling photo-journalist na gustong umasenso dahil itinakwil ako ng aking ama noong bata ako. Na makakasalamuha ko ang maraming malalaking tao along the way—at isa na dun ay si Ms. LT [Lorna Tolentino]."

Si Mark Gil ang gaganap na ama ni Dingdong sa teleserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng Pahiram Ng Sandali, sa opisina ng LTR2 station sa Santolan, Pasig, last week.



FROM KYLIE TO MAX. Dapat ay si Kylie Padilla ang makakapareha ng aktor dito, pero ilang araw bago magsimula ang taping ay nag-backout ang young actress.

Pinalitan si Kylie ng bagong Kapuso na si Max Collins.

Tinanong ba si Dingdong ng network o production team kung may gusto siyang maging leading lady niya, kapalit ni Kylie?

Sagot ng aktor, “No, no… but I was very eager to find out.

“As always, I put my trust in the network.

“And, siyempre, just like everyone else, excited din ako kung sino ang papalit at happy naman ako na medyo isa ako sa unang nakaalam.”

Masaya ba siya na si Max ang napili ng management na pumalit?

“Very, very,” nakangiting sabi ni Dingdong.

Si Max ay kasamahan ni Dingdong sa PPL Management Inc., na pinamamahalaan ng manager nilang si Perry Lansigan.



MMFF ENTRY. Bukod sa kanyang bagong primetime seriers sa GMA-7, abala rin ngayon si Dingdong sa shooting ng pelikulang One More Try.

Entry ito ng Star Cinema sa 2012 Metro Manila Film Festival. Kasama ni Dingdong dito ang Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Angel Locsin.

Excited na ba siya para rito?

“Oh, yes, lahat naman ng project ko, excited ako,” sagot ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa One More Try ay may pito pang kalahok sa MMFF this year.

Pero ngayon pa lang ay marami na ang humuhulang ang maglalaban-laban sa No. 1 spot sa box-office ay ang Si Agimat Si Enteng At Si Ako at ang Sisterakas.

Pawang box-office stars kasi ang nasa cast ng dalawang pelikula.

Sa Si Agimat Si Enteng At Si Ako ay tampok sina Bong Revilla, Judy Ann Santos, at Vic Sotto.

Sa Sisterakas ay bida naman sina Ai-Ai delas Alas, Kris Aquino, at Vice Ganda.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

“Ako kasi, ang ine-aim ko lang, sana mapanood ito ng mga tao, kung sino talaga ang target namin na gustong makapanood nito.”

Noong nakaraang taon ay si Dingdong ang nakasungkit ng Best Actor sa MMFF para sa kanyang pagganap sa Segunda Mano.

Ngayong taon, sa palagay ba niya ay siya muli ang mananalong Best Actor para sa pagganap naman niya sa One More Try?

“Hindi ko po alam,” nakangiting sabi niya.

“At gaya nga ng sabi ko, kung anuman ang interpretation ng manonood e salamat.”

Balita namin ay nai-shoot na nila ni Angel ang “love scene” nila sa pelikula. Kumusta naman ito?

“Okay naman,” sabi ni Dingdong.

“Magaling ang interpretation ni Direk Ruel Bayani at nandoon naman ang tiwala namin sa kanya.

“And more than daring, kumbaga, it is… yung morality mo ang at stake for you to be called daring—and nothing physical.”



BOX-OFFICE SUCCESS. Mahigit isang buwan ipinalabas sa mga sinehan ang huling pelikula ni Dingdong, ang Tiktik: The Aswang Chronicles, kunsaan isa rin siya sa mga nagprodyus.

Masayang-masaya raw si Dingdong sa naging resulta ng pelikula sa box-office, gayundin sa mga natanggap niyang komento tungkol sa pelikula.

Na-meet ba ang expectations niya?

“Oh, yes, yes…and even more,” nakangiti niyang pahayag.

Sigurado raw na masusundan ang iprinodyus na pelikula, pero ayaw pa lang i-disclose ni Dingdong kung ano ang susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re still discussing it, but, definitely, masusundan.”

May mga usap-usapan na ang susunod niyang ipoprodyus ay pagbibidahan ng girlfriend niyang si Marian Rivera. Totoo ba ito?

“Siguro, tingnan na lang natin. Pero, hindi naman siya imposible kung sakali man.

“Pero ayoko pang magsalita o magsabi ng kahit na ano hangga’t wala pa talaga. So, we’ll see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN